Chapter 21

4.1K 135 10
                                    

"Ano nga pala yung sinabi mo kanina?" Agad na tanong ni Jasper habang nakangisi.

"Ha? Alin dun?" Pagpapatay malisya na tanong 'ko.

"Yung nasa b---" He wasn't able to finish his sentence when Julia immediately came in.

Save by the bell...... again. *smirks*

"Oh, eto na yung tubig mo. Sabi nga pala nung nurse pwede ka na nang makalabas kung kaya mo na maglakad." Dere-deretsong sabi niya habang hinihingal.

Sinubukan niyang buksan yung tubig pero hindi niya kaya, kaya naman inabot na lang niya 'to kay Jasper.

"Weak mo." Pagmamayabang nito at saka inabot sakin yung tubig.

"Nyenye. Oh, mauna na ulit ako ha. Do'n lang kami sa may zipline. Bantayan mo muna 'yan."

"Iiwan mo naman ako dito? Huhuhu. Lagi na lang kayong nang-iiwan." I pouted. Nag make face na lang si Juls at lumabas na.

"Ako, hindi kita iiwan." Dinilaan niya yung labi niya sabay kinagat yung ibabang labi at kumindat.


What the hell.

"Ahh! Manyak! Manyak!" Sigaw 'ko at binato sa kanya yung unan.

"Sayo lang, babe." Sagot nito at kumindat ulit.

Naramdaman 'ko naman yung mga sariling kong dugo na naguunahang umakyat papunta sa pisngi 'ko. Yung puso ko walangya! Kulang na lang lumabas na sa sobrang lakas ng kabog.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

"Anong nakakatawa?!"

"Y-your... Your face! Epic!" At tumawa nanaman ang loko. Binato 'ko nga ng yelo. Buti na lang maliit na lang kundi bi-binggo mukha nito.

"Aray ko naman! Matapos kitang tulungan jan ganyan lang gagawin mo sakin?" Reklamo nito. Hinawakan niya yung dibdib niya at umakto na parang nasasaktan. "Masakit... Sobrang sakit Chloe." He said as if he's imitating my voice.

"Aray ko nanaman!" Sigaw niya at hinawakan yung kili-kili niya na kinurot 'ko. "Napaka brutal mo talaga! Pasalamat k--"

"Sino yung kumakatok?" Tanong 'ko.

"Sino yan?" Tanong ni Jasper bago tumayo at hinawakan yung door knob. "Kitang busy yung tao eh." Dagdag niya.

"Paano makikita eh nakasara yung pinto." Bulong 'ko. Bingyan niya 'ko ng death glare bago buksan yung pinto. Narinig niya pa 'yon?!


"Sino 'ya---"

"Aaahh! Anak ng putcha oo! Napakagwapo talaga!" Sigaw nito at biglang niyakap si Jasper.

"Maliit na bagay." Pagbibiro ni Jasper bago humiwalay sa yakap at kindatan 'yung nurse. Aba't!


"Ay pusang gala! Bakit mo 'ko kinindatan?! Aahhh! Pwede na 'kong mamatay!" Ako talaga papatay sayong babae ka, makita mo.

Ano, dito talaga sila maglalandian sa harap 'ko?!


"Okay ka na ba?" Tanong niya bago hawakan yung ankle 'ko.


"Oo." Maikling sagot 'ko bago palihim na umirap na nakita ata ni Jasper kaya napangisi siya. Pake ko, eh sa badtrip ako sa bwisit na 'to eh!

I'm Inlove with A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon