“Dito na lang muna ipapark itong bus pero aakyat pa tayo dahil ‘dun tayo magcacamping sa pinakatuktok.” Saad ni Tito Hendrix at tumango lang kami, kinuha ko na ‘yung backpack kong mahaba at iniwan na ang iba kong gamit roon sa bus. Buti na lang pala at may dala akong rubber shoes dahil paakyat nga ito.
Habang paakyat kami biglang sumigaw si Ethan, “Boring! Para mas magkaroon tayo ng energy, patugtog tayo!”
“Oo nga!” Pagsasang-ayon naman ni Marie, ngumisi ako supportive Marie hmm.
Nagpatugtog na si Ethan at napatawa kaming mga girls nang marinig ang kanta na pinatugtog ni Ethan, ‘Secret love song.’ Sinamaan kami ng tingin ni Marie, ‘yang kantang ‘yan kasi ‘yung lagi niyang kinakanta noon sa crush niya nung highschool kami.
“Bakit kayo tumatawa, Ciana?” Tanong ni Ethan, magsasalita na sana ako ng biglang sumigaw si Marie,
“Wala!”
I chuckled, “Sarap mang-asar grabe.”
Napatingin sa akin si Azriel, “You have a side like that huh, bully.”
“At least kay Marie lang.” I rolled my eyes,
“Attitude.”
Sinamaan ko siya ng tingin, kumalas ako sa pagkakahawak sa kamay niya at umalis sa tabi niya habang naririnig ko parin siyang tumatawa. Tumabi muna ako kina Charmaine habang paakyat nang napatingin sila sa akin,
“Ay bakit andito ka?” Sabay-sabay pa nilang tanong,
“Ay bakit, bawal? Kailangan sabay-sabay?” Tanong ko pabalik,
“Eh hindi ba dapat magkatabi kayo ni Mr. Suitor?” Tanong ni Charmaine,
“Oo nga, Ciana. Balik ‘dun.”
Sinamaan ko sila ng tingin at natawa sila sa akin, lalakas mang-asar grabe.
“Ethan!”
Pagtawag ko kay Ethan na nagpalingon kay Marie, I winked at him and smirk, asaran pala huh.
Game!
“Ano?” Sagot naman ni Ethan,
“Halika rito, tabihan mo daw si Marie!”
“Hoy! Wala akong sinasabi!” Bigla naming sigaw ni Marie, nagtawanan kaming lahat pati sila Tito Hendrix ay natawa,
“Dalian mo Ethan!” Sigaw kong muli,
“Oo na!”
Nang makarating sa tabi ko si Ethan tinulak ko siya papunta roon kay Marie habang si Marie naman ay tumakbo pataas at nagulat ako ng bigla siyang sinundan ni Ethan.
“Hoy mag-ingat ka, baka madulas ka!” Sigaw ni Ethan, nagkatinginan kami ng girls at sabay-sabay nagtaasan ng kilay.
“Marie, may ahas diyan!” Sigaw muli ni Ethan nagpahinto kay Marie,
“WAAAAAHH! AHAS?! NASAAN?!”
Tumakbo si Marie pabalik dito sa amin ng bigla nalamang siyang nadapa at buti sinalo siya ni Ethan kaya parehas silang nahulog sa lupa, nanlaki ang mata naming lahat at napahinto sa paglalakad ng biglang nagdikit ang labi nila Ethan at Marie,
“OHMYGHAD!” Sigaw naming mga girls kabilang na si ate Anel, habang ang mga lalaki naman ay tumawa ng malakas,
“Owshii!”
“Ethan nakascore!”
“Ethan the mighty Hero!”
“Without a Cape!”
YOU ARE READING
It's Time, Cosa Nostra (STEREONA CLAN 1)
RomanceAfter all the sacrifices, all the deaths, all the pain, all the suffering, when is the perfect time to stood up? When is the perfect time to take revenge? The time is ticking, the clock reaches midnight and It's time, Cosa Nostra.