#Tagumpay
Lumapit ako sa kinaroroonan ni Binibining Sarah at hinawakan ko ang kamay niya.
"Ililigtas ka namin Sarah. Huwag mo kaming iiwan, lalong lalo na ang kapatid mo." Sambit ko.
Nakita ko pang sumilay ang ngiti niya.
"Ayos lang ako binibini, huwag kayong masyadong mag-alala." Pagsisinungaling niya kahit ramdam ko ang sakit na kaniyang iniinda.
"Shhh tama na, huwag ka ng masyadong magsalita at baka kung ano pang mangyare sayo." Sambit ko sa kaniya.
"Ipangako mo sa akin na mananatiling sekreto ang pinag-usapan natin kaninang dalawa binibini." Ang huling sambit niya bago pumikit ang kaniyang mata.
Napatingin pa sa akin si Ginoong Alexander ng nagtataka at bigla niyang sinuntok ng malakas ang pagmumukha ng ama ni Binibining Carmencita.
"Ginoong Alexander huwag ka ng lumaban baka pati ikaw ay patayin niya!" Sigaw ko pero mukhang wala siyang pake sa sinasabi ko.
Napatigil lang siya ng yakapin siya ni Binibining Carmencita.
"Mahal tama na ayokong pati ikaw ay masaktan niya." Umiiyak na ako maging si Ginoong Alexander dahil kay Binibining Sarah.
Biglang dumating sina Ginoong Alfred at ang pamilya nito.
Lumapit siya kaagad sa kinaroroonan ko at tiningnan niya si Binibining Sarah.
Pinadakip ng pamilya ni Ginoong Alfred ang ama ni Binibining Carmencita dahil sa pag baril nito.
"Hindi ko akalain na kaya mong pumatay ng taong walang kalaban-laban." Dismayadong sambit ni Don Florencio na ama ni Ginoong Alfred.
"Simula ngayong pinuputol ko na ang kasunduan ng pamilya nating dalawa lalo na ng makita kung may ibang kasamang ginoo ang binibining anak mo." Ramdam ko ang pagkadismaya sa tono ng tinig ni Don Florencio.
-------
Makalipas ang ilang araw ay patuloy na nagpapahinga pa rin si Binibining Sarah.
Habang ang ama naman ni Binibining Carmencita ay natanggal sa pagiging Gobernadorcillo at napalitan ng ibang mamumuno.
Napatigil lang ako sa aking ginagawa ng biglang may yumakap sa aking likuran.
"Kay sipag naman ng babaeng iniibig ko." Malambing na sambit niya sa akin.
"Kay aga-aga mong mambola Ginoo." Sambit ko at marahang hinampas ang kaniyang braso.
"Sabay-sabay na nating bisitahin si Binibining Sarah." Napatingin ako sa nagsalitang iyon.
"Iba yata ang paraan ng kasuotan mo ngayon Ginoo." Pang- aasar ko pa sa kaniya.
"Sadyang ganito ako manamit binibini at huwag mong masyadong bigyan ng ibang kahulugan ang kagwapuhan ko." Pagyayabang ng kapatid ni Ginoong Alfred.
Binatukan naman siya ni Ginoong Alfred kaya natawa ako sa kanilang dalawa.
Pagkarating namin sa pagamutan ay nahihiya pang pumasok sa loob ng silid ni Binibining Sarah si Ginoong Carlos ang kapatid ni Ginoong Alfred.
"Huwag ka ng masyadong pakipot at baka maunahan ka pa ng ibang Ginoo Carlos." Natatawang sambit ni Ginoong Alfred at kumamot pa ito sa kaniyang batok bago pumasok.
Nakita ko naman kung paano mamula ang mukha ni Binibining Sarah at tiningnan niya pa ako ng nagtatanong.
Umiling ako sa kaniya bilang sagot na hindi ko sinabi na may nararamdaman din siya sa ginoong ito.
Binigay na ni Carlos ang Kulay pulang rosas sa katabing mesa ng hinihigaan ni Sarah.
"M-maraming salamat sa bulaklak g-ginoo." Nahihiyang sambit ni Sarah na ikinangiti ko naman.
"Maiwan na muna namin kayong dalawa." Palabas na sana kami ng biglang dumating sina Ginoong Alexander kasama si Binibining Carmencita.
Ngumiti pa siya sa akin at binati niya ako.
Masaya akong makitang muling bumalik ang pag-iibigan nilang dalawa ng lolo at lola ko.
O Kay suwerte ko ng makilala ko kung gaanong mapagmahal na tao si Lolo Alexander at kung gaano kabait ang lola Carmencita ko.
Napagtagumpayan ko na ang misyon kong mag-katuluyan sina lolo Alexander at lola Carmencita, ngunit kailangan ko na ring magpaalam kay Ginoong Alfred.
BINABASA MO ANG
Si no hoy, tal vez mañana mi amor (COMPLETED)
Historical Fiction"Come back. Even as a shadow, even as a dream." -Paulita Evaristo. "I just don't want to be your dream, I also want to be part of your reality" -Alfred Howard. Ang babaeng nagmula sa present na laging dinadalaw ng isang panaginip ng kahapon ng kaniy...