#Pagkabunyag
"Kailangan munang matapos ang misyon mo sa panahon na ito dahil kung hindi, tuluyan ka ng mamumuhay sa panahon na iyan at hindi ka na makakabalik sa kasalukuyang panahon." Ani ng isang matanda sa akin.
"Paano ko matatapos ang misyong ito kung sa kaunting oras nalang ang kailangan ko?" Sumasakit ang ulo ko sa mga nalalaman ko.
"Nasa kamay mo ang magiging hinaharap mo." Iyon lang ang sambit niya bago tuluyang naglaho sa harapan ko.
"Binibini... Binibini ika'y binabangungot na naman." Hingal na hingal akong bumangon.
"Pansin kung ilang beses ka ng dinadalaw ng masamang panaginip binibini." Ani ni Sarah habang may dalang tubig na pinainom kaagad sa akin.
"Hindi na ako maaring mag-tagal sa panahong ito." Ang dibdib ko ay tila maaalis na sa tindi ng aking kabang nararamdaman sa mga oras na ito.
Wala akong ideya upang makaalis sa mundong ito at hindi ko alam kung paano ko matutulungan ang pagmamahalan nina Ginoong Alexander at Carmencita kung iba na ang iniibig ng isa sa kanila.
"Aalis ka na ba? Iiwan mo na rin ba kami binibini?" Nararamdaman ko nang paiyak na si Sarah.
Kaya tiningnan ko siya ng mabuti sa mga mata niya.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Maaari mo ba akong tulungan upang muling magkaroon ng pag-ibig ang isang tao sa dati niyang sinisinta?" Hindi naman naunawaan ni Sarah ang nais kong sabihin kaya ipinaliwanag ko pa sa kaniya.
Kalaunan ay nagkaron agad siya ng ideya.
"Alam ko na binibini. Magsulat ka para kay kuya Alexander at Binibining Carmencita na magkita silang dalawa mamayang gabi sa lawa. Hindi naman nila mahahalata iyon na iba ang nagpadala ng sulat." Napangiti naman ako sa kaniyang naging plano.
Tumungo ako kasama ni Binibining Sarah sa kaniyang silid upang magsulat ng liham para sa dalawa.Nang matapos kong isinulat ang mga liham ay si Sarah na ang nag abot ng liham para sa kapatid niya at ako naman ang nagtungo sa kinaroroonan ni Binibining Carmencita.
Pagdating ko sa bayan ay nakita ko si Ginoong Alfred na kasama niya si Binibining Carmencita.
Hindi ko alam kung paano ko maibibigay ang sulat kaya nag isip pa ako ng plano hanggang sa makita ko ang isang bata.
Tinawag ko ito at mabuti naman at lumapit siya kaagad sa akin.
"Ano pong kailangan niyo binibini?" Magalang na tanong ng batang lalaki sa akin.
"Munting ginoo nais ko sanang ipaabot mo ito sa binibining nakasuot ng kulay pulang saya na may desinyong bulaklak sa kaniyang kasuotan." Tinuro ko pa sa kaniya si binibining Carmencita at tumango naman siya.
"Huwag mo na sanang ipaalam kung sinong nagpapabigay sa kaniya ng sulat na iyan. Maraming salamat munting ginoo." Ngumiti pa ako sa kaniya at ginulo ang buhok niya.
BINABASA MO ANG
Si no hoy, tal vez mañana mi amor (COMPLETED)
Historical Fiction"Come back. Even as a shadow, even as a dream." -Paulita Evaristo. "I just don't want to be your dream, I also want to be part of your reality" -Alfred Howard. Ang babaeng nagmula sa present na laging dinadalaw ng isang panaginip ng kahapon ng kaniy...