Kabanata Isa

16 7 0
                                    

#Pagkikita

Nagising ako dahil sa matapang na amoy ng gamot na nakatapal sa aking katawan maging sa aking noo.

"Binibini kamusta na ang iyong pakiramdam?" Tanong ng babaeng nasa harapan ko ngayon.

Nakilala ko siya dahil siya yung binibining ninakawan kanina bago ako mawalan ng malay.

"Nasaan ako ngayon? Bakit ako nandito?" Naguguluhan kung tanong sa kaniya.

"Binibini nawalan ka ng malay kaya dinala ka namin ngayon sa aming tahanan" ani ng babaeng kausap ko.

"Maaari na ba akong makauwi sa amin?" tanong ko habang pinagmamasdan siya ng mabuti. Natatakot ako at baka may gawin silang hindi maganda sa akin at masyadong kakaiba ang kasuotan nila.

Ang mga kasuotan nila ay natutulad sa isang makalumang panahon. Pakiramdam ko tuloy nananaginip na naman ako.

"Binibini mas mabuti pang magpahinga ka na muna" sagot ng babaeng ito at makikita pa ang pag-alala sa kaniyang mga mata.

Iniwan na muna nila ako sa kwartong kinahihigaan ko habang nakatulala lang ako sa kawalan.

Ang tangi ko lang naaalala ay ang kulay asul na paru-parong hinahabol ko hanggang sa mapunta ako sa isang lawa at bigla nalang itong naglaho hanggang sa makarating ako sa lugar na ito.

Ano bang nangyayare sa akin? Isa ba itong bangungot?

"Binibini papunta ako sa isang lawa at malapit lang iyon dito. Nais mo bang sumama sa akin?" Tanong nito habang nag aayus siya ng kaniyang sarili at nakatingin sa harapan ng salamin.

Nang marinig ko ang lawa ay hindi na ako tumangi dahil baka ito ang lagusan para makauwi ako sa amin.

"Oo binibini sasama ako at mayos na rin naman ang aking pakiramdam." masigla kong sagot sa kaniya at inabutan niya ako ng isang balabal sapagkat hapon na.

"Alam mo binibini, pinag-alala mo ako ng sobra ng bigla kang mawalan kanina ng malay sa pamilihan. Kaya dinala na kita agad sa bahay namin." ramdam ko parin ang pag aalala sa kaniyang tinig.

"Salamat nga pala sa tulong mo Binibini. Ano nga pala ang pangalan mo?" nakangiting sambit ko sa kaniya.

"Ako po si Sarah Valentine. Ikaw po binibini ano ang ngalan niyo?" Balik tanong niya sa akin.

"Paulita Evaristo ang pangalan ko at hindi ako taga rito sa panahon na ito. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito." Sambit ko sa kaniya.

Hindi na siya nakasagot dahil nakarating na kami sa lawa.

Habang papalapit kami ay may napansin kaming lalaking nakahiga sa damuhan habang pinagmamasdan nito ang payapang lawa.

"Binibining Paulita tingnan mo may isang ginoo na narito rin. Siguro ay tinadhana siya para sayo" panunukso agad sa akin ni Sarah.

"Tumigil ka at baka tayo'y marinig ng ginoong iyan at kung ano pang isipin niya sa atin." Pagsusuway ko dito kaya tumigil na siya at pangiti-ngiti nalang sa akin.

Naupo nalang kami sa may gilid ng puno ng manga sa hindi kalayuan ng kinatatayuan ng ginoong nakahiga pa rin sa damuhan.

Nang pagmasdan ko ang lawa ay ito nga ang lawang bigla nalang naglaho. Ngunit paano ako makakauwi nito?

Si no hoy, tal vez mañana mi amor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon