PROLOGO

45 8 5
                                    

"Nais kong baunin mo aking Sinta ang ating mga ala-ala" sambit ng babae sa kaniyang sinisintang lalaki.

"Carmencita hanggang dito na lang ba talaga ang ating sinumpaang pangako sa isa't-isa?" Mararamdaman ang pag aalintana sa tinig  ng lalaki.

"Patawad ngunit hindi na maaring madugtungan pa ang ating pagmamahalan sapagkat ipinagkasundo na akong ikasal sa iba." naiiyak na sambit ni Carmencita sa kaniyang sinisinta.

" Kung yan ang nais mo aking irerespeto. Kung ganun hanggang dito nalang pala tayo." Napatigil nalang ito sa pagsasalita at napayuko upang hindi makitang nanghihina sa harap ni Paulita.

"Si no hoy, tal vez mañana mi amor ( If not today, maybe tomorrow my love)" huling sambit ni Alexander bago siya tamaan ng bala sa likod.

"Paulita...Anak gumising ka at binabangungot ka na naman!" Pang-gigising ng ina ni Paulita sa kaniya.

"Ma napanaginipan ko na naman po sila" umiiyak na pag papahayag ni Paulita sa ina nito habang may dalang tubig upang ipainom sa anak na umiiyak.

" Inumin mo muna itong dala kong tubig para kumalma ka anak" pahayag ng ina nito sa kaniya.

"Bakit po ba nila ako dinadalaw sa aking panaginip? May koneksyon po ba ako sa dalawang taong nasa panaginip ko mama?" Pagtatakang tanong nito kahit alam niyang hindi rin siya masasagot ng kaniyang ina.

"Hindi ko rin alam anak,mabuti pang bumisita ka sa kakilala kung magaling na manghuhula" nang mabanggit ng kaniyang ina ang tungkol sa kakilalang manghuhula ay hindi na nagdalawang isip na bumisita si Paulita dito.


PAGKARATING nang dalaga sa nasabing magaling na manghuhula ng kaniyang ina ay hindi nito alam kung paano nito maipapaliwanag ang kaniyang palaging napapanaginipan sa harap ng manghuhula.

"Iha tila may kailangan sayo ang mga taong nasa panaginip mo" sambit ng manghuhula kahit hindi pa nagsasalita ng kahit ano si paulita.

"Ano po kayang kailangan nila sa akin?" Nagtataka namang tanong nito.

"Hindi ko rin mawari ngunit pakiramdam ko malapit sila sayo at nais nilang ikaw ang taong gumawa ng bagay na makakapag pabago ng kanilang malungkot na tadhana. " Pagkasabi ng mga bagay na iyon ay maraming katanungan agad ang bumagabag sa isipan ni Paulita.

Tulalang umalis si Paulita sa bahay ng manghuhula.

Habang naglalakad ito patungo kung saan ay napatigil siya ng makakita ng asul na paru-paro.

Sa sobrang ganda ng paru-parong ito ay sinundan niya kung saan hanggang sa mapadpad siya sa isang lugar na hindi siya pamilyar.

Napapalibutan ng samo't saring magagandang paru-paro ang harden at may iba't ibang makukulay na bulaklak na nagbibigay ng ganda sa lugar.

Nang makakita siya ng isang lagusan ay nagkaroon ito ng kuryosidad kaya walang alinlangan na pumasok siya upang tingnan kung anong meron sa lugar na iyon.

Nang pumasok siya sa lagusan na iyon ay tuluyan niyang nakita ang ganda ng lawa.

Malinis na tila kumikinang ang tubig nito at nakita niya muli ang asul na paru-parong patuloy pa ring lumilipad.

Nang lalapitan niya na sana ang paru-parong ito ay may biglang liwanag na sumakop sa paningin ng dalaga upang ito'y mapapikit dahilan upang magbigay ng sakit sa kaniyang mata ang sobrang liwanag na ito.

Ngunit ng iminulat niya ang kaniyang mata ay nasa ibang lugar na siya.Tila naglaho ang mala-paraisong ganda ng lawa at ganun din ang paru-parong asul na kaniyang hinahabol.

Natagpuan niya nalang ang sarili niyang nakatayo sa gitna ng pamilihan at nagkakaguluhang mga mamimili. Mga kalesang nagmamadali at may sakay na mga kababaihan at kalalakihan na nasa matataas ang posisyon.

Nilamon ng pagtataka ang dalaga dahil sa kasalukuyan niyang sitwasyon ngayon.

Habang naglilibot siya ng kaniyang paningin ay may lumapit sa kaniyang dalaga.

"Binibini nakita mo ba kung saan patungo yung lalaking tumatakbo? Ninakaw niya sa akin ang dala kung pera." Tinitigan lang siya ng dalaga dahil sa pagtataka sa kakaibang kasuotan nito. Nakasuot ito ng baro't saya na kulay asul at itim.

"Patawad pero hindi ko nakita kung sinong tao ang tinutukoy mo." Sagot naman ni Paulita at umiiyak ang dalagita na lumapit sa kaniya.

Hindi alam ni Paulita ang kaniyang gagawin kaya niyakap nalang din nito ang binibini upang mapagaan ang kaniyang nararamdaman.

"Malalagot ako sa aking kapatid kapag nalaman niyang nakuha sa akin ang pera at iyon nalang kase ang pera namin na pinagkakasya pa namin para may makain." malungkot na sabi pa nito.

"May pera ka ba binibini?" Tanong nito sa kaniya pero umiling lang siya dahil wala din siyang dalang pera.

"Sige binibini mauuna na ako sa iyo." Paalam nito ngunit hinawakan ni Paulita ang kamay ng dalaga dahil bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo.

"Binibini anong nararamdaman mo?" Hindi na niya marinig ang sinasabi ng dalaga dahil nanghihina na ito at nahihilo.

Hanggang sa manglabo ang mata nito at tuluyan nang mawalan siya ng malay sa gitna ng pamilihan.

Si no hoy, tal vez mañana mi amor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon