Chapter 26

3.8K 148 12
                                    

Nakatingin kaming lahat kay Jasper habang hinihintay siya na magbaba ng baraha. Nakakatawa kasi halatang magsisinungaling na 'to dahil sobrang namamawis na yung noo niya.

"Ano ulit yung huling binaba?" Seryosong tanong niya nang nakatingin pa rin sa mga baraha niya.

"Three Kings." Sagot ni Magui.

Nagbaba na ng dalawang baraha si Jasper at, "Two Queens."

Lahat kami nakatingin lang sa kanya na para bang tinitignan kung nagsinungalig siya nang may naalala ako.

"BLUFF! BLUFF! BLUFF!!" Natatawang sigaw 'ko. Eh bluff naman talaga eh!

Tumawa sila Tita Karla at sila Lelay habang si Jasper naman eh nanlaki yung mata.

"Bluff 'yan! Nagbaba na ako kanina ng three queens eh! Ibig sabihin dapat isang queen lang binaba mo! Hahahaha! Bluff woohoo!"

Pinakita 'ko pa talaga sa kanila yung mga baraha na binaba ni Jasper at tama nga ako. Isang queen at isang four yung binaba niya.

Bigla namang tumawa ng malakas si Tita Karla. "Sa susunod 'nak galingan mo mag sinungaling ha!"

"Bwisit! Ayoko na! Mag P-PS3 na lang ako bahala kayo jan." Anya ni Jasper bago pumunta sa theater room.

Tawa pa rin sila ng tawa at nagsalita si Magui. "Hindi talaga magaling sa cards 'yang si Kuya! Hahahaha!"

"Sabi na tama yung nabasa 'ko sa article niyo eh. Hehehe." Sagot 'ko habang nililigpit yung mga baraha.

"Grabe ate, fan na fan ka ba talaga ni Kuya? As in bonggang bongga gano'n?" Lelay.

"Oo." Sagot ko bago ngumiti. "Love na love ko kaya yang kuya niyo. Hindi 'ko nga akalain na nasa harapan 'ko na kayo't nakikipaglaro. Akala 'ko.... Akala 'ko sa panaginip 'ko na lang 'to mangyayari. Posible pala sa totoong buhay."

Hinangod hangod ni Tita Karla yung likod 'ko. "Gusto ka namin para sa kanya... Gustong gusto, Kathryn. Ya'ng si DJ? May pagka masungit 'yan sa mga babae. Kahit mga co-artists niyan hindi niya pinapatos. Akala 'ko nga dati bakla 'yan eh."

"I'M NOT GAY!!!!" Sigaw niya mula sa kwarto.

"Pati yung ngiti niya ngayon? Hindi namin yan madalas makita. Nag-iba si DJ ngayon... Dati laging pagod 'yan. Pano taping sa madaling araw, photoshoot sa umaga, at kung ano-ano pa. Buti na lang kamo at naisipan 'kong mag-aral muna siya." Anya ni Tita.

"Teka, nag i love you-han na ba kayo?" Water I need water. *cough*

"Hind--hindi pa po ah! Nagulat na nga lang po ako't bigla niya akong pinuntahan sa bahay kanina tapos sabi ano... Papakilala niya raw po ako."

Natawa si Tita Karla. "Just continute building up the new Daniel Ford. Masaya ako dahil ikaw ang nagustuhan niya. Hindi PA man niya inaamin sa'yo pero nararamdaman 'ko na. Kasi sabi 'ko nga, hindi ganyan si Daniel dati. Alam 'ko na masyadong mabilis ang mga pangyayari dahil months pa lang kayo nagkikita pero, hindi PA naman kayo diba? So parang... MU lang ganon. Petiks petiks."

"Opo.." Nahihiya ako! Huhubells.

"Keep it up... I like you for my son.."

Hindi ko na nakaya 'yung tuwa sa loob ng katawan 'ko kaya naman nilabas 'ko na. "HOOOOOMAAAAAAAAYGAAAAAD! THANK YOU PO THANK YOU PO THAAANKKK YOU PO TALAGA!" Sigaw 'ko bago yakapin si Tita Karla. Nakakaiyak naman 'to!

I'm Inlove with A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon