Epilogo

11 2 0
                                    

Alas otso ng umaga ng tumungo kaming dalawa ni Ginoong Alfred sa lawa upang doon ako makapagpaalam ng maayos sa kaniya. Dinala ko ang iniregalo sa aking talaan ni Ginoong Alexander upang maging munting regalo ko sa kaniya at mabasa niya ang bawat saloobin ko para sa kaniya.

Ang asul na kalangitan at ang sariwang hangin ang siyang pinapakiramdaman ko sa mga oras na ito.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang kumikinang na tubig sa lawa na siyang nagbibigay ganda sa lugar.

Nakita kong may dalang bulaklak si Ginoong Alfred at inabot ito sa akin.
Sa mga oras na ito ay ang saya at lungkot ang siyang nangingibabaw sa akin dahil kailangan ko ng lumisan at iwan siya sa panahong ito.

Napatingin ako sa kaniya ng hawakan niya ang kamay ko at dahan-dahang hinalikan niya ang noo ko.

"Alam kung hanggang dito nalang tayo." May pait sa tinig niya ng sabihin niya iyon.

"Napagtagumpayan muna Mahal kong Paulita ang misyon mo,masaya ako para sayo" dagdag niya pa at makikita ang mapuputing ngipin ni Alfred dahil sa magandang pagkakangiti nito sa akin.

"Aalis ka na hindi ba?" Malungkot na tanong niya.

"Siguro aalis na ako ngunit hintayin mo muli ang pagbabalik ko rito upang makita kang muli" nakangiti kong sambit sa kaniya.

"Ngayon sigurado na ako sa nararamdaman ko sayo" hinalikan niya ako ng marahan sa aking mga labi.

"Mahal na mahal kita Paulita Evaristo, iba talaga magmahal ang mga Evaristo" mahihimigan ang pabirong ani nito at sabay kaming tumawa sa isa't isa.

"Syempre naman 'no!" Saad ko pa dito at nagtawanan pa kami.

"Bago mo ako iwan nais kong ibigay sayo ito" ipinakita niya sa akin ang kwentas na may nakaukit na pangalan naming dalawa.

Hinubad niya sa akin ang kwentas na suot ko na ibinigay pa sa akin ni Carmencita at sinuot ang ibinigay niyang kwentas sa akin.

"Bagay na bagay talaga sayo ang kahit anong kwentas na isuot mo" malambing pang ani nito bago niyakap niya ako ng mahigpit.

Pagkabitaw niya ng yakap ay inabot ko sa kaniya ang talaan kong nakalagay sa basket na aking dala.

"Mahal kong Alfredo nais kong basahin mo ang talaan kong ito at nang kahit wala na ako sa panahong ito ay maramdaman mo pa rin na kasama mo ako." Tatalikod na sana ako ng matapos kong sabihin iyon sapagkat hindi ko na kayang pigilan ang mga taksil kong luha.

Ngunit iniharap niya ako sa kaniya at sinalubong ng halik na unti-unting lumalalim hangang sa sabay kaming maubusan ng hininga.

"Esperaré tu regreso querida, te amo mucho mi amor (I will wait for your return dear, I love you so much my love)" huling sambit niya at muli kong nakita ang kulay asul na paru-paro.

Dumapo siya sa kamay ko hanggang sa unti-unti na namang sumasakop sa paningin ko ang liwanag at napapikit na ako.

"Maligayang pagbabalik Paulita." Rinig kong sambit ng paru-paro kaya napangiti ako.

At naging isang anyong babae ang paru-parong ito.

"Bago ang lahat Binibining Paulita nais kung ipakilala sayo ang pagkatao ko." Sambit pa ng paru-paro sabay hinawakan niya ang kamay ko.

Si no hoy, tal vez mañana mi amor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon