Chapter 2

24 4 0
                                    

TW: Sensitive Content

"Mauuna na po ako, Tito, Charm. Salamat po sa paghatid."

Pagpapaalam ko sa kanila. Sinarado ko ang pintuan ng sasakyan nila at tinignan ko ang pag-alis ng kanilang sasakyan sa harap ko.

Sana...

Sana ganoon rin ang pamilya ko kagaya ng kay Charm.

Masaya. Walang problema. Hindi nagkakasakitan.

Napabuntong hininga ako at umiling. Malabong mangyari yun sa pamilya ko. Masyado ng magulo at masakit ang nangyayari sa loob pa lamang ng bahay namin.

Pinindot ko ang 'door bell' namin at pagkabukas nito ay nakita ko si Hayden na namumula ang mata at nakangiti sa akin.

Lasing.

Tinanguan ko lang siya bilang pasasalamat sa pagbukas ng gate, sabay umalis ngunit nagulat ako ng kinuha niya ang braso ko at hinatak papalapit sa kaniya.

"Ang ganda-ganda mo kanina, babe." Bulong niya. Napapaluhang lumayo ako sa kaniya at sinampal siya.

"Please. Please don't come closer me anymore. We're done, Hayden Warren Santiago. We're done."

Tumalikod ako sa kaniya at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko hanggang ngayon.

"H-hindi ko naman ginusto ito, Ciana eh."

Rinig kong bulong ni Hayden. Tuloy-tuloy akong umalis at hindi pinansin ang mga tingin sa akin nila Papa lalo na ni ate Hailey. Heto nanaman tayo, gabi-gabi nalang ba talaga na kailangan kong umiyak? Nakakapagod na rin kasi, pero bakit hindi natatapos at napapagod tumulo ang mga luha sa mga mata ko?

Napagdesisyonan kong kunin na ang nga gamit ko, aalis na ako.

Aalis na ako dito sa lugar kung saan nawalan ng kulay ang buhay at mundo ko. Sa lugar kung saan lagi akong umiiyak, lugar kung saan gabi-gabi akong natutulog na walang laman ang tiyan. Ng matapos kong iimpake lahat ng mga damit at iba kong gamit, humiga na ako at natulog.

Naalimpungatan ako ng biglang may naramdaman kong may humahaplos sa binti ko, napatingin ako sa taong nasa harapan ko at nanlaki ang mata ko ng makita kong wala na akong damit sa ibabang parte ng katawan ko at nakita ko kung paano hinahaplos ni Hayden ang babang parte ng katawan ko.

"H-Hayden."

"H-Hayden, maawa ka."

"H-Hayden!"

Puro pagtangis ko lamang ang nadirinig dito sa loob ng kwarto ko. Hinang-hina ako, hindi ako makalaban. Naawa na ako sa sarili ko, sa katawan ko pero bakit wala akong magawa? Bakit ang hina-hina ko? Unti-unti ay pinupunit ni Hayden ang pang-itaas na damit ko. Nagpupumiglas ako ng bigla niya akong sinampal.

"Manahimik ka!"

Nanginginig na ang buong katawan ko at di makapaniwala sa inasal bigla ni Hayden. Itinulak ko siya hanggang sa maubos ang lakas ko. Walang lakas na kinuha ko ang bag ko at kumot para matakpan ang ibabang parte ng katawan ko, hindi ko na natakpan pa ang taas na parte ng katawan ko dahil sa takot.

Tumakbo ako papalayo sa tahanang iyon, nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Sa bawat pagpatak ng ulan ay kasabay noon ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata. Hindi ko na alam kung nasaan na ako, basta makalayo lang ako sa tahanang iyon.

Hinang-hina.

Nilalamig.

Nanginginig.

Natatakot.

Ang hirap ng walang kakampi.

"K-Kuya I need you."

Bulong ko. Huminto ako at tinignan ang kalsada. Ayoko na, sukong-suko na ako, pagod na pagod na ako, hindi ko na kaya. I was verbally, physically and se*ually abused. Wow! Sa tahanang iyon ko pa naranasan lahat ng abused. Napakagaling naman nila na lahat ng iyon ay ginawa nila sa akin, kumpleto pa! Napagdesiyonan kong tumayo sa gitna ng kalsada. I'll end this freaking, tiring and useless life. Nasa gitna na ako ng kalsada ng may maanigan akong ilaw ng sasakyan. Ipinikit ko ang mga mata ko.

Goodbye, World.

Goodbye, Kuya.

Goodbye, Charmaine.

Goodbye, my friends.

Goodbye, everyone.

Hinihintay kong banggain ako ng sasakyan ng biglang may naramdaman akong humawak sa balikat ko. Nanginig muli ang aking katawan.

"H-Hayden, t-tama na. M-maawa ka sa akin."

"Shush. It's me, Azriel." Bigla-bigla ay kumalma ako ngunit ang mga luha ko ay hindi parin tumitigil sa pagtulo.

My Saviour, Azriel.

Humarap ako ng hinang-hina, at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, at nakita ko ang nagdaang galit sa mga mata niya na tila ba alam nya ang nangyari sa akin. Nanginginig na ako sa lamig ng bigla siyang lumapit at ako'y kanyang niyakap.

"You're safe with me. Don't worry, I'll protect you just promise me you'll always be with me. Please let me protect you."

It's Time, Cosa Nostra (STEREONA CLAN 1) Where stories live. Discover now