Chapter 24

11 2 0
                                    

“Mom, I got to go po.”

“Okay, anak. Take care.”

I hug and kiss my mom before I go. May aasikasuhin kasi ako sa office niya since it’s an emergency, ako na ang nagvolunteer para ayusin ‘yun para naman makapagpahinga naman si mama because I know she’s a workaholic woman.

Para rin maging busy ako at maiwasang mag-isip ng kung ano-ano na nagiging dahilan para manikip nanaman ang dibdib ko, somehow, nakakapagod rin na lagi ko na lang naaalala ‘yung nakaraan, alam mo ‘yung ayaw mo ng isipin pero ayaw makisama ng utak mo? That’s my case, I don’t want to think about it pero laging nagflaflash sa utak ko ‘yung mga memories na ‘yun, lahat ‘yun.

I book a cab habang narito ako sa harapan ng gate ng resthouse nila mama Calli.

“AAHH SHOOT!”

Napasigaw ako ng biglang may bumusina ng pagkalakas-lakas sa harapan ko. Masama kong tinignan ang sasakyan na nasa harapan ko, unti-unting bumababa ang salamin at nakita ko si Azriel na nakangisi.

“Oh, sorry about that.”

I smiled at him sarcastically, I rolled my eyes and he just laughed at me.

“Hop in.” He said while smiling.

“Why would I?”

“Because I said so.”

I laugh even though I’m literally irritated, argh this man!

“And why would I follow you, Mister? I would rather book and wait for the cab than to ride with you.”

He smirks, “Okay then, you’ll be late.”

I rolled my eyes, “I don’t care.”

Nagulat ako nang pagkalingon ko sa gilid ay naroon na siya, nakatayo at nakangiti pa! This man is really testing my patience huh. 

“Irap ka ng irap diyan mamaya magstay ng ganyan ‘yang mata mo edi hindi mo na makikita ‘yung kagwapuhan ko.”

“Wohoo! Biglang lumakas ‘yung hangin, grabe magkakabagyo ba?” Pagkikipag-usap ko sa sarili ko.

“Sayang lang ang oras mo kung maghihintay ka sa pinabook mong cab, Miss. If you’ll ride with me, then you save a lot of energy and time.” Ani niya.

I bite my lips, naiirita na talaga ako. Parang anytime masasapak ko na ‘tong lalaking ‘to, pwede kayang gawin ‘yun dito?

“Alam mo ikaw, manahimik ka na nga.”

“Eh kung ayaw ko, may magagawa ka ba, Miss Ciana Aaliyah Bonneville?”

“Eh kung sapakin kita, Mister Azriel Xavier Dawson?”

He smirks, nanlaki ang mata ko ng bigla siyang lumapit sa akin, hinawakan niya ang bewang ko at inilapit niya ang mukha niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan, ano bang nakain ng lalaking ‘to?

“Eh kung halikan kita?”

Okay, game. I’ll play with you, Azriel.

I smirk, mas lalo ko pang nilapit ang mukha ko, nakita ko ang pamumula ng mukha niya but he stays still. Sobrang lapit na ng mga mukha namin na halos marinig ko na ang paghinga niya.

“You can?”

Hinapit niya ang bewang ko at mas lalo pa niya akong inilapit sa kaniya, halos magkadikit na ang tungki ng ilong namin.

“Yes, I can, baby. Sasakay ka o hahalikan kita?”

I sighed and rolled my eyes, “Whatever.”

Inialis ko na ang kamay niya at dali-dali akong pumasok sa sasakyan niya. Pumasok na din siya sa loob ng sasakyan at nagtataka ko siyang tinignan ng hindi pa niya ito pinapaandar. Our eyes met and I rolled my eyes.

“What are you trying to do?” Tanong ko sa kaniya, dahil unti-unti nanaman siyang lumalapit sa akin, nakatingin lang ako sa mga mata niya at ganoon din naman siya.

“Seatbelt.”

Gusto kong sampalin ang mukha dahil roon, oo nga pala, bakit hindi ka nagseatbelt, Ciana! Ah shookt! Ang aga-aga!

Nakarating na kami dito sa office ni mama and I’m very amazed dahil sa laki at ganda nito. Alam naman na ng mga tao rito na anak ako ng may-ari dahil sinabihan na sila ni mama kaya naman pinayagan ako agad makapasok. Nang makarating ako sa office, inumpisahan ko ng gawin ang mga dapat kong gawin.

It took almost an hour before ako natapos, nagpunta naman ako sa conference room dahil may meeting daw with the engineer kasi may pinapagawa ulit si mama na resort sa Batangas. The meeting started and I’m pretty amazed by how they planned and design the resort, it’s like an Italian influence design.

“When will you start constructing?” I asked the engineer.

“We’ll start constructing as soon as all the materials and equipment are complete, Ma’am.”

I nodded, “Alright, I’ll visit every week to see the progress, I trust all of you and I know you won’t disappoint me.”

“We won’t break that trust, Ma’am.”

I smiled, “Don’t just say it, prove it.
Meeting adjourned.”

Pagkasabi ko noon ay tumayo na ako para dumiretso sa office ko, magkikita kami ngayon ni Charmaine with Philip sa isang restaurant na pagmamay-ari mismo nila.

My phone rang and I answer it immediately.

“Hello, Charmaine?”

“Malapit na kami diyan, you’re done na?”

“Yeah, hintayin ko kayo sa labas.”

“Alright, see you.”

“See you.”

I end the call at bumaba na ako. Binati ako ng mga employee’s na naroon at binati ko rin sila.

One of the reason I learned growing up ay ‘yung sinabi ni kuya, kapag binati ka, batiin mo rin, not because you’re the CEO of the company doesn’t mean that you won’t greet them, instead greet them and value them kasi they’re one of the reason kung bakit nababawasan ang trabaho mo at simpleng tao rin sila katulad mo nagtatrabaho at nangangarap na maging isang kagaya mo. Be a role model to them at huwag mo silang tratuhin na isa lang silang trabahador, treat them just like your friends for you to have a good and right relationship to all of them.

Nang makarating na ako sa labas, nanlaki ang mata ko ng makita ko ang dalawang lalaking minsan ng naging parte ng buhay at puso ko.

“Anong ginagawa niyo dito?” Tanong ko sa kanila.

“Susunduin ka.” Sabay na saad nina Azriel at Hayden.

I smirk, “May sinabi ba akong sunduin niyo ako?”

“Wala.” Sabay muli nilang sagot.

“Oh, wala naman pala eh. Bakit narito kayo?”

“I just want to accompany you, Ciana.” Azriel answered.

“I’m already grown-up. I can take care of myself.”

“Halika na, Ciana. Sabay ka na sa akin.” Ani naman ni Hayden.

“Huwag Ciana, mapapahamak ka diyan, dito ka na sumabay sa akin.” Sagot naman ni Azriel.

I rolled my eyes, ano bang ginagawa ng mga lalaking ‘to? Parang walang maalala na mga ginawa noon ah? Parang hindi naalalang sinaktan ako, napakagaling nama nitong mga ‘to, bakit ba ang dali nilang makalimot? Samantalang ako, heto, hindi pa rin fully healed at hindi man lang makalimutan lahat.

I sighed, napatingin ako sa sasakyang bumisina. Yes! Buti na lang narito na sina Charmaine.

“Ciana!” Masayang sigaw ni Charmaine.

Tumingin muna ako sa magkapatid na narito ngayon sa harap ko, “For your information, may sumusundo na sa akin so, hindi na ako sasakay sa inyo. Huwag niyo na akong tratuhin na parang bata huh? I can take care of myself, maghanap na lang kayo ng babaeng susunduin niyo araw-araw kasi hindi ako ‘yung babaeng hinahanap niyong ‘yun. Better luck next time, boys.” I smirk and winked at them.

It's Time, Cosa Nostra (STEREONA CLAN 1) Where stories live. Discover now