''Joyce, its hard to believe but the truth is I LOVE YOU. Di ko alam kung kailan nagsimula pero nagising na lang ako na hinahanap hanap ka ng puso ko''
JOYCE POV
Para akong hinahabol ng aso sa bilis kong maglakad papunta sa White house. Kailangan ko kasing magmadali dahil baka di ko siya abutan dun.
Hingal na hingal akong tumapat sa pinto. This is it. Mangyayari ma talaga. Hays...kaba umalis ka muna.
Huminga muna ako ng malalim saka binuksan ang pinto pero laking gulat ako sa aking nasaksihan.
Nakita kong nagyayakapan sina Vince at Jen. Totoo pala ang lahat na sinabi ni Jake sa akin. Wala nang rason para kausapin pa siya. Hanggang napatingin si Vince sa akin. Kita ang pagkagulat sa mukha niya.
Unti-unti akong tumalikod at tumakbo paalis dun habang nagsisimulang maglandasan ang mga luha sa pisngi ko.
Palabas na ako sa
White house pero sa kamalasan namay bumuhos ang ulan. Di ko na inantala yun bagkus ay linusong ko na yun. Gusto kong lisanin ang lugar na yun. Wala na akong pakialam kung mabasa man ako at mga gamit ko. Ang mahalaga ay di na ako makita pa si Vince dun.Takbo lang ako ng takbo sa gitna ng soccer field. Mas madali akong makalabas sa compound kung dun ako dadaan. Wala ring tigil ang pagbuhos ng ulan. Medyo ramdam ko na ang pagod kaya hinina ko na ang pagtakbo.
Nasa gitna na ako ng soccer field ng may sumigaw sa pangalan ko. Base sa boses nito ay alam kung si Vince yun. Bakit pa niya ako sinundan at nagpakabasa ba rin siya sa ulan?
Well, wala na akong pakialam pa sa kanya basta makaalis na ako rito. Tatakbo sana ako pero bigla akong nadulas sa mga damuhan.
Tatayo na sana ako ng may umalalay sa akin. Pagtingin ko sa kanya ay nagtama ang aming mata. Agad akong umiwas at kumalas sa pagkakahawak nito sa aking braso.
''bakit ka ba biglang tumakbo kanina?'' bigla niyang tanong. Di ko alam kung ano ang isasagot ko dun.
''tama pala lahat ang nalaman ko sayo'' paiba kung sagot.
Nakita ko ang pagkalito sa mukha nito at katanungan na namuo rito.
''pero di ko na kailangan pa ang paliwanag mo kasi malinaw na sa akin ang lahat. Kitang kita ko pa'' dagdag ko pang sabi.
''ito ba ay tungkol kay jen?'' Tanong niya pero di ako sumagot. Tumingin lang ako sa malayo.
''yung nakita mo kanina na nagyayakapan kami is just a reconciliation'' wika niya.
Ayaw ko ng makinig sa mga sasabihin nito. Wala akong pakialam kung may relasyon ba sila. Ang gusto ko lang ay matapos na ang lahat. Tatalikod na sana ako pero hinawakan niya ang aking braso.
''please, pakinggan mo naman ako'' pagmamakaawa niya.
''para saan pa?'' Mapanghamon na tanong ko.
''di ko alam. Di ko nga alam kung bakit ko kailangan na magpaliwanag pa sayo pero ito ang idinidikta ng puso at isip ko'' sagot niya. Ako naman ang nalito.
''what do you mean?'' Tanong ko.
''nararamdaman ko kasi na pag hindi ko to ginawa ay mawawala ka na sa akin and it seems na parang ayaw kung mangyari yun'' sagot niya.
Natameme ako dun.
''Joyce, its hard to believe but the truth is I LOVE YOU. Di ko alam kung kailan nagsimula pero nagising na lang ako na hinahanap hanap ka ng puso ko'' sabi niya.
Di ko inaasahan na ganun na lang ang sasabihin nito sa akin. Wala akong mahagilap na sasabihin hanggang naisip knng itanong si Jen.
''pero si Jen?'' Tanong ko.
''Huwag mo nang alalahanin yun. Jen and I don't have any relationship. hinahabol niya lang ako kasi gusto niya ako pero di ko siya type. Yung nakita mo kanina ay friendly hug yun. pumunta siya dun para magpaalam kasi babalik na siya sa abroad'' sagot niya.
Napatango na lang ako.
''nasagot ko na ba lahat ang katanungan mo?'' Tanong niya.
Tumango na lang ako.
''now, ako naman ang magtatanong'' wika niya na nagpakaba sa akin.
''will you be girlfriend and my forever?'' He asked.
Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko kasi the man that I love is now asking me to be his forever.
''yes! I want to be your forever. Vince, I also felt the same way to you that I love you'' walang paligoy ligoy na sagot ko.
Ngumiti siya sa akin at saka yinakap. Kumalas siya sa akin at tumingin sa aking mata. Nagkatinginan kami hanggang unti unting lumapit ang mukha nito sa akin at inangkin ang aking labi. Napapikit tuloy ako. Oh my! kissing under the rain talaga.
Wow! Nangyari rin ang araw na to na mahalikan siya. Oh God! Thank you for giving me and meeting this man.
.....WAKAS....
BINABASA MO ANG
Perfect Haters Perfect Lovers
Teen FictionMeet Joyce, ang babaeng tinaguriang baduy dahil sa style niya sa pananamit at higit sa lahat, she is NBSB. And she is wishing na magkaka-bf na siya pero and her destiny begins when she bump a man in the canteen of their campus who is Vince Xavier. ...