Chapter 17

4.5K 173 31
                                    

KATH's POV

1pm na nang mag bell yung alarm namin, signal na bumaba na kami sa hotel and start na ng event.





"Juls, wake up. Tara na." Sabi ko kay Julia dahil tulog mantika nanaman 'to.

"Hmm..."

"Iiwan kita." Banta ko pero waepek pa rin. Ha! Ayaw mo ha. Teka nga...

"GISING NA MAY HOLDAPER MAY HOLDAPER MAY HOLDAPER!!" Binagsak yung mga barya ko sa metal na timba na nakita ko sa banyo at tinapat sa tainga niya.




Agad namang napabangon si Julia at tumayo sa kama na para bang nangangarate.




"NASAN YUNG HOLDAPER NASAN DALIN MO SAKIN AT MAGWA-ONE ON ONE KAMI WALANG HIYANG YAN ANO NASAN B--"



Binato ko nga nung mga hawak kong barya. "Aray ko naman, Kath! Bakit mo ko binato?!" Sigaw ni Julia.




"Bumangon ka na jan! Tayo na lang naiwan dito sa room oh! Lahat sila bumaba na!"




"Eto naman, kakaratihin ko lang naman yung mga holdaper." Sagot niya habang nakanguso.




"Baliw ngang tunay." Sabi ko at lumabas na ng kwarto. Susunod rin naman 'yan. Aso ko yan eh.



Nang makarating na kami do'n sa venue, sakto naman na nagsalita na yung emcee. I checked my phone kung may nagtext pero wala, kaya naman napangiti ako dahil ang gwapo gwapo ng wallpaper ko at wala pang nakaharang ng message.




"Okay, as of today we will give you a time to view everything here. So yung schedule niyo... Starting now until 5PM, pasyal pasyal lang. 6PM, gathering at the lobby then dinner. After no'n, balik na sa rooms niyo for your sleep and all of you are required to wake up at exactly 6AM by tomorrow. And then likewise tomorrow. You can ride the zip line, banana boat, etc. Understood?"


"Yes Ma'am!"


"Yun oh! Pwede pang mag-ingay!



"Wee woo wee woo! Gala-an time na!!"




Sigaw ng mga kaklase ko at nagsi-alisan na para mag gala. Tumayo na rin sila Julia at nag-isip kung saan pupunta. Bawal kasi kami lumabas ng hotel na 'to. Well, actually hindi siya totally hotel. Pero nasa loob kasi ng hotel na 'to yung beach. So parang beach hotel. Ugh, di ko ma-explain basta ganon.



"Sa room nga muna kasi para magpapalit and then gorabells na sa beach!" Julia.




"Ayoko nga! Inaantok ako gusto ko matulog." Coleen.




"Nagugutom ako nga teh. Do'n ako sa kainan." Kyla.




"Beach."


"Kain."


"Tulog."


"EH KUNG MAG HIWA-HIWALAY NA LANG KAYO NG MAGKAINTINDIHAN ANO?!" Sigaw ko. Eh pano ang iingay!



"Uy, teh! Nanjan ka pala!" Kyla.



"Akala ko statwa. Dinaig mo pa yung UP Oblation pati Statue of Liberty eh!" Julia.



"Oh ano sasabat ka rin?" Banta ko kay Coleen. Umiling naman ito at tinakpan yung bibig niya at zinipper.


Hay! Jusko Lord God in the highest bakit ganito mga kaibigan ko?!

I'm Inlove with A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon