"Sa ayaw at sa gusto mo samahan na lang muna kita dito"
Joyce POV
"Ah...uhm...ah" wag ka...boses ko yan pag gising ako. Inunat ko ang aking mga paa at kamay saka bumangon sa kama. Parang ang sakit ng buong sistema ko. Agad akong nagsalamin...ops...teka...bakit...paano pala ako nakarating sa kama? Ang huli kong natatandaan is that kasama ko yung monster boss ko kagabi na nanood pero nakatulog ako.
No...no...no...siya ba ang nagbuhat sa akin? Di naman siguro pero ako nakarating sa kama? O di kaya...no...dala lang nang morning fatigue sa pagtulog to...makapaghilamos na nga lang para mahimasmasan ako.
Dumiretso agad ako sa kusina..feel ko talaga magkakasakit ako...napagod kasi ako kahapon kaya nabinat ang katawan ko. Iino6 na lang ako ng gamot mamaya pagkatapos kong mag-agahan. A
Nagtimpla ako agad ng kape saka nagsain ng bigas at nagprito ng egg at hotdog. Total mag-isa na lang ako and take note di ko pa pala nakamusta si tita Beth since pumunta siya sa Canada...mamaya ko lang siya ka-chat...wala naman akong gagawin...After 12345...luto na ang pang-almusal ko. Kumain agad ako...ganito pala ang feeling ng mag-isang kumain...napakalonely kahit ang sarap ng pagkain ay nawawalan ka ng gana pero si Vince kaya...mag-isa din yun na kumakain? Hays...bat ko ba naiisip yung monster na yun....kumain na nga ako at makausap ko na rin si tita beth.
Matapos akong kumain ay agad ko itong hinugasan at dumiretso sa kwarto..argh...medyo masakit talaga ang ulo ko at para akong nahihilo kaya kumuha agad ako ng gamot sa drawer ng cabinet ko pero sa kamalasan ay wala akong stock na gamot para sa sakit ng ulo.
Wala akong choice kundi pumuntang bumili ng gamot sa malapit na convenient store. Ayaan nakabili na ako at palakad pabalik sa apartment na may sumigaw sa pangalan ko. Lumingon ako sa likuran ko ng makita ko si Jake na nakatayo at nakatingin sa akin.
Tumakbo agad siya palapit sa akin."Sabi ko na ba at ikaw talaga yan" sabi niya ng malapitan niya ako.
"Bakit anong ginagawa mo dito?" Tanong ko naman.
"Napadaan lang ako kasi may pinuntahan akong kaklase diyan para ibalik yung hiniram komg notes niya" sagot niya.
"Ganun ba? Sige mauna na akoo" paalam ko kasi ramdam kong parang nahihilo ako.
"Teka okay ka lang?" Bigla niyang tanong. Napatango na lang ako.
"Para naman hindi..alam mo ang putla mo para kang may sakit" dagdag niyang sabi. Gusto ko man magsinungaling pero biglang nahulog sa palad ko ang gamot ko na binili ko kanina. Sabay pa kaming napatingin ni Jake dun.
"Sabi ko na ba" sabi niya.
"Halika ka na at ihahatid na kita sa apartment mo" alok niya.
"Ha? Wag na...kaya ko pa naman" tanggi ko. Totoo naman yun.
"Talaga? Sure ka?"
"Oo" sagot ko at akmang lalakad na ako pero bigla akong nahilo at mapahandusay pero agad akomg nasalo ni Jake.
"Ikaw talaga nagkukunwari ka lang. Sige na at alalayan na kita" sabi ni Jake saka niya ako inanalayan. Wala naman akomg magawa kaya sinunod ko na lang siya total kilala ko naman siya.
"Asan ba ang tirahan niyo?" Tanong niya.
"Diyan lang kumaliwa ka at yung kulay dilaw na building yun naa" sagot ko.
Matapos ang ilang minuto, nakarating na rin kami.
"Salamat" maikli kong pahayag.
"Walang anuman. O ano kaya mo na ba?" Tanong niya.
"Oo naman" sagot ko pero nung buksan ko ang pinto ay nanginginig ang mga kamay ko. Parang nahihilo pa rin ako. Oh God ano ba to? Mamatay na ba ako?
"Ops! Parang di mo talaga kaya" sabi ni Jake. Saka niya sinapo ang ulo ko.
"Ang init mo" dagdag niyang sabi.
"Sa ayaw at sa gusto mo samahan na lang muna kita dito" alok niya.
Aangal sana ako pero di ko na kaya pang kumilos at magsalita dahil biglang nagdilim ang paningin ko.
VINCE POV
Kanina ko pa siya tinatawagan pero di niya sinasagot ang phone niya. Ano na naman kaya ang nangyari sa baliw na babaeng yun?
Kagabi parang tulog na mantika. Di pa niya namalayan yung pagbuhat ko sa kanya para ilagay sa kama niya...hays...wag ko na nga isipin yun...Ayan bihis na ako...puntahan ko na lang siya...susurpresahin ko na lamang siya.
Sakay ng aking kotse ay tinahak ko ang daan papunta sa apartment ng baliw na babaeng yun.
In 54321 nakarating na rin ako. Bumaba agad ako....tok...tok...tok...wag ka sound effects ng pagkatok yan...
Bumukas ang pinto...and oh!:O reaksiyon namin dalawa.
Katahimikan ng ilang minuto."Anong ginagawa mo dito?" Seryoso kong tanong. Ngumisi lamang siya.
Medyo naiinis ako sa response niya kaya medyo kinuyom ko ang aking kamao."Relax lang...sinamahan ko lang siya" kalmado niyang sagot pero ramdam kong may inis sa tono niya.
"Asan siya?" Pag-iba ko.
"Natutulog siya...napagod kasii" sagot niya at saka ngumiti.
I grin my teeth with pist form in my hands. Naiinis ako sa mga sinasagot niya kaya bago ko masuntok ang mukha niya ay umalis na ako.
Sumakay ako sa aking kotse at pinaharurot ito ng mabilis. Gusto kong maghanap ng lugar kong saan ko ibubunton ang galit ko.Bakit nandito siya? Ano ang gusto niyang gawin? Maghihiganti ba siya? Wag niya lang gagawin yun dahil sisiguraduhin kong pagsisihan niya ang gagawin niya.
JAKE POV
Hello guys....ito ang unang POV ko dito...
Masaya ako total nakasama ko si Joyce...oo inaamin ko...nung una ko siyang makita ay agad akong nabighani sa kanya kaya agad ko siyang kinilala.Ngayon na kailangan niya ng makasama dahil may sakit ay andito ako...kung tinatanmg niyo kong kilala ko si Vince Xavier...ang sagot ko yan ay oo...kilalang kilala ko siya.
Di nga ako makapaniwala nung malaman kong ginawa niyang P.A si Joyce at di ko rin maintindihan kong bakit ginusto naman ni Joyce dahik nung tinanong ko siya ay di naman niya sinagot.
Kaya kanina...nagulat ako nung pagbuksan ko siya ng pinto dito sa apartment ni Joyce. Sinadya ko siyang inisin at napansin komg nagpupuyos siya ng galit.
Hudyat pa lamang yan ang gagawin ko sayo Vince. Mas masakit pa rin ang ginawa mo sa akin? At muling ng bumalik sa isip ko ang nakaraan...."O pards...ang saya mo ah" bungad ni Vince sa akin pagkaupo ka sa lilim ng puno kung saan kami nagpapalipas ng oras.
"Alam mo kasi sinagot na ako ni Jen" sagot ko.
"Wow! Congrats" masaya niyang bigkas.
Oo si Jen ang first love ko at matalik kong kaibigan si Vince. We are Fourt year high school at that time.
Makalipas ang dalawang buwan ay may napansin akong kakaiba kay Jen at Vince. Lagi silang magkasama at minsan nadatnan ko silang nag-uusap na dalawa sa isang cottage nung nag-birthday party ako...lalapitan ko sana silang dalawa pero narinig ko ang pinag-uusapan nila...di ko nakontrol ang sarili ko at agad ko silang sinugod...
"Hayop ka pare...alam mong gf ko siya" galit kong sabi saka ko siya sinuntok.
"Jake huminahon ka" sigaw ni Jen at pumagitna siya.
"Huminahon? Paano? Kaya pala lagi kayong magkasama dahil...ahh" galit at pasigaw kong pahayag.
"Jake I'm sorry...pero mas mahal ko ang best friend mo" paiyak naman na pahayag ni Jen.
"Pards...let me explain" singit ni Vince.
"Shut up" sigaw ko.
"Umalis na kayo bago pa ako makagawa ng masama sa inyo" dagdag kong sabi.
Simula nung gabing yun ay di na kami nag-usap ni Vince at nagkita pati na rin si Jen. Galit ang naramdaman ko sa kanya...__________________________
__________________________
Ayan guys updated na...
Thanks for reading...
Vote and comment....
BINABASA MO ANG
Perfect Haters Perfect Lovers
Teen FictionMeet Joyce, ang babaeng tinaguriang baduy dahil sa style niya sa pananamit at higit sa lahat, she is NBSB. And she is wishing na magkaka-bf na siya pero and her destiny begins when she bump a man in the canteen of their campus who is Vince Xavier. ...