#NakaraangPagiibigan
Natagpuan ko nalang ang sarili ko na naglalakad ng walang patutungohan.
Hindi ko na alam kung saan ako patungo, ang gusto ko lang ay mapag-isa.
Ano ba talagang nais ipahiwatig sa akin ng panaginip na ito at hindi pa rin ito matapos tapos?
Natauhan lang ako ng may biglang humila sa kamay ko.
"Muntikan ka ng masagasaan, mag iingat ka sa susunod binibini". Wala sa sariling tumango ako.
Nagtuloy-tuloy nalang ulit ako sa paglalakad ngunit nakasunod na yung lalaking nagligtas sa akin.
"Ayos ka lang ba talaga?" napatingin ako sa kaniya.
"Mukha ba akong ayos lang?" Naiiyak ko ng sambit sa kaniya.
Tiningnan ko ng mabuti ang hitsura niya at hindi nakakapagtaka na mahalin din siya ni Carmencita dahil napakagwapo niya talaga.
Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap at hinayaan niya lang akong umiyak sa dibdib niya.
"Patawad kung ngayon lang muli tayo nagkita. May nangyare ba sayong hindi maganda?" Hindi ako makasagot dahil patuloy parin akong umiiyak sa dibdib niya.
"Maaari ba akong mag tanong?" Tanong ko ng mahimas masan na ako.
"Oo naman, wala namang bayad ang pagtatanong" tumatawang sagot nito, palabiro rin pala siya.
"May namamagitan na ba sa inyong dalawa ni Binibing Carmencita?" Bulong na tanong ko dito sa takot na may makarinig sa pinaguusapan namin.
Napangiti pa siya ng marinig niya ang tanong ko.
"Wala" maikling sagot niya at tinitigan ako ng seryoso.
"Yun ba ang bumabagabag sa isipan mo kaya wala ka sa sarili mo?" Nag-aalalang tanong niya.
Hindi ko masagot na oo at hindi dahil sa katunayan hindi lang iyon ang dahilan ng pagkagulo ng isip ko ngayon.
Maraming tumatakbo sa isip ko at nagpapagulo nito.
"Huwag kang mag alala binibini sapagkat kailanman ay walang makakapagpalit ng pangalan mo sa puso ko." Bulong niya na sapat na para marinig ko.
Napangiti ako at pansamantalang nawala ang mga isipin ko.
Hinatid niya na ako sa bahay namin at kumaway na ako pagkatapos nito.
-------
"Sinong ginoo ang kasama mo kanina?" Usisang tanong sa akin ni ginoong Alexander ng lumapit siya sa kinauupuan ko.
"Siya ang ginoong itinakdang ipakasal sa binibining si Carmencita." May lungkot at pagkapait sa boses ko ng sabihin ko ang bagay na tungkol sa kasal nina Alfred.
Hindi nakapag salita si ginoong Alexander sa sinabi ko kaya napatingin ako sa kaniya.
"Kilala mo ba ang binibining iyon?" Pagiiba ko ng usapan.
Tumango lang siya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.
"Paano kayo nagkakilala ng binibining iyon? Maari ko bang malaman?" May biglang pumasok na mga ideya sa isipan ko ng mapagalaman kong may koneksyon silang dalawa sa isa't-isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/297674201-288-k906000.jpg)
BINABASA MO ANG
Si no hoy, tal vez mañana mi amor (COMPLETED)
Historical Fiction"Come back. Even as a shadow, even as a dream." -Paulita Evaristo. "I just don't want to be your dream, I also want to be part of your reality" -Alfred Howard. Ang babaeng nagmula sa present na laging dinadalaw ng isang panaginip ng kahapon ng kaniy...