Pasko na pero hindi ko maramdaman ang saya ng diwa ng pasko.
Nakaupo lang ako ngayon sa labas ng bahay habang tinitingala ang mga bituin sa langit.
Maraming bata ang namamasko sa kani-kaniyang tahanan at mga nagdidiwang kasama ang kanilang pamilya.
Tila may kulang sa akin na hindi ko maipahiwatig.
"Maligayang pasko binibini." Tumingin ako sa bumati sa akin at nakita ko si Ginoong Alexander na nakangiti sa tabi ko.
"May munting regalo nga pala ako para sayo."sambit niya sabay abot sa akin ng kahon.
"Maraming salamat Ginoo, pasensya na kung wala akong regalo."nahihiyang sambit ko pero ngumiti lang siya sa akin at ginulo niya ang buhok ko.
"Wala yun sa akin binibini, hindi mo kailangan bigyan ako ng regalo."sambit niya kaya napangiti ako sa kaniya.
Bubuksan ko na sana ang regalo niya sa akin ng bigla niya akong pinigilan.
"Sa silid mo na tingnan ang regalo ko para sayo."nahihiyang ani niya kaya tumango ako sa kaniya.
"Ginoo nais mo bang maglakad-lakad?" Anyaya ko sa kaniya at tumango naman siya.
Hindi ko alam kung pasaan kami basta gusto ko lang maglakad lakad at damhin ang sariwang hangin.
"Hindi pa pala kita lubos na kilala binibini. Simula ng tumuloy ka sa amin ay tanging pangalan mo lang ang alam ko." Tumingin ako sa kaniya at nakatingin lang siya sa daan habang sinisipa ang maliliit na bato na kaniyang nadadaanan.
"Sa katunayan hindi ko pa rin kilala ng lubosan ang sarili ko." Seryosong saad ko.
"Simula ng mapadpad ako dito sa panahon niyo hindi ko na alam kung paano ako makakabalik sa tunay na pagkatao ko." Dagdag ko.
Nagtaka naman siya sa mga sinabi ko.
"Anong ibig mong sabihin binibini?" Naguguluhan niyang tanong pero ngumiti lang ako sa kaniya.
"Kalimutan mo na ang mga sinabi ko. Basta pag lumisan ako dito hinding hindi kita makakalimutan." Yun nalang ang sinabi ko at umuna na sa paglalakad sa kaniya upang hindi na siya magtanong pa.
Napatigil kami ng mapadaan kami sa isang puno ng manga at napansin namin may dalawang taong nakaupo rin dito.
Napaawang ang labi ko ng makita kong magkasama sina Ginoong Alfred at si Binibining Carmencita.
Alam kung hindi na dapat ako magulat sapagkat alam ko nang ipinagkasundo sila ng kanilang mga magulang at ilang buwan nalang ay ikakasal narin sila.
Ngunit hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na hindi manibugho na makita siyang kasama ang binibining ito at tila nagkakamabutihan na rin silang dalawa, nag-aalala agad ako sa magiging reaksyon ni Ginoong Alexander.
Aayain ko na sana paalis si Ginoong Alexander ng biglang hinawakan niya ang kamay ko.
Nang mapatingin ulit ako sa kinaroroonan nina Ginoong Alfred at Binibining Carmencita ay nakatingin na rin silang dalawa sa amin.
Lagot na, bakit kase hindi pa sumunod sa akin itong si Alexander. Ang kulit niya.
"Magandang gabi at maligayang pasko sa inyo binibini at ginoo." Bati sa amin ni Carmencita.
Tahimik lang ako iniiwasan ang paningin ni Alfred dahil hindi ko kayang makita siya.
"Magandang gabi rin sa inyong dalawa at maligayang pasko, mauuna na kami sa inyo." Saad ni Ginoong Alfred.
Sumakay na sila sa kalesa at naiwan kaming dalawa ni Ginoong Alexander sa ilalim ng puno ng manga.
"May nararamdaman ka sa Ginoong iyon, hindi ba?" Natahimik ako ng marinig ko ang sinabi niya.
"M-mali ka ng iniisip Ginoo. " Utal na sagot ko at kagat labing pigil ko ang sarili ko.
"Kung ganun mas mabuting pigilan mo ang damdamin mo para sa kaniya para din sa ikakabuti mo. Hindi mo lubos na kilala ang pamilya nila." Saad niya pa.
Tama naman siya, walang magagawa ang pag-ibig ko para kay Alfred dahil wala akong sapat na kayamanan at kapangyarihan.
Ang katulad ko ay kailanman hindi nababagay sa katulad ni Ginoong Alfred.
-----
"Binibini saan kayo galing na dalawa? kanina ko pa kayo hinahanap." Nag-aalalang tanong niya sa amin.
"Nagpahangin lang kami." Si Ginoong Alexander na ang sumagot sa tanong ni Sarah.
Wala akong ganang tumungo sa loob ng kwarto ko at humiga sa kama ko.
Doon ko lang naalala ang regalong ibinigay sa akin ni Ginoong Alexander.
Kinuha ko ito at binuksan.
Nagulat ako ng makita ang isang talaarawan.
Bago pa ito kaya wala pang sulat at may kasama na rin itong panulat.
Binuksan ko ito at naisipan ko ng magsulat ng saloobin ko ngayong araw.
Desyembre 25, 1993
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko para kay Ginoong Alfred. Nang makita ko siya kanina kasama si Carmencita ay tila nakaramdam ako ng pagtataksil kahit wala namang namamagitan sa aming dalawa.
Umiibig na ba ako para sa kaniya o naguguluhan lang ako sa nararamdaman ko? Sana ay malinawan na ang puso ko gayun din ang isip ko tungkol sa pag-ibig ko kay Ginoong Alfred at ang mga nangyayare sa akin ngayon.
Naguguluhan,
-Paulita
BINABASA MO ANG
Si no hoy, tal vez mañana mi amor (COMPLETED)
Ficción histórica"Come back. Even as a shadow, even as a dream." -Paulita Evaristo. "I just don't want to be your dream, I also want to be part of your reality" -Alfred Howard. Ang babaeng nagmula sa present na laging dinadalaw ng isang panaginip ng kahapon ng kaniy...