Chapter 12

3.7K 151 11
                                    

KATH's POV

Si Jasper kasama si Zharm.

Gulat akong napatingin sa kanila, hindi dahil nandito si Jasper kundi dahil magkasama sila. So totoo nga yung sinabi ni Zharm nung isang araw na magde-date sila ni DJ? Talo na yata ako.

Muntik na akong mabulunan ng biglang tumingin sa gawi ko si Jasper. Ako ba yung tinitignan niya? Hindi ko makita dahil nakasuot siya ng shades. Kumunot ang noo niya at napaiwas na lang ako ng tingin.

Buti walang media nakasunod sa kanya kundi gegerahin nanaman yang si Zharm. Pero okay lang. Go on. Bet ko yan.

Hindi ko na lang sila pinansin at kumain na lang.

"Omg, D! Mamaya I'll make punta in your house ha! For sure na miss na ko ni Lelay and Magui! Even tita Karla!" Parinig na sabi ni Zharm.

Bigla akong nasamid sa sinabi niya. Ano?! Pupunta siya sa bahay ni Daniel? Babae pupunta sa bahay ng lalaki? Hindi ba awkward 'yon? At saka bakit siya pupunta dun? Sila na ba ulit? Wala naman akong nabalitaan dahil ang alam ko hindi naman talaga gusto ni Jasper si Zharm. Nagsimula lang naman ang lahat dahil sa isang kalokohan.

Sumilip ako ng konti sa kanila at nakita ko si Zharm na pinupunasan yung labi ni Jasper. Shit.

Hinintay ko yung reaction ni Daniel pero wala naman. Blank space lang. Err, Taylor Swift izdatchu?

"Nag-aya na kumain tapos tititigan mo lang sila? Tumgil ka nga, uupakan kita. Eat." Mataray na sabi ni Kyla.

"Wag mo sabihing nawalan ka ng gana dahil jan sa noo na 'yan? Isasalpak ko talaga sayo tong buto ng manok hanggang sa bumara sa lalamunan mo." Coleen.

Alam ko naman na dinadaan na lang nila sa biro para mabawasan yung level of intensity. Alam rin nila lahat ng secret ko. Pati nga color ng panties na suot ko alam niyan eh.

Pati etong kay Jasper. Ang alam kasi ng iba, idol lang talaga tingin ko sa kanya. No. Higit pa 'don. At sila lang ang nakaka-alam non. Ayoko kasing sabihin sa iba dahil judgemental na mga tao ngayon. Baka 'pag sinabi ko sa kanila, ang sabihin lang nila,

'Ew, ang baduy.'

'Mahal mo si Jasper, higit pa sa pagiging fan lang? Hahaha. Anong ka-shittan 'yan?'

'Asa ka namang papatulan ka niyan, he's a star. You're nobody.'

Yan ang mahirap eh. Fan ka na nga, nagmamahal ka pa ng sobra, naga-assume ka pa. Oh diba, nescafè lang. Three in one!

Teka, nagseselos nga ba 'ko? Oh eh ano naman ngayon. Wala naman akong karapatan dahil wala lang ako sa kanya. Wala akong karapatan mag tanong dahil fan lang ako at hindi media. Wala akong karapatan magselos. Wala. Pero bakit sabi nga ni Cory, "Ipaglaban mo ang karapatan mo." Paano ko ipaglalaban yung karapatan na 'yon eh wala naman akong karapatan?


Hay. Life is totally a crazy ride, and no one is guaranteed.

I'm Inlove with A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon