"Wala namang pinagbago"
Joyce POV
Hayan andito na ako sa bahay. Agad kong inilagay sa kwarto ko ang mga binili nina Nerly at Mitch para sa akin. Ramdam ko yun pagod sa katawan ko kaya agad akong nahiga sa kama.
...toot...toot....toot...huwag ka ringtone ko yan.
Agad kong kinuha ang phone ko para I-check ko kung sino yung nagtext. Himala! Ngayon lang nagtext ang boss. Kagabi ko pa hinihintay ang text niya. Parang gf ang peg....as if naman...
From Vince: come 2 my hauz now na.
Hays....kung kailan magpapahinga ay saka naman papuntahin ako ng lalakeng ito. Ano na naman kaya ang ipagawa niya. Hayan bumangon ulit ako at nagmamadaling pinuntahan ang bahay niya.
Pinagbuksan ako ng guard ng gate ng mansiyon. Nasa labas pa lang ako ay rinig ko yung kaingayan sa loob. Ano kaya ang nangyayari? Makapasok na nga.
Ang maingay na sala ay biglang tumahimik at lahat ng naroroon ay napadako sa aking direksyon. Parang nakakita ng ewan. Well, ang tao lang naman na nandun ay yung kaibigan ni Vince.
"Miss, anong kailangan mo?" Basag ni Greg sa katahimikan na namamagitan sa aming lahat. Ako naman ay nagulat din sa tanong ni Greg...di ba nila ako namumukhaan.
"Ha? Ah eh?" Ayan di ko na alam ang isasagot ko.
"My joy, ikaw ba yan?" Biglang tanong ni Red.
I just nod my head.
"Wow!" Biglang sambit pa ng lalake at patakbong yumakap sa akin. Heto naman si Red kung makapagreact kailangan pang yumakap.
Napatingin ako sa upuan ni Vince at OMG! Nakatingin din sa akin pero napakaseryoso ang aura nito.
"Matanong ko lang, bat ganyan ang itsura mo ngayon?" Nagtatakang tanong ni Brent.
"Siguro may inspirasyon ka" mapanuksong sabi ni Greg.
"Ano ba yan, nagbago lang ang itsura ay inspired? Di ba pwedeng sabihin na may nagtreat sa akin" sagot ko.
"Ows talaga? O di kaya may nakain ka sa Baguio na nagpabago sayo" biro naman ni Brent.
"Bahala kayo kung ayaw niyong maniwala and besides that is not a big issue" sabi ko naman.
"But you look more beautiful" puri ni Greg. Di ako umimik.
"Di ka ba naniniwala? Kahit tanungin pa natin si Vince" dagdag ni Greg.
"Wala namang pinagbago" maikling sambit ni Vince. Ano daw walang nagbago sa akin. Di ba siya nagagandahan sa aking transformation? Well...as if naman na may katiting na paghanga niya sa akin.
"At stop that nonsense topic. Pinapunta ko siya dito para mag-trabaho at di makipag-usap sa inyo" dagdag pa ni Vince. Lahat ng mga kasamahan niya ay walang umimik.
"So anong ipapagawa mo sa akin?" I asked na nakatayo pa rin sa harap nila. Bumalik na umupo na si Red pala.
"Ito lang naman, may project kami sa arts at gusto kung gawin muna yun ngayon na rin. Ito yung materials na kailangan at ikaw na bahala na bumili sa mga yan" sagot ni Vince. Ano yun lang? OMG! Heto na di pa ako magaling sa arts at utusan pa na ako na bumili ng gamit. Akala ko pa naman kung ready na.
"Pare, nagbibiro ka ba?" Sabad ni Red.
"Di pare, P.A ko naman siya" seryosong sagot ni Vince.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters Perfect Lovers
Teen FictionMeet Joyce, ang babaeng tinaguriang baduy dahil sa style niya sa pananamit at higit sa lahat, she is NBSB. And she is wishing na magkaka-bf na siya pero and her destiny begins when she bump a man in the canteen of their campus who is Vince Xavier. ...