Chapter 23

4.2K 163 31
                                    

KATH's POV

"Bes alam mo ba si Diego...."

Matapos noong araw na sinabi 'ko na lahat lahat kay Jasper, naging awkward na kami. Well... Ako lang yata. Kasi kinakausap niya naman ako sa school. As usual, manghihingi nanaman ng papel pati ballpen pero pag tapos no'n, wala na. Awkward na ulit.

"Grabe, as in! Tapos inaya niya nanaman ako lumabas this weekend!"

Pero... Tama naman yung ginawa 'ko diba? Nagsabi lang naman ako ng totoo dahil hindi 'ko na kaya itago yung nararamdaman 'ko. Pasensya na, nag mamahal lang.

"Kapag 'yon talaga nanligaw sakin hindi na 'ko magpapaligoy ligoy! Paligoy ligoy ligoy, paligoy ligoy pa~"

Isang linggo na rin pala nakalipas mula nung fieldtrip namin sa Tagaytay. Alam rin nila Julia at ng P4 yung nangyari. Siguro sinabi na rin ni Jasper sa kanila. Nakakatawa nga kasi pilit nila kaming pinagbabati... Eh hindi naman kami magka-away eh. Pero may something lang ako'ng nafi-feel kay Lester. Parang.... Gusto niya pa na ganito yung sitwasyon namin ni Jasper. Bakit kaya?

"Kath maganda ba 'ko?"

Naalala 'ko kung pano ako tignan ni Jasper....

*tango*

Kung paano niya 'ko ngitian tapos nakalabas yung dimple niya...

"Pangit ka?"

Pati nung binuhat niya ko ng bridal style...

*tango*

Yung paraan kung pano niya 'ko inalagaan nung nasa clinic ka---

"Aray ko naman Juls!" Sigaw 'ko bago ibato pabalik yung piraso ng cheese burger sa kanya. "Ano nanaman ba?!"

"Wala!" Sagot niya na may tonong pagka sarcastic habang nakangiti. "Ang sabi 'ko lang naman kanina pa 'ko kwento ng kwento dito. Naubos na yung tatlong cheese burger na kinain 'ko - ay apat pala. Pero tango ka lang ng tango jan! Yung totoo, gusto mo ba daigin yung doggie on a dashboard?!"

"Ay.. He.. Hehe. Sorry." Sagot 'ko bago mag peace sign.

"Iniisip mo nanaman si Jasper 'no?" Umiling agad ako. "Mukha mo. Lokohin mo na ang bagong gising wag lang ako na naka whisper with wings!" Sabi niya at dinuro duro pa sakin yung whisper na plastic sa bag niya.

"Tumigil ka nga! Itago mo 'yan! Kitang nasa cafeteria tayo e!" Sermon 'ko bago kunin sa kanya yung whisper at nilagay sa bag 'ko.

"Yang Jasper talaga na 'yan eh. Puputulin 'ko talaga yagballs niyan pag sinaktan ka."

"Kadiri ka talaga!" Sabi 'ko habang tumatawa.

"Walang kadi-kadiri sa'kin pag may nanakit sa'yo aba! Basta tandaan mo lang, 'wag puro puso. May utak ka rin, gamitin mo kung ayaw mong sirain 'ko 'yan. Kung hindi mo na kaya, tumigil ka na. 'Wag mo nang ipilit dahil lalo ka lang masasaktan..."

"Aw, sweet naman. Kilig ako do'n bes ah."

•••

Nandito na kami sa classroom ngayon at hinihintay na lang yung last teacher. Buti na lang at Friday ngayon. Sa wakas makakapag pahinga rin!

Nakarinig ako ng tilian sa labas kaya alam 'ko na parating na siya. Maya maya rin ay bumukas na yung pinto at nagmamadaling pumasok yung lima. Hindi talaga sila masanay sanay na dito nag-aaral 'tong mga kumag na 'to.

I'm Inlove with A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon