Chapter 27

4.2K 149 23
                                    

KATH's POV

Monday nanaman. Makikita 'ko nanaman si Panot pero okay lang makikita 'ko rin naman si Jasper.

Speaking of Jasper, alam niyo bang tawang tawa pa rin ako dahil nag tweet pa talaga siya kung ano meaning ng 'xoxo'? Sabi sa inyo alien 'yan eh. Kaya siguro ako sinabihan ng bastos kasi akala niya.. Pfft! Hahaha.

Bago ako umakyat ng room, huminto muna ako sa canteen para bumili ng tubig. Ang aga ko kasi pumasok pano yung driver 'ko kailangan raw umuwi ng maaga. Nakaka-uhaw din kaya mag-ala Dora dito sa campus habang hinihintay si Juls 'no. Palibhasa takot umakyat mag-isa.

Nakatingin lang ako sa cellphone ko at naghihintay sa text ni Julia habang bumibili.

"Ate, isang mineral nga po/Mineral please."

Napatingin ako kung saan galing 'yung boses na 'yon. "Uy! Aga mo ah!"

"Ganun talaga pag masipag.. Oh." Anya saka inabot sa'kin yung binili 'kong tubig. Kukunin 'ko na sana yung wallet 'ko para bayaran yung tindera nang magsalita siya. "Ako na."

"Okay. 'Di ako papalag 'jan. Hehe. Thank you, Jasper!" Tumango lang siya at ininom na yung tubig niya. Sinubukan 'kong buksan yung akin pero hindi 'ko magawa.

Kinuha niya yung bote 'ko at siya na ang nagbukas. "Ako na nga. Weak."

"Nyenyenye. Pasalamat ka bet kita...." Bulong 'ko.

"Don't worry. The feeling's are mutual." He chuckled bago umalis at pumunta kela Katsumi na nag-iintay. Hindi na rin ako nagtaka nang biglang mag hiyawan ang mga studyante ng Eastwood High. Tss.

Pero naiwan parin ako'ng tulala.

"Narinig 'ku yun!" Nagulat ako sa biglang sulpot ni ateng tindera.

"A-ang alin po?"

"Naku! Wag ka ng mag maang-maangan! Bagay kayu! Kaso artista si puge..." Sabi niya habang dinuduro-duro yung stick ng barbecue sa'kin. Easy lang, teh.

"Chismosa." Bulong 'ko.

"Anu uli 'yun?"

"Chismosa."

"Anu!?"

"Penge ho kakong tasa lalagay 'ko lang do'n yung tubig 'ko para astig." Inis na sabi 'ko saka umalis na. Bwisit! Ba-badtripin pa 'ko neto eh ang ganda ganda ng umaga 'ko. Bet niya raw ako eh. Hihi mainggit kayo.

"Kath!" Sigaw ni Julia habang tumatakbo papalapit sa'kin.

"Sabi mo five minutes! Talkies ka talaga e!"

"Sorry na. Nakipag-away pa 'ko kay Diego kanina. Pano sabi 'ko kay manong na lang ako magpapahatid pero sabi niya siya na lang daw." Hingal na sabi niya kaya naman inabot 'ko yung tubig 'ko sa kanya. Kawawa eh.

"Diego? Akala 'ko ba Katsumi ka? Pero nung minsan kilig na kilig ka kay Diego. Sino ba talaga?"

"Sus. Wala! Magkaibigan lang kami no'ng si Diego. Bahala siya, dun siya sa Agnes niya." Forevermore?

•••

Pag-uwi 'ko ng bahay, agad akong sinalubong ng mga maid 'ko at kinuha yung bag 'ko. Buti na lang at hindi na sila day off. Hindi 'ko rin alam kung nasan si Jasper kasi nung uwian bigla bigla na lang siyang umalis at nagmamadali.

I'm Inlove with A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon