#KatotohananAtPagbabalik
"Anak mabuti naman at nagising kana" napatulala ako ng marinig ko muli ang boses ni mama, naiyak nalang din ako sa tuwa na makita muli sila.
"Ma miss na miss ko na po kayo" umiiyak na sabi ko sa kanila.
"Anak kumusta na pala ang pakiramdam mo?" Biglang pumasok muli sa isipan ko ang unang tanong na yan na tinanong din sa akin ni Sarah.
"Ayos na po ako mama,ilang araw na po ba akong tulog?" Hindi parin ako makapaniwala na kausap ko na siya ngayon.
"Ate tahan na hindi mo naabutan ang vlive nina Jimin,Suga at Rm!" Nang-aasar pang sambit ng kapatid ko.
"Tumigil ka mapapanood ko din yun mamaya!" Singhal ko sa kaniya.
"Anak lumabas ka muna at mag-uusap kami ng ate mo" seryosong sambit ni mama kay Aubrey.
Dinilaan ko pa siya dahil gusto ko siyang asarin.
"Anak mabuti nalang bumalik ka na." nagtaka agad ako sa sinabi ni mama,alam niya ba kung saan ako nang galing?
"Nakita mo na ba sila? Kilala mo na ba ang mga taong nasa panaginip mo?" lumuluhang tanong ni mama at doon ko napagtanto na tama ako.
"Ma matagal niyo na po bang kilala sila?" Seryosong tanong ko at hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko ngayon dahil sa gulo ng isip ko.
"Anak kilala ko sila at ang babaeng nasa panaginip mo ay ang kapatid ng lola mo" napatigil ako sa sinabi niya.
"Si Carmencita ay lola ko at si Alfred ay ang magiging lolo ko? Tama po ba?" Lalo akong nanghina sa nalalaman ko ngayon.
Napatango nalang sa akin si Mama.
"Alam ko ring umiibig kana rin kay Alfred Anak at hindi rin kita masisisi" umiyak na ako ng tuluyan ng sinabi iyon ni mama.
"Napagdaanan ko na ang pinagdaraanan mo ngayon dahil naranasan ko na rin iyan Nak. Isa ako sa mga hiningan ng tulong ng kapatid ng lola mo na si Carmencita dahil hindi sila nagkatuluyan ni Alexander,ngunit nabigo ako dahil umibig din ako kay Alexander ,kaya sinuko ko na ang misyong iyon at hindi ko inaasahan na dadalaw din siya sa panaginip mo katulad sa ginawa niya sa akin." Umiiyak na rin na sambit ni mama sa akin kaya niyakap ko siya ng mahigpit.
"Anak patawad kong ngayon ko lang sinabi sayo kase natatakot ako na baka magalit ka sa akin."
"Kailanman ay hindi ako magagalit sa inyo at gagawin ko po ang lahat para mapagtagumpayan ang misyon na ito para manahimik na po ang kaluluwa ng Lola Carmencita" yinakap ko lang siya ng mahigpit matapos sabihin ang mga salitang iyon.
"Kailangan ko na pong bumalik sa nakaraan para matapos na ang misyong ito,ipinapangako ko sa inyo na mapagtatagumpayan ko ito" ani ko sa kaniya.
"Mag-iingat ka anak ko" hinalikan niya pa ako sa noo ko at bumalik na ako sa tulog ko.
"Binibini gumising ka at ika'y binabangungot na naman" pagkamulat ko ay nandito na naman ako sa panahon ng lola at lolo ko.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero nabuhayan ako dahil alam kong sa pangalawang pagkakataon alam ko na kung bakit nandito ako sa panahon na ito.
Sisiguraduhin kung mapagtatagumpayan ko ang misyon kong ito.
BINABASA MO ANG
Si no hoy, tal vez mañana mi amor (COMPLETED)
Historische Romane"Come back. Even as a shadow, even as a dream." -Paulita Evaristo. "I just don't want to be your dream, I also want to be part of your reality" -Alfred Howard. Ang babaeng nagmula sa present na laging dinadalaw ng isang panaginip ng kahapon ng kaniy...