Chapter 9

4.2K 176 16
                                    

KATH's POV

"Kath, isang kwento mo pa niyan sisikmuraan na kita!" Inis na sabi ni Juls. Pabulong lang dahil nandito kami sa library. Baka palayasin kami nitong librarian na mukhang higante 'pag nag-ingay kami.

"Eh kasi naman bes! Tangina lang talaga!" Kinikilig na sabi ko kay Juls.

"Nasabi mo na rin yan. Mga seven times na." Juls.

"Jusko po, Lord patatawarin. Kanina pa ko nagmumura dito. Huhuhu, sorry po." Bulong ko habang nagsa-sign of the cross.

"Uhm.. Julia bes na maganda?"

Minsan talaga sa fangirl life, kailangan mong mang-bola para lang maibsan yang kilig mo.

"Ano nanaman yan, Kathryn?" Seryosong sabi ni Juls habang nagbabasa ng libro. Err, nerd.

"KININDATANAKONIDANIELJASPERHABANGNAKALIPBITE"

----------------------------------------------

DANIEL's POV

I am on my way to the cafeteria now. Break time na kasi namin at tinext ko na rin ang mga kaibigan ko. Hindi sila celebrity, pero sikat rin naman.

Parking five.

Absent kasi yata 'tong mga mokong na to sa first class. First day na first day eh.

From: Lester sunog

'Tol, san ka na? Nandito na kami nila Kats sa cafeteria.

Received 10:21am

To: Lester sunog

Eto na, pababa na. Daming nakasunod eh, putcha.

Sent 10:22am

Nakarating na rin ako sa wakas! Nakita ko rin naman agad kung saan naka pwesto sila Seth kaya dumeretso na 'ko ng lakad don. Syempre, nakatingin nanaman sila sakin. Ugh. Hindi lang ako sanay na pati dito sa school, all eyes are still on me. Akala ko wala nang matang nakatingin pa sakin kapag nag-aral na ko eh.

"Sap, bro!" Pambungad sakin ni Sedric kulot.

"Uy, brad! Long time no see ha?" Lester the cave man.

"Oo nga eh. Buti nakalaya ka na sa kweba. Putcha, Les baka hindi ka nanaman naligo ha. Kadiri." Ako.

"Daming chicks nakasunod sayo, 'pre. Penge naman." Kats. Four eyes.

"I-bluetooth mo na lang kulay mo kay Les 'tol. Matutuwa pa ko sayo."

Lahat naman kami ay sabay sabay na napatingin kay JC tahimik lang na nakaupo't nakikinig sa bati nung tatlo.

"Hindi mo man lang ba babatiin si Daniel?" Tanong ni kulot.

"Ayoko! Hindi ako tanga para magpa lait sayong gago ka. Sa gwapo kong to papayag ako na ganyanin mo lang? Huh. Dream on, dude. Masyado 'kong gwapo para jan." JC

".............."

"Tangina niyo." JC.

One, two, three. Sabay sabay naman kaming humalagpak ng tawa. Langya, na-miss ko tong mga 'to! Ang tagal rin kasi naming hindi nagkita dahil nasa showbiz ako at masyadong busy. Although sila rin naman dahil nags-school sila.

"Nga pala, brad. Balita ko may hinalikan ka raw na fan nung mallshow mo sa Eastwood ha?" Katsumi.

"Oo nga, kuya. Ini-stalk ko yung twitter niya nung isang araw. Ganda 'pre kahit morena!" JC.

Napangiti na lang ako ng maaalala ko yung babaeng 'yon.

*THROWBACK*

Napakamot ako sa ulo ko at napakagat sa labi dahil hindi ko maintindihan 'tong pinagsasasabi ng panot na 'to. Naramdaman ko na merong nakatingin sakin kaya naman tinignan ko yung katabi ko. Aba matunaw ako niyan, 'te.

Ha. Makindatan nga. Hahaha, ang cute lang. Mas mapula pa yung pisngi niya kesa sa labi ni Anne Curtis eh.

Well, perks of being Daniel Jasper.

Binaling ko na yung attention ko kay panot na nagpapakuha ng paper at ballpen. Seatwork daw. Anak ng tinapa, nakalimutan kong magdala!

"Uhm... Miss?"

"Hey..." Tawag ko dito sa katabi kong morena.

Tumingin siya sakin at nanlaki ang mga mata. Gwapo ko talaga.

"A-ako? A-anong ka-kailangan mo?" Sabi niya na halatang kinakabahan na natatae na ewan.

"Yes, you. What's your name? Para kasing familiar yung mukha mo, eh."

"Kathryn Chloe Bernardo. You used to call me Chloe and you dmed me, remember? And you.. You.. Ki....."

"I... What?" I asked in an innocent tune kahit naman alam ko yung gusto niyang sabihin. *smirk*

"Y-you..."

*rinnnnnnnnnnnggg!*

"Oops, break time! I'll see you tomorrow, Ms. Buffer. I was just about to ask you earlier kung pwedeng makahingi ng papel at ballpen. Pero since pinaalala mo sakin kung sino ka, hindi tuloy tayo nakapag sagot ng seatwork. But it's okay. Bye!"

I said while waving my hands to her na nakatayo lang sa may upuan niya at tulala. Kinakalabit siya nung mistizang katabi niya pero wala pa rin. Lumabas na ko ng room ko habang nakangisi nang bigla na lang ako nakarinig ng isang sigaw. No, tili pala.

"AAAHH! JULS KINAUSAP NIYA KO! KININDATAN NIYA KO! WALA AKONG SEATWORK DAHIL SA KANYA PERO KINIKILIG AKO ----"

Hindi ko na narinig yung sunod niyang sinabi dahil medyo malayo na rin ako sa room. Buti na lang at wala pa yung ibang studyante dito sa hallway. Tahimik pa ang buhay ko. Back to that girl... Chloe?

She's interesting.

I'm Inlove with A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon