TW: Strong Language
Lumabas na si kuya sa sasakyan at ako naman ay narito lang, walang balak bumaba.
“Hey, Ciana. Kanina pa kita tinatawag.”
Biglang sabi ni Azriel, napatingin ako sa kanya, “Ano iyon? Pasensya na.”
“Are you okay?”
Sasagot na sana ako ng may bigla akong narinig na kalabog mula sa bahay at ng dahil roon ay napatalon ako sa gulat.
“R-Riel, call an ambulance right now, please.” Nangangatog na saad ko.
Tumango at sumunod naman kaagad ito. Biglang bumukas ang pintuan na nasa tabi ko at nakita ko si Azriel na halatang nag-aalala.
“Usog.” Seryosong bulong niya.
Sumunod naman ako at umupo sya sa tabi ko, he cupped my face.“Tumingin ka sa mga mata ko.”
I didn’t follow him.
“Ciana, tumingin ka sa mga mata ko.”
Unti-unti ay tinignan ko ang mga mata niya.
“Kapag tumingin ka sa mga mata ng isang tao, doon mo malalaman kung ano ang tunay na nilalaman nito.” Sabay turo niya sa dibdib ko na nagpapahiwatig na itinuturo niya ang puso ko.
“Now don’t worry, okay? I’m here, baby. I will always be here, come with me. Pigilan na natin ang kuya mo, may mga kinausap akong tao na kilala namin. May pupuntahan tayo.”
I nodded.
He intertwined our hands at sabay kaming lumabas ng sasakyan, pagkalingon ko sa likuran namin ay nanlaki ang mga mata ko ng makakita ako ng halos limang lalaki. Nanlaki rin ang mata ng isang lalaki ng tignan ang mga kamay namin ni Azriel na magkahawak, bigla itong lumapit at itinapat nya ang kanyang kanang kamay kay Azriel, tinignan ko naman si Azriel at nakita kong nagsalubong ang mga kilay nito.
“Oh, masamang Espiritu umalis ka sa katawan ng kaibigan ko.”
Paulit-ulit niyang binigkas iyon. Dahil roon ay bigla akong natawa, narinig kong tumawa rin ang ibang mga lalaki. Biglang sinapak ni Azriel ang lalaking nasa harapan namin at napadaing naman ang lalaki sa sakit,
“Ouch, Cobber naman.”
“What the fudge are your doing?” tanong ni Azriel.
“Ay binge? Pinapaalis ko yung masamang Espiritu dyan sa katawan mo, Cobber.”
“What? Why?”
“Eh ngayon ka lang may hinawakang babae eh, and hmm I smell something fishy, finally hindi na ata magiging single ang isang Azriel Xavier Dawson buong buhay nya!” Sabi ng lalaki,
Magsasalita na sanang muli si Azriel ng biglang nagsalita ang isang lalaki sa likuran namin.
“Stop fighting you two little brats. Let’s stop that old man first.”
Bigla nanaman akong kinabahan sa makikita ko sa loob ng bahay.
Pumasok kami sa bahay at ang una kong natanggap ay isang malakas na sampal,
“Napaka-kapal talaga ng mukha mo para magsumbong pa dyan sa kuya mo ano?” Galit na saad ni Mama.
Bigla naman akong hinatak ni Azriel at sya ang humarap kay Mama.
“Ma’am excuse me but I don’t think it’s not appropriate to slap your daughter in front of many attorneys here.” Azriel said with authority.
Nakita kong bigla ang takot sa mga mata ni Mama at tumingin sa likuran namin, alam kong naroon ang mga lalaking nakita ko kanina ngunit bigla nanaman siyang nagsalita,
YOU ARE READING
It's Time, Cosa Nostra (STEREONA CLAN 1)
RomanceAfter all the sacrifices, all the deaths, all the pain, all the suffering, when is the perfect time to stood up? When is the perfect time to take revenge? The time is ticking, the clock reaches midnight and It's time, Cosa Nostra.