Chapter 19

3.7K 138 14
                                    

I woke up the next day feeling so depressed and upset. I took a glance at the mirror and my eyes widen in shock. Ako ba'to!?

My eyes are so red and swollen. Ang pale pale ng mukha ko. Tapos yung buhok ko nakadikit sa mukha ko sa sobrang dami ng luhang iniyak ko kagabi. Ano'ng nangyari sakin?!

Hinanap ko yung cellphone ko pero may nakita akong letter.

Hoy Kathryn. Iniwan ka na namin dahil ilang oras ka na namin ginising pero hindi ka magising gising. Dun lang kami sa beach.

PS: Hindi kami nagdala ng phone dahil maliligo kami. Bwahahaha. Good morning nga pala.

-Juls

Kinuha ko ang cellphone ko at lalo pang nanlaki ang mata ko nang makita 'kong 8:32AM na.

Jusko paano?!

From: Jasper

Nakita ko sila Julia kanina sa may beach. Sabi tulog ka pa daw. Hahaha.

Received 6:01AM

From: Jasper

Pinapasabi nila Julia na nag zip line na raw sila. Belat daw.

Received7:36AM

Ay walangya iniwan ako! Sabi pa naman nila kahapon sabay sabay kami at walang iwanan! Dapat kasi hindi na 'ko nag drama kagabi eh! Bwisit na luha 'yan. Traydor.

To: Jasper

I'm up. Pakisabi bwisit sila.

Sent 8:35AM

Nag punta na ako sa banyo at naghilamos pati toothbrush. Nagsuot na lang ako ng pullover top and high waist shorts tapos slippers. Lumabas na ako ng banyo habang pinupusod yung buhok ko nang biglang tumunog yung cellphone ko.

From: Jasper

Labyu.

Received8:51AM

Magdidiwang na sana ko pero may kasunod pala.

daw sabi nila Julia.

Ay :(

Lumabas na 'ko ng kwarto at pumunta na sa beach. Nakasalubong ko rin yung ilang mga kaklase ko kaya naman nginitian ko na sila. Ganda ko eh.

Hinanap ko na sila Juls sa zip line pero wala na sila do'n. Saan ko naman hahanapin 'yong mga 'yon eh ang laki laki netong beach na 'to!

Ite-text ko na sana si Jasper dahil nga hindi dala nila Juls yung cellphones nila nang makita ko na siya kasama ang mga barkada niya.

I'm Inlove with A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon