Chapter 30

3.6K 158 17
                                    

KATH's POV

Monday.

Pinaikot-ikot ko 'yung ballpen sa kamay 'ko habang kunot noong nakatingin sa sinusulat ni Ma'am Duling sa blackboard. Inis na inis na 'ko dahil hindi 'ko maintindihan yung nile-lesson niya. Bakit ba kasi kailan ng letters sa Math? Lalo pang ginugulo utak 'ko eh!

Dagdag mo pa 'tong si duling na mali mali kung mag-turo. 1+1 tapos ang sagot 22? Ano 11+11 ganon?! Nakakabanas!

Kinalabit 'ko si Jasper sa braso na mukhang easyng easy lang sa kanya yung lesson. Yabang! "Uy, paturo nga."

"Shh. Nagco-concentrate ako." Sagot niya. Kinuha niya yung kamay 'ko sa braso niya at pinaglaruan habang nakatingin pa rin sa blackboard.

"Naman eh. Pano nga? May seatwork kaya pagkatapos! Pano kapag hindi ako nakasagot, eh di maze-zero ako. Kapag na zero ako pwede ako bumagsak. Kapag bumagsak ako magsusumbong 'yan kela Mama. Kapag nalaman nila Mama pagagalitan ako. Kapag pinagalitan ak-"

"Oo na! Oo na! Ang daldal mo." Inis na sagot niya pero nakangiti. Baliw rin 'to e no.

Binitawan niya yung kamay 'ko at saka kinuha yung ballpen niya. Napasimangot tuloy ako do'n. "Stop pouting." Anya niya bago hawakan ulit yung kamay ko gamit yung kaliwang kamay niya.

Nagsulat siya sa notebook 'ko ng equation gamit 'yung kanan niyang kamay.

"Tignan mo 'to." Turo niya dun sa equation.

2x3 - x2 + y

"Ganito. I-replace mo muna yung x sa negative three then yung y sa two... So magiging ganito na 'yan.." Sinulat niya yung sinasabi niya. 2(-3)3 - (-3)2 + 2. "Ayan eh di nakuha mo na. I-multipy mo na yung negative three do'n sa exponent na three tapos yung pangalawang negative three sa two-"

Nakatitig lang ako sa kanya habang seryosong seryoso siya sa pag e-explain. Ang gwapo talaga nitong gwapong 'to. Ang swerte 'ko siguro kung magiging boyfriend 'ko 'to no? Gwapo, gentleman, God fearing, matalino, at higit sa lahat... Gwapo! Ano kaya magiging itsura ng magiging anak namin? Panigurado magaganda at gwapo 'yung mga 'yun. Hmm.. Mga ilan kaya?

"Done checking me out?" He smirked.

Nagising yung buong diwa 'ko nang mapansin ko siyang nakangisi sa'kin at yung mga kaklase 'ko naman na tulala lang at para bang sini-sink in pa nila sa utak nila yung nangyayari.

Sabay sabay silang napatingin sa kamay namin ni Jasper at....

"MAAAAMMMM DUUULEEENNNGGG MAGKAHAWAK PO YUNG KAMAY NI JASPER PATI NI CHLOOOOEEEEHHH!!"

••••

Wednesday.

Nagising ako at napatingin sa orasan sa tabi 'ko. Wait what... 8:47 na?!

Bumangon agad ako sa kama 'ko dumeretso na sa banyo. Hindi 'ko pinansin yung sakit ng ulo 'ko. Alas tres na kasi ako natulog dahil nag review pa 'ko sa Physics. Ayan, hindi tuloy ako nagising. Naligo na 'ko at nag bihis na ng uniform bago bumaba.

"'Manang naman. Bakit hindi niyo 'ko ginising?" Anya 'ko habang sinusuot yung sapatos 'ko.

"Hay nako, Kathryn. Ginising kita kanina. Ilang beses na pero hindi ka magising gising. Naka-lock pa yung pinto mo kaya hindi ako nakapasok." Dere-deretso niyang sabi. "Oh, kumain ka na muna dine."

I'm Inlove with A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon