#Misyon
Maganda ang gising ko at hindi pa rin maalis sa isipan ko ang sulat na natanggap ko.
Nag dilig ako ng bulaklak sa harapan ng bahay, napapalibutan ng magagandang kulay pulang rosas ang harapan ng bahay na ito.
"Binibini pakiramdam ko ay masarap yata ang tulog mo kagabi." Bati sa akin ni Sarah.
"Tama ka Sarah at alam mo may ikukuwento ako sayo." Hinila ko siya sa alam kong walang masyadong makakarinig sa aming paguusapan.
"Talaga binibini? Sino naman kaya ang binatang nagbigay ng sulat na ito sayo?" Naglulundag sa kilig si Sarah ng ikuwento ko sa kaniya ang natanggap kong sulat kagabi.
"Hindi ko matukoy kung kanino iyon nanggaling ngumit may letrang A na nakasulat sa ibaba." Sambit ko at nag-isip ito kung sinong mga may letrang A sa pangalan.
"Binibini hindi kaya galing ito kay Ginoong Alfred. Naku kay swerte mo talaga binibini." Nabigyan na naman ako ng dahilan para umasa sa binatang iyon.
Ngunit paano naman siya makakapaglagay ng sulat sa loob ng aking kwarto, bahala na nga makikilala ko din naman ito.
Pagkatapos ko mag dilig ay nag paalam akong magtutungo sa lawa.
"Binibini maari ba kitang samahan?" Nag-aalangan na tanong sa akin ni Ginoong Alexander ang nakakatandang kapatid ni Sarah.
"Oo naman at hindi daw ako masasamahan ni Sarah at may pupuntahan daw siya." Saad ko at sabay na nga kaming nag tungo sa lawa.
Habang naglalakad ramdam ko ang pag kailang namin dalawa.
Si Alexander ay yung tipong ginoong hindi mo mababasa ang kaniyang mga galaw. Matangkad siya, may maamong mukha, matangos rin ang kaniyang ilong at ang mata niyang medyo singkit. Ngunit magkaiba sila ng kulay ni Sarah dahil kayumanggi ang kulay ng balat ni ginoong Alexander,habang maputi naman ang balat ni Sarah.
Napatigil ako sa paglalakad ng hilahin ako papalapit ni ginoong Alexander sa kaniyang tabi.
"Muntikan ka ng makaapak ng tae binibini." Natatawang pang aasar nito sa akin.
Nahiya tuloy ako lalo sa kaniya.
"S-salamat ginoo buti nalang naiiwas mo agad ako." Nakayukong sambit ko.
Ginulo niya ang buhok ko at tumatawa pa akong inaasar.
Natigil lang siya sa pagtawa ng mapagtantong nandito na kami sa lawa.
"Alam mo ba ito ang paborito kung lugar dahil sariwa ang hangin dito at maaliwalas siyang tanawin." Sambit niya habang nakatingin sa harapan ng lawa.
Nagulat pa ako ng bigla niya akong hinila patungo sa tubig at parehas kami nagtampisaw sa tubig.
Para tuloy kaming mga bata habang nakalublob ang aming mga paa sa lawa.
"Alam mo ba na simula ngayon ito na rin ang paborito kung lugar." Natatawang sambit ko sa kaniya.
"Kung ganun parehas na pala tayo ng paboritong lugar." Sambit niya pa habang tumatawa.
At doon napatigil ako ng matulala ako sa ganda ng ngiti niya, bigla tuloy akong nalungkot dahil nais kong siya ang makasama ko ngayon habang naglalaro sa tabi ng lawa.
"May masakit ba sayo binibini? Bakit bigla kang nalungkot?" Ramdam ko ang pag aalala sa kaniyang tinig pero ngumiti lang ako sa kaniya at ginulo ko din ang buhok niya.
"Nag aagaw dilim na ginoo mas mabuti pang umuwi na tayo." Pag iiba ko ng usapan at tumayo na siya.
Hinawi niya pa ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko.
"Hiling kung maging masaya ka sa araw na ito habang kasama ako. Sana'y ako lang ang nasa isip mo at wala ng ibang tumatakbo pa sa isipan mo." Bulong niya sa tenga ko at may inilagay siyang rosas na bulaklak sa tenga ko.
"Katulad ng isang palubog na araw ang ganda mo dahil hindi ito nakakasawang pagmasdan." Dagdag niya pa bago ako umuna nang maglakad sa kaniya.
Hindi ko maintindihan ang pinag sasabi niya, bakit ganito siya? Ginugulo niya ang isipan ko.
Pagkarating namin sa bahay ay sinalubong ako ni Sarah ng yakap.
"Ang tagal niyo namang dalawa at inabot pa kayo ng paglubog ng araw." Nakataas na kilay nitong bungas sa aming dalawa ni Alexander.
"Hindi ka kase sumama sa amin iyan tuloy nag rereklamo ka ngayon." Sabat ko naman.
"Kung sumama ako sana nagmukha akong kawawa sa inyong dalawa ng kuya ko." Natawa nalang ako sa kaniya dahil sa pinag sasabi niya.
"Siya halina kayo at sabay-sabay na tayong kumaing tatlo." Anyaya ni ginoong Alexander sa amin.
"Pag si ate Paulita kailangan madaming ulam kapag ako isa lang dapat." Pag paparinig ni Sarah kaya nilagyan ko rin siya ng madami sa kaniyang plato.
"Masyado kang nag iisip ng kung ano-ano nilalagyan mo pa ng kahulugan ang kabutihang loob sa akin ni Ginoong Alexander." Suway ko sa kaniya at inaasar pa ako nito sa kapatid niya.
"Nawa'y magising kana ate Paulita at hindi na magbulag bulagan pa." Makahulugang sambit ni Sarah at pinakita sa akin na tapos na siyang kumain.
Ako narin ang naghugas ng pinagkainan naming tatlo at tumungo narin ako sa aking silid.
Umupo ako sa harap ng salamin sa loob ng kwarto ko upang suriin ang mukha ko.
Matagal na rin akong narito sa lugar na ito pero hindi ko parin alam kung paano ako makakabalik sa panahon ko.
Napatigil ako sa pagsusuri ng sarili ko ng biglang lumitaw sa loob ng salamin ang pamilyar na kulay asul na paru-paro.
"Hintayin mo ako" sambit ko sa paru-paro.
Nasa harapan ko parin ang paru-parong at patuloy parin itong lumilipad.
At nang sundan ko ng paningin ang paru-paro ay bigla itong dumapo sa isang papel na nakalagay sa ibabaw ng aking kabinet.
Nang kunin ko na ang papel na ito ay bigla nalang naglaho ang kulay asul na paru-paro.
"Kung saan ka liligaya,
sundin palagi ang puso,
huwag kalimutan ang misyon,
kaya ika'y naparito sa panahon ko."
-AIbig sabihin ba nito alam ng nagpapadala sa akin ng sulat kung bakit ako narito. Pero paano? Kailangan ko na talagang malaman kung sino ang nagpapadala sa akin ng sulat.
BINABASA MO ANG
Si no hoy, tal vez mañana mi amor (COMPLETED)
Historical Fiction"Come back. Even as a shadow, even as a dream." -Paulita Evaristo. "I just don't want to be your dream, I also want to be part of your reality" -Alfred Howard. Ang babaeng nagmula sa present na laging dinadalaw ng isang panaginip ng kahapon ng kaniy...