Chapter 16

4.1K 136 6
                                    

KATH's POV

"Ang bigat ha! Dala mo ba buong buhay mo dito?" Sabi ni Jasper habang uma-acting na nahihirapan.

"Sabi ko naman kasi sayo ako na lang eh!"

"Joke lang, eto naman." He chuckled. "Anong room number ba kayo?"

Ay. Oo nga pala 'no. Kinuha 'ko yung cellphone ko at binasa yung text sakin ni Julia.

From: Julia

Room 426

Reveived 10:03am

"Room 426? Magkatapat pala tayo ng room eh. 425 kami nila Seth."

"Ay kamoteng basa!" Nagulat ako sa sobrang lapit ng mukha sakin ni Jasper.

Dugdug. Dugdug. Chansingan ko na kaya 'to?

Natawa naman siya sa inasta ko kaya pinalo ko siya sa braso. "Masamang nagbabasa ng text ng iba!" Pagmamaktol ko.

Nando'n na yata si Julia sa loob kasi nauna silang bumaba samin kanina. 4-5 person kasi sa isang room since malaki naman 'to. At syempre, dapat all boys, all girls. Sa room namin kasama ko, ofcourse sila Julia, Coleen pati si Kyla.

"Oh, eto na pala tayo. Thank you, Jasper!" I said as we stopped infront of my room.

Pinilit niya kasi ako na siya na raw magdadala ng bag ko pero I insisted. And so he does. Kaya ayan, hinatid niya 'ko dito sa room namin dala dala yung maleta niya pati yung dalawang shoulder bag ko. Kawawa tuloy.

"Welcome. Hindi na ulit mauulit yan. Lintek, napakabigat ng bag mo!" He laughed and I gavr him a death glare. "Deh, biro lang."

Tumigil kami sa pagtawa at binalot kami ng katahimikan. An awkward silence to be exact. Croo croo.

"A-ano.. P-pasok na 'ko ha. Salamat nga pala ulit!" Why am I uttering!

Ngumiti siya at binaba na 'yung gamit ko. Papasok na sana ako nang bigla niya ulit ako tawagin. Jusko Lord God in the highest, ano pa? Ano pa ang nakakakilig na pwedeng mangyari!?

"Ah.. Chloe?"

"Yes?"

"Thank you for being my fan." He winked and went inside of their room.

Naiwan akong nakanganga at tulala sa tapat ng kwarto ko pati nila Jasper. Hutangena.

Dali dali akong pumasok sa loob ng kwarto. Nakita ko sila Julia na nag-aayos na ng gamit at bigla akong tumakbo papunta sa isang kama. Kinuha ko yung unan do'n at tinakpan yung mukha ko.

"Aaaahhh! Nag chenkyu shya shakin taposh kinindatan ulit ako!"

"Jusko! Take me, Lord take me!"

Mukha na kong baliw dito pero wala akong pake. Kinikilig ako!

"Hala, nabaliw na ang gaga." Coleen

"Anyare sayo 'teh?" Julia

Si Kyla? Ayon. Kinuha yung cross na nakasabit malapit sa kama ko sabay tinapat sakin. Na para bang sinasapian ako.

"Lord God in the highest kayo na po bahala sa kaibigan namin nawa'y mawala ang masamang espiritu na sumapi sa kan--"

Binato ko siya ng unan na hawak ko. Oh hala sige, natigilan tuloy.

"Aray ko! Puta naman." Sabi niya habang hinihimas yung mukha niya.

"Ano ba kasi nangyayare sayo ha? Kiniss ka ni Jasper 'no?" Coleen.

I'm Inlove with A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon