Kabanata 26: Harapan

221 8 0
                                    

"Kung feelingera ako eh ikaw malandi. Kita na nga na di ka niya gusto pero pilit mo pa ring pinagsisiksikan niyang katawan mo. Linalayuan ka nga pero buntot ka ng buntot talo mo pa ang aso na sumusunod sa kanyang amo"

JOYCE POV

Di ako makapaniwala na sinang-ayunan ko yun. Oh ano ngayon, para akong zombie na ang mukha dahil wala pa akong sapat na tulog mula kagabi kasi iniisip ko yun. Yung pagpapanggap na yan. Di ko alam. Mababaliw na ata ako sa kaikaisip nito.

Oh kahit puyat ang reyna niyo ng kafeeling ay maaga pa rin ako pumasok.

Naglalakad na ako sa hallway ng may humila sa kamay ko at napaharap sa kanya. And speaking the woman who gave me a big threat in life ay siya pala ang walang hiyang nanghila sa akin. Kung tatanungin niyo, Si Jen lang naman.

"Anong kailangan mo?" Inis kong tanong dahil sa ginawa niya kanina.

Aba, tinitignan niya muna ako ng pataas pababa. Guidance councilor ang peg ah.

"Ikaw?" Maarte niyang tanong. Ano raw? Ang gulo namang kausap.

"Anong ikaw ka diyan" pabalik ko.

Aba tinaasan ako ng kilay. Pigilan niyo baka masundot ko pa ang malakapalakang mata ng bruhitang babae to. Joke lang.

"Ano ba talagang kailangan mo?" Paulit ko.

"Isa lang naman ang gusto kong mangyari ang iwan mo si Vince" galit niyang sagot.

Di ko alam ang isasagot ko kaya napatawa na lang ako.

"Wag mo akong tatawanan" naiinis niyang reaksyon.

"Pasensya na ha kasi nakakatawa ka" pang-iinis ko pa. Kita ko naman na naiinis ito.

"Paano kung di ko iiwan siya?" Na-curious ko nang tanong. Malay mo baka ipapatay niya ako.

"Huwag mo akong susubukan dahil di mo ako kilala" galit niyang sagot.

Kung alam mo lang sana di totoo ang lahat at hmp...gustong isumbat yun dahil ayoko naman na masira at plano ng Vince na yan.

"Sorry ha kasi di ko yan magagawa" sumbat ko saka ngumisi.

Ramdam kung nagpupuyos na ng galit ang babaeng kaharap ko ngayon.

"Huwag mo akong pilitin na magalit sayo" sigaw niya. Napatingin pa ang mga dumadaan na estudyante sa kinaroroonan namin pero walang kaming pakialam. Nakikinig lang sila. Pabebe lang ah.

"Bakit mo sinasabi sa aking yan? Di ka man lang nahiya" sumbat ko.

"Mahiya?" Sumbat naman niya saka nagroll eyes pa ah. Pigilan niyo talaga ako at baka may mabulag diyan pag ako'y nainis sa mga pinaggawa niya.

"Oo! Kasi ako gf ng lalakeng gusto mo" nasambit ko. Di ko alam kung bakit ganun na lamang na salita ang lumabas sa bibig ko. Inisip ko na lang na nadala ako sa nararamdaman ko rin na inis sa babaeng itn.

"Gf? Duh? Feelingera! Bakit masisikmura kaya ni Vince na patulan ang katulad mo" galit niyang sumbat.

Nasaktan ako sa sinabi niya. Imagine nilalait ako pwes di ako magpapaapi sa kagaya niyang bruha.

"Kung feelingera ako eh ikaw malandi. Kita na nga na di ka niya gusto pero pilit mo pa ring pinagsisiksikan niyang katawan mo. Linalayuan ka nga pero buntot ka ng buntot talo mo pa ang aso na sumusunod sa kanyang amo" galit ko ring sumbat. Anong akala niya sa akin magpapatalo na lang.

"Siguro ako ang mas mabuting magsabi sayo na lubayan siya. Na iwanan mo na siya kasi kahit anong pilit mong gawin ay di mo mababago ang pakiramdam niya sayo. Na di ka niya gusto" dagdag ko pa.

Nanlilisik na ang mata nitong nakatingin sa akin nang biglang...

...pak...dumapo ang mga kamay nito sa aking mukha. Hinawakan ko ang aking pisngi.

"Masakit ba? Yan ang nararapat sayo kasi mas malandi ka kaysa akin" galit niyang pahayag. Kaya di ako nakapagtimpi at...

..pak...sinampal ko rin ang mukha niya.

Sasampalin din niya sana ako pero inunahan ko siya at sinabutan. Nagsasabunutan kami sa hallway at wala kaming pakialaman sa mga nakakakita sa amin dahil nakikinood lang sila. Ang gusto ko ay maipadama sa babaeng to ang sakit na naramramdaman ko na dahil sa kahibangan niya ay mas nagulo ang buhay ko.

Hanggang may umawat sa amin. Pagtingin ko ay mga kaibigan ko.

"Ano bang problema miss at bigla kang nakikipag-away sa kaibigan namin?" Tanong ni Nerly kay Jen.

"Kung di umeksena sa buhay ni Vince yang malanding babaeng yan eh di bumalik pa siya akin. Feelingera! Akala mo kung sino dahil girlfriend ka na ni Vince" galit na sagot ni Jenny kay Nerly.

Dahil dun ay napatingin sina Mitch at Nerly. Alam kung nagtataka sila at maraming tanong ang namuo sa kanilang isipan. Gusto ko nang sabihin ang lahat sa kanila sandaling iyun para matapos na ang lahat pero may sumingit na iba.

"Anong ginawa mo sa gf ko?" Seryoso tanong ng isang boses na galing sa tabi ko. Pagtingin ko ay si Vince. Di ako makapaniwala kasi paano agad nandun?

Di agad nakaimik si Jen at kunway nagdrama. May paiyak iyak pa siyang nalalaman.

"Ito ang tatandaan niyong lahat, kung sino ang mananakit kay Joyce ang Gf ko ay malalagot sa akin. At kung guguluhin niyo siya ay malilintikan kayo sa akin" banta ni Vince. Alam kung ginawa niya yun kasi yun ang pangako niya sa akin na ipagtanggol niya sa akin.

Matapos niyang sabihin yun ay inakbayan niya ako at inialis sa lugar na yun. Alam kung lahat ng nakasaksi at nakarinig sa mga sinabi ng Vince na ito ay nagulat. Dahil ang pag-aakala nila ay dati akong alalay niya pero di nila alam na lahat ng ito ay pagpapanggap at alam kung may hangganan at sana dumating na nga yung panahon na yun para ganap na akong malaya.

Pero bakit may parte sa isip ko na isipin yung araw na yun? Hays...nababaliw ata ako sa dami kung iniisip.

######
Guys...yey! Malapit na po ang ending ng story na to...

Comment and vote na....

Anyway..thank you mga solid readers ko!

Perfect Haters Perfect LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon