Chapter 14

4.3K 161 20
                                    

KATH's POV

Thursday, 4:26am

Weeks have past since that kilig incident. The day after no'n eh medyo a-awkward awkward pa ko kay Jasper. Pero since kinakausap naman niya 'ko, minsan. Dahil nanghihingi siya ng paper pati ballpen kasi naiwan daw niya sa bahay nila sa sobrang aligaga niya.

Well, I can say na 'medyo' close na rin kami. Not to mention how I freak out every time he's texting me kung ano'ng page yung homework sa Chemistry and how my cheeks turn red tuwing ngini-ngitian niya 'ko.

Kung dati hindi ko alam kung saan ako lulugar, ngayon parang alam ko na. Not friend, not fan. But fan-friend.

I literally jumped out of my bed when I heard my phone rang. Pano ba naman kasi, ang tahi-tahimik kong nage-emote dito tapos biglang magri-ring. Ang puso ko!

My eyes widen as no one knows how big nang makita ko yung pangalan ni Jasper sa cellphone ko. Nagtataka siguro kayo kung paano ko nakuha 'no? Nagpa group project kasi no'n yung teacher namin sa Trigo. Eh sakto magka group pa kami ni Jasper. Putcha, meant to be talaga eh. Ayon, kailangan naming kunin yung number ng bawat member.

Naalala ko si Miles no'n, kagrupo ko rin. Pinaghahampas niya si Aria dahil nakuha na niya number ni Jasper. Yan, na detention ang loko.

Ang daldal ko talaga. Ganito talaga ko kapag madaling araw eh! Ay putek, nakalimutan ko nagri-ring nga pala phone ko!

From: Jasper

Hey, already up?

Received 4:38am

Medyo nasanay na rin ako sa pag message sakin ni Jasper.

To: Jasper

Yup!

Sent 4:39am

From: Jasper

Answer your phone.

Sent 4:41am

"Hey.." Sabi niya nang sagutin ko yung tawag niya.

"Ang aga mo nagising ha. Excited ka sa fieldtrip, 'no?" Sabi ko.

"Oo eh. Ngayon ko lang kasi mae-experience 'yon."

Naalala ko. Artista nga pala 'to. Kapag kasi nakakausap ko siya parang hindi eh. Sobrang simple lang niya. Hindi siya mayabang. Well, sige na nga minsan kapag trip niyang magyabang pero yung loko loko lang. Akala ko no'n sobrang kilalang kilala ko na 'tong si Jasper. Hindi pa pala. He has still something inside.... Something adorable that gave me a tons of reason to love him even more.

"Hey, still there?"

"Uhm.. Yeah. Yeah." May kausap nga pala 'ko.

"Hindi ka pa ba maliligo? 5:30am dapat nasa school na sabi ni panot, diba?" He chuckled. How can he be that cute?

Natawa ako sa sinabi niya. "Sira! Pano ko maliligo eh tumawag ka."

"'To naman, nangangamusta lang eh. Sige na, bye! See you sa school, fan." I can sense that he's smirking. Kiss kita jan eh.

Ganyan kasi yan kapag walang magawa bigla ka na lang aasarin na fan. Hindi mo ba alam na masakit, ha Jasper! Huhuhu.

"Eh? Naramdaman mo ba yung hangin? Lumakas yata." Sagot ko. I heard him laugh. Pati tawa ang gwapo. Tao ba talaga to o alien?

"Nyenyenye. Kung alam ko lang minamanyak mo yung mga picture ko."

Aba jusko oo! Oo Jasper oo kung alam mo lang! Yung mga picture sa twitter. Yung mga behind the scenes shot. Lalo na kapag may baka---

"Silence means yes. Hoy Chloe mamaya mo na ko manyakin at maligo ka na. Wag ka mag-alala. Mamaya papayag akong manyakin mo ko. Face to face pa." And once again, I heard him smirk.

"Bastos! Bastos! Bastos!" I said. Damn I can feel my blood running up to my cheeks as I heard him bursted into laughter.

"Jok-- HAHAHAHA. Jo-joke lang! HAHAHAHAHA."

"Sige na, bye na! Nararamdaman ko na yung mukha mo dito sa sobrang kapal eh. See you later alligator." I said as I end the call.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Hay, Jasper.

Naligo na ko at nagbihis ng white tank top plus black jeans and a pair of hidden wedge na two inches. Buti na lang naayos ko na yung mga dadalhin ko para sa three days retreat namin. Ha, saya!

Bumukas ang pinto ko at niluwa nito si mama na maiyak iyak. Huh?

"Oh, ma. Bakit po?"

"Mami-miss lang kita, anak. Wala ng maingay dito sa bahay. Wala ng mangungulit sakin. Wala na kong maririnig na tili tuwing nababaliw ka jan sa Daniel mo. Wala nang---"

"Ma."

"Yes, anak?" Sabi ni mama habang pinupunasan yung gilid ng mata niya.

"Ang oa mo po."

Napa-frown naman si mama sa sinabi ko. Maya maya lang rin ay pumasok na rin si papa sa kwarto ko.

"Anak."

"Yes po, pa?"

"Mag-iingat ka do'n ha? Siguraduhin mong walang aaligid sayo na lalaki. Aba kung meron ipapadala ko talaga do'n yung private jet plane natin!"

"Pa, wala tayong gano'n." Singit ni mama.

"Ay wala ba..." Sabi ni Papa na para bang nag-iisip pa. "Eh basta 'nak tandaan mo lahat ng bilin namin ng mama sa'yo ha. Ngayon ka lang mawawalay samin ng gan'tong katagal. Ila-lock mo lagi yung pinto ng kwarto mo, okay. Yung gadgets mo ilagay mo lang lagi sa bag mo. Kung may lalaki ka man na kaibigan, you know your limitations okay. Maraming manlolokong lalaki jan. Yung akala mo mapagkakatiwalaan pero hindi pala. Magi-ingat ka, 'nak ha. Trust. No. One." Dagdag ni Papa.

Mahal na mahal talaga ko ni Papa. Parang three days and two nights lang ako mawawala ang haba na ng speech. Humugot pa!

"Pa isa ka pa. Ang oa niyo na mama eh! Bagay nga talaga kayo." I chuckled.

Bumukas ulit yung pinto ko at nilabas nito si yaya. What the hell, seriously?

"Ya, don't tell me mag bibigay ka rin ng speech mo kundi sisikmuraan kita!"

Agad namang nataranta si yaya at nabulol pa. "I.. I-spits hu ba? A--Ay naku, hindi hu madame bibi. Kukonin ku lang hu yung labada ninyu pu. Pasinsya na hu sa istorbu ba."

Pinigilan ko na lang yung pag tawa ko at nagbeso na kay mama at papa dahil nanjan na yung driver ko. Langya, pag 'yon nagbigay rin ng speech ibubuhos ko lahat ng gasolina sa kanya. Deh.

Pag dating ko sa school, medyo madilim pa dahil nga wala pang 6AM. Naman kasi si panot daming alam.

Nagtext si Julia na nasa may cafeteria raw siya kasama sila Kyla at Coleen kaya pumunta na ako don. At kapag sine-swerte ka nga naman oo. Thank you, Lord!

Nakasalubong ko si Jasper na tawa na tawa kasama ang mga kabarkada niya. Tumingin siya sakin habang naka lipbite dahil pinipigilan niya yung tawa niyang walang katapusan.

And he winked at me. Shit.

I'm Inlove with A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon