#PagkikitaMuli
Gabi na pero hindi parin ako makatulog dahil lagi kong naalala ang huling sinabi ni Alfredo nung huling nagkita kami sa lawa.
Hindi pa rin ako makapaniwala na may nararamdaman din pala ito sa akin. Kay hirap kumalma pag alam mong gusto ka rin ng taong mahal mo.
Hindi ko alam kung ano nang gagawin ko sa harap niya lalo na't nabatid ko ng parehas kami ng nararamdaman sa isa't-isa.
Napahiyaw ako sa gulat ng biglang sumulpot sa harapan ko si Sarah.
"Binibini ako lang ito o'! Bakit nga pala gising ka pa?" Ngumi-ngising ani nito sa akin na mukhang nang aasar.
"Anong pinagusapan niyo ni Ginoong Alfred at tila hindi kana makatulog sa tuwa?" Kinikilig nitong ani dahil siya ang isa sa mga number one supporter namin sa love story ni Alfred.
"Narinig ko sa kaniya bago ako makatulog sa balikat niya na may nararamdaman din siya para sa akin." napatili naman ito sa sinabi ko at hindi rin makapaniwala sa sinabi ko.
"Binibini napakaganda mo talaga" sabi sa inyo siya number one supporter ko ehh.
"Kahit naman ako kung ganoong kagwapo ang Ginoong magpapahayag ng kaniyang tunay na nararamdaman sa akin magugulat din ako Binibini" kinikilig pang sambit niya.
"Mas mabuting matulog kana at baka bukas may umamin din sayong gwapo at makisig na katulad ni Ginoong Alfred" pang uuto ko sa kaniya at kinikilig naman siyang lumabas na sa kwarto ko.
----
Kinabukasan ay nagulat ako ng may tatlong mirasol na bumungad sa akin.
"Pinapabigay po sa inyo ni Ginoong Alfred" inabot na sa akin ni Sarah ang bulaklak.
"Salamat binibini." Inamoy amoy ko pa ang bulaklak na ibinigay sa akin.
"Natutuwa akong nagustuhan mo ang ibinigay kong bulaklak sayo" napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang tinig ng lalaking iyon.
"Magandang umaga Binibini at katulad ka ng isang mirasol na kay sarap titigan" malambing na ani nito.
"Ginoo,hindi mo rin ba ako sasabihan na kaseng ganda ng isang mirasol." Tumawa naman ako sa pagsulpot niya.
"Tumuloy ka muna at kumain tayo ng suman" pag aanyaya ko sa kaniya.
Maghapon lang nandito sa bahay si Alfred dahil ayaw niya na daw akong mawala sa paningin niya,kay landing Ginoo talaga.
"Binibini sisiguraduhin kong hindi matutuloy ang kasal na ito para sa ating dalawa" tumatango naman ako sa kilig sa sinabi niya.
Pero napaisip muli ako ng maalala ang misyon ko.
Paano kaya magkakabalikan sina Carmencita at Alexander gayung pakiramdam ko may nararamdaman ng pag-ibig si Carmencita para kay Alfred, samantalang pakiramdam ko ay may iba na ring nagugustuhan si Ginoong Alexander.
Pagkaalis ni Ginoong Alfred ay nagtungo ako sa lawa upang magpahangin at makapag isip ng panibagong plano.
Ngunit nang makarating ako sa lawa ay nasumpungan kung may kausap si Alexander na binibini.
Hindi ko makilala kung sino ang binibining ito dahil nakatalikod ito.
Nagtago agad ako sa may malapit na puno upang marinig ang pinaguusapan nilang dalawa.
"Sino na ang binibining nagpapatibok ng puso mo ginoo?" Mahihimigan ang malumanay na tinig ng dalaga.
Boses palang nito ay na kakahalina ng pakinggan.
"Si Binibining Paulita ngunit hindi ko maamin sa kaniya ang pag-ibig ko." Nang marinig ko ang pangalan ko ay tila naistatwa ako sa kinatatayuan ko.
Tama ba ako ng narinig? Paulita ba talaga iyon o ibang binibini ang tinutukoy niya?
"Kung ganun ginoo siguro mas magandang ipahayag mo na ang nararamdaman mo para sa kaniya kaysa maunahan ka pa ng iba." Rinig kong payo ni Carmencita sa kaniya.
"Nagawa ko nang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko ngunit sa pamamagitan nga lang ng pagbibigay ng mga tula na lagi kong ipinapadala sa loob ng silid niya." Napabagsak ang balikat ko ng makilala ko na ang lalaking nagpapadala ng sulat sa silid ko.
Siya pala ang ginoong nagpapadala sa akin ng sulat at hindi si Alfred.
Sa pangalawang pagkakataon umasa lang pala ako.
"Ikaw binibini umiibig kana rin ba kay Ginoong Alfred?" Rinig kong tanong ni Ginoong Alexander.
Hinintay kong sumagot si Carmencita hanggang sa narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Hindi...ikaw parin talaga ang mahal ko hanggang ngayon." Sagot ni Carmencita na naging dahilan upang maging malungkot ako para sa kaniya.
"Hindi maaaring ipilit ang mga bagay na kailaman ay hindi magtutugma binibini." natutulala ako ng marinig ko ang sinabing iyon ni Ginoong Alexander kay Carmencita.
BINABASA MO ANG
Si no hoy, tal vez mañana mi amor (COMPLETED)
Historical Fiction"Come back. Even as a shadow, even as a dream." -Paulita Evaristo. "I just don't want to be your dream, I also want to be part of your reality" -Alfred Howard. Ang babaeng nagmula sa present na laging dinadalaw ng isang panaginip ng kahapon ng kaniy...