#Misteryosongliham
Maaga palang ng pumunta na kami sa palengke para makapamili ng mga sariwang ulam at gulay.
Kaliwa't kanan na ang mga mamimili at ang mga nag titinda ng sari-saring pagkain at kagamitang pang-bahay.
Nang mapadaan kami sa tindahan ng mga alahas ay may nakaagaw pansin sa akin na kwentas na may disenyong paru-paro.
Ngunit nagdadalawang isip akong kunin ito sapagkat wala naman akong sapat na salapi upang ipang bayad sa kuwentas na ito.
Titingnan ko nalang sana ito ng maunahan na ako ng babaeng may magarbong kasuotan na baro't saya.
Wala rin naman akong pambili kaya umalis narin kami sa tindahan na yun.
Habang naglalakad na kami pauwi sa bahay ay hinila ako ni Sarah para tingnan ang mga taong nagkakagulo.
"Binibini ano kayang meron at pinagkakaguluhan nila doon?" Nagtatakang tanong nito sa akin kahit wala din naman akong alam.
Dahil sa kuryosidad naming dalawa ay tumungo kami sa mga taong nagkakagulo.
"Ale,ano daw po ba ang pinagkakaguluhan nila diyan?" Usisang pagtatanong ni Sarah sa aleng may dalang bayong.
"May anunsyo ang ama ng pamilyang Howard na ikakasal na daw ang pangalawang anak na lalaki nito" ani nito at umalis na din matapos malaman ang anunsyo ng guwardiya na nakasakay pa sa kabayo.
"Ikaw pala binibini, 'Di ba't ikaw ang kasintahan ni Ginoong Howard?" nagulat ako ng biglang lumapit sa akin ang guwardiyang nag anunsyo.
"Ikinalulungkot kong ibalita na ikakasal na sa iba si Ginoong Alfred Howard sa anak ng Gobernadorcillo sa bayan ng Villa Aquino" hindi na ako nagulat dahil alam kong ikakasal na nga ito sa iba.
"Masaya ako para sa kaniya" sasabihin ko sana dito na mas nauna pa akong nakaalam sa kaniya kaso baka kung anong isipin niya at higit doon ay wala na akong ibang maisip na sabihin sa kaniya kaya't ito ang nasabi ko.
-----
Pagkauwi namin ay masaya akong sinalubong ng kapatid ni Sarah.
"Ako na ang magbubuhat ng dala-dala mong bayong binibini." Kinuha nga niya sa akin ang hawak ko at sabay-sabay kaming pumasok sa kanilang bahay.
"Kamusta na nga pala ang iyong pakiramdam ngayon binibini hindi kana ba naliliyo?" Tanong pa sa akin nito.
"Mabuti na ang aking pakiramdam Ginoong Alexander." Mukha naman siyang nabunutan ng tinik ng malaman na maayos na ang aking pakiramdam.
Simula ng mapadpad ako sa lugar na ito ay silang dalawa lang ni Sarah ang naging kaibigan ko at si Ginoong Alfred.
"Sarah mamayang gabi ay magsisimula na ng mesa ng simbang gabi." Nagulat ako ng malamang malapit na pala ang pasko.
Bakit ko nga ba nakalimutan na ilang araw nalang ay mag papasko na?
"Ikaw binibini nais mo bang sumama sa amin?" Tanong ni Alexander.
"Oo ginoo nais ko ding makapakinig ng salita ng Diyos" sambit ko at mukhang natuwa siya sa sinabi ko.
Alas sais na kaya't nagsimula ng mag- ayos si Sarah maging ako ay nag ayos ng aking kasuotan.
Pinapahiram ako pansamantala ng mga lumang baro't saya ni Sarah upang ako ay may maisuot.
"Halina't humayo na tayo upang may magandang pwesto tayong maupuan." Pag aanyaya sa amin ni Sarah.
Naglalakad lang kami at hindi naman kalayuan ang simbahan dito sa kanilang lugar.
Nang makarating kami ay tamang tama lang ang dating namin dahil hindi pa ganoong karami ang mga tao.
Hinanap ko agad ng aking mga mata si Alfredo sapagkat alam kung hindi imposibleng mag simba rin sila ng kaniyang pamilya.
Palinga-linga lang ako hanggang sa masumpungan ko siya.
Nagkatinginan kaming dalawa at tila may koneksyon ang aming mga mata at nagkakaintindihan kaming dalawa.
Ngumiti siya sa akin upang ako'y makaramdam ng pagkahiya kaya umiwas agad ako ng tingin.
"Kala ko ba makikinig ka ng salita ng Diyos, bakit binibini parang salita ng pag-ibig ang pinakinggan mo ngayong gabi?" Pang aasar sa akin ni Sarah.
"Hinaan mo ang tinig mo at baka marinig tayo ng mga tao sa paligid natin." Suway ko sa kaniya at ngumingiti pa siya sa akin.
Ramdam ko pa rin ang titig ng kaniyang mga mata.
"Sabihin mo kay Ginoong Alfred at sila'y ikakasal na at huwag ka ng masyadong paasahin pa." Hindi ko mawari ngunit parang biglang may kumurot sa puso ko ng sa sinabi niya.
Pagkatapos ng mesa ay lumabas na kami ng simbahan at naglibot-libot pa kami sa plaza.
Maraming ilaw-ilaw na makikita sa daan at may mga parol na may iba't ibang kulay na nakasabit sa bintana ng bawat bahay.
"Nga pala Binibini may bibilhin lang ako sandali at diyan ka muna kasama si Kuya Alexander." Bilin sa akin ni Sarah.
Ngunit sa tuwing naririnig ko ang pangalan ng kapatid niya ay tila may pamilyar na kapangalan ito.
Marahil narinig ko kung saan ang pangalan nito ngunit hindi ko lubos na maalala kung saan.
Magkasama kaming dalawa ngayon ni Ginoong Alexander habang nasa tabi ko siya at para kaming magkasintahan dahil mas matangkad lang siya sa akin ng kaunti at mas matanda ng isang taon.
Hindi tuloy maiwasan ang pagtinginan kaming dalawa ngayon dahil hindi ganoong normal sa isang babae ang may kasamang lalaki.
"Kung naiilang ka maaari naman akong dumistansya sayo ng kaunti." Rinig kong sambit niya.
"Ayos lang sa akin at baka kung lumayo ka ay mawala ka sa aking paningin." Sambit ko pero nakita ko na gumuhit sa kaniyang labi ang ngiti.
May nasabi ba akong mali? Nagtatakang tanong ko sa aking sarili.
"Mag-ingat ka sa iyong mga salita binibini at baka ako'y tuluyang mahulog sayo." Hindi ko napigilang mamula sa aking mga narinig sa sinabi niya.
"Hindi ganun ang nais kong ipabatid." Umiwas ako ng tingin sa kaniya at nakita kung papalapit na sa amin si Sarah.
"Bakit ba ang tagal mo saan ka pa nagtungo?" Reklamo ko sa kaniya dahil hindi ko kinaya ang paguusap naming dalawa ng kapatid niya.
"Sabi ko naman sayo binibini may bibilhin lang ako." Sabay abot niya sa akin ng bibingka at ganun din kay Alexander.
Pagkauwi namin ay dumiretso agad ako sa aking kwarto at nakaramdam na ako ng pagod. Mahihiga na sana ako ng may napansin akong papel na nakapatong sa taas ng aking lamesa.
Nang mabasa ko ito ay may biglang nag kagulo sa aking loob ng tiyan.Sino ang taong nagpadala ng sulat na ito?
"Masaya akong makita ang mga ngiti mo,
Bawat patak ng segundo,
Ikaw ang laman ng isip ko,
Kailan kaya makakamit,
Ang isang katulad mo,
Sana'y makita kang muli,
At dalangin ko'y ika'y aking maangkin.-A
Isang liham na ang nakalakip ay binuong tula na nakasulat sa papel na naging dahilan ng aking pag-ngiti.
BINABASA MO ANG
Si no hoy, tal vez mañana mi amor (COMPLETED)
Ficción histórica"Come back. Even as a shadow, even as a dream." -Paulita Evaristo. "I just don't want to be your dream, I also want to be part of your reality" -Alfred Howard. Ang babaeng nagmula sa present na laging dinadalaw ng isang panaginip ng kahapon ng kaniy...