"Siguro namimiss na niya si Joyce"
JOYCE POV
Sa sandaling yun na nalaman ko ang katotohanan ay gusto kong sugurin yung halimaw na si Vince at komprontahin tungkol sa mga pinagsasabi ni Jake. Pare-pareho nila akong pinagloloko. Pero naguguluhan ang isipan ko kaya mas minabuti kong umuwi na lamang. Bahala na kung lumiban ako. Gusto ko munang pakalmahin ang sarili ko at harapin yun halimaw na yun.
Ginugol ko na lamang ang aking sarili sa panonood ng kung ano-ano. Oo! Pinanindigan ko talaga yung sinabi ko na liliban ako ngayon.
Dalawang oras akong nanood at nang magsawa na ako ay gusto ko munang humiga pero biglang may kumatok sa pinto. Nabigla ako at natakot kaya nagparamdaman muna ako sa paligid baka kasi guni-guni ko lang.
...tok...tok...tok...wag ka sound effects ng pagkatok yan....
"Sino yan?" Nanginginig kong tanong. Malay mo killer pala yan at papatayin niya..sayang naman ang ganda ko kung mawala ako agad sa mundo...
Pero walang sumagot bagkus ay kumatok ulit ito ng mas malakas.
Mas lalo tuloy akong nanginig sa takot lalo pa ang wala akong kasama ngayon.
Napagdesisyunan kung wag ko na lang bubuksan at magkulong sa kwarto kasi mapapahamak pa ako kung titignan ko pa kung sino ang kumakatok. Bago pa ako makahakbang at layuan ang pinto para tunguhin ang aking kwarto ay nagsalita ang tao sa labas.
Bigla kong binuksan ang pinto at pinaghampas sa kanilang braso.
"Aray best" reaksyon nina Nerly at Mitch.
"Dapat lang na mahampas kayo kasi sa pananakot niyo" sabi ko naman.
Aba tinawanan lang nila ako at agad silang pumasok...imagine...well di na bago sa akin yang ginagawa nila pero naiinis talaga ako sa pananakot nilang nalalaman.
Isinara ko na ang pintuan at naglakad sa sala kung saan dumeretso ang mga kaibigan ko.
"Uy gurl, bat di ka pumasok kanina?" Usisa ni Mitch sa akin.
"Bigla kasing sumakit ang ulo ko kanina" rason ko pero di pala totoo.
"Hay naku! Ang sabihin mo iniiwasan mo kami" sabad naman ni Nerly.
Hays...ito na ang sinasabi ko. Talagang mahirap naniniwala ang dalawang to sa mga pinagsasabi ko hanggat wala akong aaminin.
"Ha? bakit ko naman gagawin yan sa inyo?" Tanong ko.
"hahaha...kunwari ka pa sis" Sagot naman ni Nerly. Well, alam ko naman ang gusto nilang malaman. Yun ay tungkol sa amin ni Vince.
"Well, di ko naman alam kung ano ang pinagsasabi niyo" kunwari ko pa. Malay mo iba pala ang gusto nilang ipapahiwatig.
"Hmmp...simula kasi nung nalaman namin na magkasintahan kayo ni Vince ay di ka na nagpaparamdam" sabi ni Mitch.
Oh eto na...tama ang kutob...maintriga talaga ako dito at saka dadagdag lang sa problema ko ngayon.
"Imagine, nagkabf lang gwapo at mayaman, aba nakalimot na" sabi naman ni Nerly na parang nagtatampo.
"Teka, wag naman kayong magsalita ng ganyan" sabi ko.
"Eh anong sasabihin namin? Totoo naman ah" sabi ni Micth.
"Di niyo kasi alam ang totoo" sabi ko.
"Bakit? May kailangan ba talaga kaming malaman tungkol sa inyong dalawa ni Vince?" Tanong ni nerly.
Di ko agad nasagot ang tanong niya. Di ko alam kong sasabihin ko ba ang katotohanan o hindi pero bahala na...
"Ang totoo yan, kunwari lang ang lahat" I said.
Kita ko yung pagkalito sa mukha ng kasamahan ko. Alam kung gusto nilang magtanong pero hinihintay pa nila ang karagdagang paliwanag ko.
"Kilala niyo ba si Jen?" Tanong ko.
Tumango naman sila.
"O, anong kinalaman naman yung impokritang babaeng yun dito sa usapan natin?" Iritang tanong ni Mitch.
"Siya ang Ex ni Vince at gusto niyang magbalikan silang dalawa" sabi ko.
"Ha? Totoo ba yan?" Bulalas ni Nerly.
Tumango lang ako.
"Okay! Gets ko na! So inalok ka ni Vince na magpanggap ka bilang gf niya para lubayan siya ng impokritang girl na yun" wika naman ni Mitch.
Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.
"Ang galing ko naman!" Saka pumalakpak pa si Mitch.
"Hays....sayang namang girl. Akala pa namin kung totoo na yan na magka-bf ka" sabi naman ni Nerly.
Di na lang ako umimik. Bagkus hinayaan ko na lang sila na magsalita.
"So kailan matatapos ang acting show niyong dalawa?" Biglang tanong ni Nerly.
"Bukas na" deretso kung sagot.
"Ha? Agad-agad?" Sabay na reaksiyon ng dalawa saka nagkatinginan pa.
Oo tama kayo! Bukas tatapusin ko na ang lahat. Pinaglaruan nila ako pwes maggame over na to.
VINCE POV
Maghapon na di ko nakita si Joyce. Asan na kaya yun? Tinatawagan ko pero unattended naman. Hayss...huwag ko na nga siyang isipin...ano naman kung di magpakita ngayon?
"O brad? May problema ka ba?" Biglang tanong ni Greg.
"wala" maikli kong pahayag.
"Siguro namimiss na niya si Joyce" sabad naman ni Red.
Nagkantiyawan naman ang iba niyang kasamahan sa loob ni White house.
"Tawagan mo na kasi" sabi naman ni Kyle.
Wow! ngayon lang nagtrip ah. Sa tagal tagal ng panahon ng pagtatahimik niya, ngayon ulit makipagkulitan ah. May nakain ata....
"O ano? Ayaw mo? Sige, susunduhin ko na lang" sabi naman ni Brent sabay tawa.
"Pwede ba, tumigil na kayo!" Bigla kong sigaw na nagpatahimik sa kanila.
Naguguluhan na nga ako tas nandiyan pa sila na nanggugulo. Di naman masama na pinapatahan lang nila ako pero di pa ngayon.
<>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Guys...yan muna...basta abangan ang nalalapit na pagtatapos nito....Salamat...
Comment and vote na!""
BINABASA MO ANG
Perfect Haters Perfect Lovers
Novela JuvenilMeet Joyce, ang babaeng tinaguriang baduy dahil sa style niya sa pananamit at higit sa lahat, she is NBSB. And she is wishing na magkaka-bf na siya pero and her destiny begins when she bump a man in the canteen of their campus who is Vince Xavier. ...