Kabanata Anim

10 7 0
                                    

#NabunyagNaDamdamin

Nagising ako dahil sa ingay ng katok na nagmumula sa labas ng kwarto ko.

"Binibini may naghahanap sayo Bilisan mo" Nakapikit pa rin ako ng buksan ko ang pintuan ng kwarto ko.

"Sino ba yang naghahanap sa akin kay aga-agang bumisita?" Iritang tanong ko pero nagulat ako ng ang bumungad sa harap ko ay si Ginoong Alfred.

"Patawad binibini kung naabala ko ang magandang tulog mo." Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko ng makita ko na siya sa harapan ko.

"A-ayos la-lang yun Ginoo, ano palang pakay mo at naparito ka?" Nauutal kong tanong sa kaniya.

"Hindi na kita nakikita sa lawa. Huling kita ko sayo ay iba ang kasama mo." Hindi ko mawari ang nais niyang ipabatid sa kaniyang sinasabi.

"Nais sana kitang yayaing magtungo sa lawa kung ayos lang iyon sa iyo?" Bakit naman niya ako kailangan yayain gayun na nagkakamabutihan na sila ni Carmencita?

Nais niya ba akong gawin kerida.

Napakunot ang noo ko sa kaniya dahil sa nais niyang ipabatid.

"Patawad ginoo ngunit hindi ako makakasama saiyo." Diretsong sagot ko na siyang ipinagtaka niya.

"Pansin kong nagkakamabutihan na kayo ni binibining Carmencita,ayokong makita niya tayong magkasama at baka may isipin siyang iba." Dagdag ko saka nagpaalam sa kaniya.

Alam kong mali ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Pagkadiretso ko ng kwarto ko ay doon ko inilabas ang lahat ng pagpipigil kong ngiti at ang pagpapahinahon sa aking damdamin.

Muli akong napatingin sa aking kabinet nang mapansin ko muli ang sulat na nakalagay rito.

"Kailan kaya maaamin,
Ang tinatagong damdamin,
Sana'y magkaroon ng lakas,
Kaso'y pag ika'y nariyan na,
Nauunahan ng kaba,
Nauutal at nahihiya sa angkin mong ganda,
Sana'y hindi pa huli ang nararamdaman."

-Al.

Pagkabasa ko sa sulat ay lalong nadagdagan ang pag-asa kong baka ito ay si Alfred dahil nadagdagan na ang letra na nasa ilalim ng sulat.

Paano ko kaya makikilala kung sino ito?

Paano kung hindi ako lumabas ng kwarto ko upang makita kung sino talaga ang lalaki sa likod ng sulat na ito?

Ngunit alam kong baka sinusubaybayan niya ang bawat kilos ko at talagang wala ako sa bahay upang masiguradong hindi ko siya makikilala.

Nag-isip agad ako ng magandang plano upang makilala ko ito.

------

Kinabukasan ay nagpatulong ako kay Sarah upang mahuli ko ang lalaking nagpapadala sa akin ng sulat.

Kinausap ko si Sarah na magpanggap bilang ako dahil magkaseng edad lang kami at medyo nahahawig ang katawan namin sa isa't isa. Kaya ipinasuot ko sa kanita ang baro't saya na lagi kong isinusuot,inayos ko din ang buhok niya katulad ng pag aayos ko sa buhok ko.

Sinabi kong maaga siyang magtungo sa palengke at ako ang magpapanggap bilang siya.

Binilin ko sa kaniya namag-dala ng abaniko upang panakip niya sa kaniyang mukha upang hindi kami mahalata.

Si no hoy, tal vez mañana mi amor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon