Chapter 24

4.1K 154 15
                                    

Kathryn Chloe's twitter acc: @imkathchloe

Daniel Jasper's twitter acc: @imdanieljasper

_________________________

DANIEL'S POV

Hay salamat sa Diyos at Friday na rin! Buti na lang rin at half day lang yung uwian dahil may meeting raw yung mga teachers. Tama yan, tama. Sobrang naii-stress na kasi ako sa mga nangyayare ngayon eh. Kaloka mga teh.

Pag-uwi 'ko ng bahay, dere deretso lang akong pumasok sa kwarto 'ko. Wala si Mama ngayon pati mga kapatid 'ko. Si Mama nasa taping ng YFSF. Si Magui at Lelay naman nasa school pa at mamayang alas kwarto pa ang uwi. Si JC ewan ko ba do'n sa bulldog na 'yon. Baka naghanap ng dogfood.

Pumunta ako sa walk-in-closet 'ko at nagpalit ng pang bahay. Gulat kayo 'no. Hindi lang kayong mga babae ang may karapatan magkaroon ng ganito.

Hinubad 'ko yung polo 'ko pati pantalon - hoy wag niyo 'kong silipan! Mga manyak kayo. Takpan niyo mata niyo!

Nagsuot lang ako ng v-neck na white at hindi na nag shorts pa. Boxers lang. Hot ko talaga.

Humiga ako sa kama 'ko at binuksan yung TV. Pero bago pa man 'yon, nagdasal muna 'ko na sana hindi 'ko makita yung mukha ko do'n. Pero wala, hindi siguro narinig ni Lord yung hiling 'ko sa sobrang daming nagdadasal sa kanya dahil bumungad sa'kin yung picture 'ko at ni Chloe sa zipline at iba pa.

"Daniel Jasper Ford, nahuli nang isang paparazzi sa kanilang fieldtrip na laging may kasamang iisang babae. Ayon sa mga litratong nagkalat ay sobrang close raw nila tignan. Posibleng... Sila na ka--"

Hindi 'ko na tinapos mag salita yung bwisit na Doris Bigornia na 'yan at pinatay na...... Yung TV.

Binuksan 'ko muna yung twitter 'ko at nagbasa basa ng mga pangyayari. Ang tagal 'ko na rin palang hindi nakapag twitter. Nilalangaw na oh!

@imdanieljasper: Hay....

Agad agad naman silang nagreply at nag retweet. Pati favorite rin syempre.

"Okay lang 'yan, Daniel!"

"Kung saan ka masaya, do'n kami masaya. I guess nahanap mo na talaga siya. :)"

"Follow your heart, DJ. 'Wag mong isipin ang sasabihin ng ibang tao. Gorabells ka lang sa life as long as masaya ka at alam mong hindi mali 'yon."

Huminga ako ng malalim. Gusto 'kong mag-isip isip ngayon. Gusto ko nang may kausap pero wala naman dito sila Mama. Alam 'ko rin naman na mang-aasar lang 'yon pag nag kwento ako. Kaya eto.. No choice kundi,

"Hoy, ceiling. Gusto ko na ba siya?" Tanong 'ko habang tinitignan yung ceiling 'ko.

"Kung oo... Bakit parang ang bilis? Ganto ba talaga yung... Pag-ibig?" Napatigil ako sa pagsasalita at, "Tae ang baduy pag sa'kin nanggagaling." Napailing na lang ako at nagsalita uli.

"Wala naman sigurong masama kung magka-gusto ako sa kanya diba? Lalaki ako, babae siya. Pareho naman kaming tao. At saka ano ngayon kung..... sakaling maging kami?"

"Oo tama.. Wala naman mali... Pero teka, gusto ko na ba talaga si Chloe? Putcha ganito pala pakiramdam no'n. Nakakabaliw!"

".................."

"WALANGYA! SUMAGOT KA NAMAN JAN. MUKHA AKONG ENGOT DITO OH!"

"ANO DI KA SASAGOT? BABANATAN KITA!" Sigaw 'ko. "Tamong kinakausap eh...." Binato ko siya ng unan pero bumagsak ulit 'to sa'kin.

I'm Inlove with A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon