Chapter 20

3.9K 146 11
                                    

"A-ano.. Kasi ano..."

"Ano?" Tanong niya habang naka smirk na abot na yata sa langit.

Eto na ba yung oras? Aamin na ba ko? Huhuhu. Lord naman, hindi ako prepared! Breathe in... Breathe out... Kaya ko 'to.

I was just about to open my mouth nang bigla akong nakarinig nang nagsisigawan.

Hay, thank you Lord. Save by the bell!

"Walangya nandito ka lang pala 'tol kanina pa kami hanap ng hanap sa--- Oh, nandito ka pa rin pala Chloe. Hehehehe." Gulat na sabi ni Kats.

Kasama niya rin pala yung barkada niya pati sila Julia. Taray, nagsama sama talaga sila ha!

"Nandito lang pala kayo! Kanina pa kami hanap ng hanap eh, akala ko kung ano na nangyari! Kanina pa ba kayo dito? Ang tagal niyong nawala ah! Kanina lang sabi ni Seth nakita ka niya naglalak---"

"Ang daldal mo, Juls." Iritadong sabi ko.

Napatingin naman ako sa kasama ko na may malaki pa ring ngiti sa mga labi. Err, ayoko na! Nakakahiya.

"I'm sure hindi ka pa kumakain, yes?" Kyla.

"Yeah. Hinanap ko agad kayo eh." Sagot ko at tumayo na sa buhangin. Tumayo na rin naman si Jasper. Gaya gaya talaga hehehehe.

"Tara, nagpa iwan kami ng isang food do'n sa cafeteria para sa'yo." Sabi ni Coleen.

Wala sa sarili akong naglakad pabalik sa may hotel kasama sila Juls nang biglang may lumapit sakin at bumulong.

"Akala mo nakatakas ka na ha.." Pilyong sabi niya at sumama na sa mga kabarkada niya. Patay.

"Tae mo patay!" Sigaw ko nang biglang mapigtas yung suot 'kong tsinelas at nadapa. Waaahhh!! Ano pa Lord?! Ano pang kahihiyan ang pwedeng mangyari?! Huhuhu!

"SINONG NAMATA--" Sigaw ni Kyla at gulat na napatingin silang lahat sakin.

"Oh, Kath bakit jan ka na nag swimming sa buhangin!? Hindi ka ba makapag hintay?" Nagtatakang tanong ni Lester.

"A-ang.. Ang sakit ng paa ko! Waaahhh! Huhuhuhu!!!" Iyak ko pero walang luha dahil sobrang sakit talaga. Yung maganda 'kong paa na sprain!

"Ano?!" Tanong ni Jasper at biglang lumapit sakin at binuhat ako......... Bridal style.

_______________________________

DANIEL's POV

Dali dali 'kong binuhat si Chloe. Wala akong pake kung anong klasing buhat 'to, ang importante madala ko siya sa clinic. Buti na lang meron dito sa hotel.

Napansin ko na maraming tao ang nakatingin samin. Sumenyas ako kela Katsumi na harangan si yung mukha ni Chloe para hindi makilala ng mga tao.

"Lagay mo yung buhok mo sa mukha mo. Magtago ka."

"H-ha? B-bakit?" Naiiyak na tanong niya. Shit. Malala yata yung pagkaka sprain niya.

"Wag kang iiyak papangit ka." Pag bibiro 'ko na siyang ikinatawa niya. "Iharang mo na yung buhok mo, baka makilala ka ng mga tao." Agad namang nag bago ang ekspresyon ni Chloe. Huh?

Hindi ko na lang 'to pinansin dahil malapit na kami sa clinic. Nang makapasok kami, agad 'kong binaba si Chloe do'n sa higaan at sila Julia na ang nag explain kung ano nangyari.

"Okay ka lang?" Tanong ko kay Chloe.

"OKAY?! IKAW KAYA MASIRAAN NG TSINELAS TAPOS NA SPRAIN PA YUNG PAA KO. IKAW ATA DAPAT TINATANONG KO EH. OKAY KA LANG?!" Sigaw niya kaya naman agad na pumasok yung nurse pati na rin ang barkada.

"Anong nangyayari dito?!" Gulat na tanong ni Katsumi.

"Eto kasi, kinakamusta 'ko lang yung paa eh. Highblood." Sagot ko habang natatawa.

"Easy ka lang, Chloe." Pangaasar ko sa kanya kaya bigla na lang inirapan. Sus, natatawa rin naman.

"D-diba ik... Ikaw yung artista? Anak ka naman ng kabayo oo! Napakagwapo mo! Pa picture ako mamaya pati auto--"

"Ah.. Nurse. Mamaya na ho sana 'yan kasi yung kaibigan namin namimilipit na sa sakit." Turo ni Seth kay Chloe.

"At chaka ate, hindi ho ako anak ng kabayo. Anak po ako ni Karla."

"Ano.. Hehehe. Sorry. Oh siya, sandali lang ha. Kukuha lang ako ng yelo." At saka umalis yung nurse.

"Kalokang nurse, chumika pa ang bruha kita namang ang sakit sakit na." Bulong ni Chloe.

"May sinasabi ka?"

"H-ha? Nako wala! Sabi 'ko ang tagal nung nurse. Natanggal na yata buto ko sa sobrang tagal. Hehehe." Sagot niya saka nag peace sign.

Pumasok na yung nurse dala dala yung yelo. "Sorry natagalan. Ano... Sino ba pwede bumili ng tubig do'n sa cafeteria? Kailangan niya kasi 'yon." Tanong niya samin.

"Ako na lang, nurse." Agad na sabi ni Julia.

"Sama ako."

Gulat kaming napatingin kay Katsumi. Tinaasan niya lang naman kami ng kilay. "What? Tignan niyo naman 'yung suot ni Julia. Alangan namang maglakad 'yan mag-isa sa labas." Seryosong niyang sabi bago tumayo.

Hanep. Inlove si gago.

Lumabas na silang dalawa at kami na lang naiwan dito nila Lester pati sila Kyla.

"Labas na rin kami. Hehehe." Sabi ni Lester at sinenyasan ang barkada pati yung dalawang babae.

"Iiwan niyo 'ko dito?" Tanong ni Chloe kay Coleen.

"Kaya mo na 'yan. Dun lang kami sa labas. And besides, nanjan naman si Jasper." Sagot niya bago ako ngisian. Natawa na lang ako dito at lumabas na sila.

"Lalagay 'ko na yung yelo ha." Pagpapaalam 'ko sa kanya. Tumango siya kaya naman dahan dahan 'ko nang dinampi yung yelo sa paa niya.

"Ouch!"

"Sorry! Sorry!" Sagot 'ko at biglang inalis yung yelo. "Sobrang sakit ba?"

_________________________

KATH's POV

"Sobra... Sobrang sakit."

Masakit, Jasper. Masakit.

"Sprain lang 'yan. Hindi mo ikamamatay 'yan." Sagot niya habang nakangiti bago ilagay ulit yung yelo sa paa 'ko.

Hindi naman sprain yung tinutukoy ko eh.

I'm Inlove with A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon