#Tulisan
Ito na ang araw na ihahatid namin si Ginoong Alexander.
Maaga kaming nagising ni Sarah upang ihatid sa daungan ng sakayan ng barko ang kapatid niya.
Nakasakay na kami ng kalesa at tinatahak na namin ang daan patungo sa daungan.
Nakatingin lang ako sa bintana ng kalesa, nasa unahan ng kalesa namin ang sinasakyan ni Ginoong Alexander at ng tita at tito nito.
Samantalang nasa pangalawa kaming kalesa ni Sarah at sa pangatlong kalesa naman nakasakay ang mga guwardiya ng pamilya nila.
Napatigil kami ng makita naming tumigil ang kalesang nasa unahan namin.
Bababa na sana kami upang tingnan kung anong nangyare ng biglang sumilip sa amin ang isang binibining duguan.
"Tulungan niyo kami, may nais pumatay sa amin at ito ay ang Gober--." Hindi ko masyadong maunawaan ang kaniyang sinasabi dahil sa mga nagkakagulo sa paligid ko.
Natataranta ako at nanghihina dahil nakikita kung duguan ang babae habang may karga itong sanggol.
Binuksan ko ang pintuan ng kalesa upang kunin ang sanggol sa babae at nadatnan nalang namin na wala ng pulso ang ginang.
Bigla akong naawa sa sanggol dahil hindi man lang niya nakilala ang kaniyang ina.
Patatakbuhin na sana ng kutsero ang kalesa ng biglang may pumana sa kabayong sinasakyan namin.
Gumewalang gewang ang kalesa hanggang sa mawalan ng kontrol ang kabayo.
Natatakot ako para sa bata at kay binibining sarah,hindi para sa aking sarili.
Tumigil ang pag-gewang ng aming kalesa ng biglang bumukas ang sinasakyan namin at tumambad sa amin ang tatlong lalaking nakataklob ang mukha.
"Huwag po maawa kayo sa amin." Rinig kung umiiyak sa tabi ko si Sarah maging ang sanggol ay hindi narin mapatigil sa pag-iyak.
"Dalhin niyo ang mga iyan!" Rinig kong sigaw ng isang lalaking nakasuot din ng pangtaklob sa mukha.
Hahawakan na sana ako ng isang tulisan ng biglang naramdaman kong may humawak sa akin braso.
Napatingin ako sa ginoong ito at nakita ko si Ginoong Alfred.
Alam kung hindi ito ang tamang oras para maramdaman ko ang kakaibang saya ngunit pakiramdam ko ay ligtas ako dahil nandito na siya.
Nakita ko kung paano siya makipag laban sa mga lalaking tulisan hanggang sa mapatumba niya ang dalawa.
Ang isa ay may dalang patalim kaya natatakot ako para sa kaniya.
"Pumunta ka sa likod ko binibini at huwag kang lalapit. Ayokong mapahamak ka." Ramdam ko ang matinding pag-aalala niya sa akin kaya hindi ko mapigilang mamula.
Huwag mo akong masyadong pakiligin ginoo at nakakalimutan kung nasa panganib tayong dalawa sa mga oras na ito.
Doon ko lang naalala na kasama ko nga pala si Sarah at ang sanggol na dala-dala ko pa.
Hindi ko alam kung paano ito patahanin ang ginawa ko nalang ay isayaw ito hanggang sa unti-unti na siyang nakakatulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/297674201-288-k906000.jpg)
BINABASA MO ANG
Si no hoy, tal vez mañana mi amor (COMPLETED)
Historical Fiction"Come back. Even as a shadow, even as a dream." -Paulita Evaristo. "I just don't want to be your dream, I also want to be part of your reality" -Alfred Howard. Ang babaeng nagmula sa present na laging dinadalaw ng isang panaginip ng kahapon ng kaniy...