"Sorry? For what? Ano pang magagawa ng sorry mo hah? If the damage is done"
Joyce POV
Nasa classroom ako ngayon. Buti na lang at walang nang-away o nang-intriga na naman sa akin. Di kasi ako sanay na ganito ang nangyayari sa buhay ko ngayon. Bwisit talaga yung Vince na yan, parang sakit na dumapo sa buhay ko. Buhay nga naman oh.
Ilang minuto ang lumipas ay dumating na din sina Nerly at Mitch. Gulat sila nung makita nila ako sa room. Ano ba ako, multo?
"Hay naku, kanina pa kami naghihintay sa canteen pero andito ka na pala" pagmamaktol na sabi ni Nerly habang umupo sila tabi ko.
"Bakit di ka man la nagtext ha best? " tanong ni Mitch.
"At bakit ganyan ang mukha mo parang biernes santo? Total biyernes naman ngayon" sambit ni Nerly.
"Teka, isa-isahin niyo ang magtanong. Iisa ang kalaban niyo" sagot ko.
"O sige magkwento ka na tungkol sa nangyari sa White house" Nerly said.
"O heto na. Kanina nung lumalakad ako papunta dun ay may umaway sa akin na limang nursing students" pauna Ko.
"Ganun ba? sino sila? At reresbakin natin" sabi naman ni Mitch.
"As if naman girl na kaya natin yun eh lima nga sila" sagot naman ni Nerly.
"Oo nga no. Ano naman ang ginawa nila sayo at bakit ka nila inaway?" Mitch asked.
"Alam niyo na siguro yung nangyari kaninang umaga na isinakay ako ng Vince na yun at dahil dun itinulak nila ako at pinagbabatohan ng papel" sagot ko.
"WHAT? " sabay na sigaw ng dalawa. Napalingon pa ang ilang classmate ko sa amin.
"OA naman kayong magreact" suway ko sa kanila.
"Pero girl, di pwede dapat ay mapaparusahan sila. Di mo naman kasalanan kong kasama mo ang Mr. Hearttrob di ba? " giit ni Nerly.
"Tama. Kailangan maparusahan talaga" second the motion naman ni Mitch.
"Huwag na kayong mag-aalala kasi kanina nakita ni Vince yung ginawa nila kaya siya na ang nagbigay ng parusa nila"
"So you mean, pinagtanggol ka ni Mr. hearttrob? " sabi ni Nerly.
"Wow best! nakakainggit ka talaga" Mitch said.
Pagtatanggol ba yun o ginawa niya yun dahil timing lang. Hays...wag ko na nga bigyan ng kahulugan yun.
"Hoy best...umamin ka nga" biglang tanong ni Mitch.
"Ang alin? " taka kong tanong.
"Meron ba kaming di alam" sagot ni Nerly at saka makahulugan na tumingin sila sa akin. Ano naman ang ibig sabihin ng mga ito.
"Linawin niyo nga" inis kong sabi.
"Okey best, kahapon di ba sinabi mong gusto mong magka-bf? " Mitch.
"Oo. So ano naman ang kinalaman niyon? " maang kong tanong.
"To cut it out, kayo na ba ni Vince? Ang dali mo naman nakahanap fren ang gwapo ha" kinikilig na sagot ni Mitch.
"Ha? Excuse me? Di no" deretso kong sagot.
"Magdeny ka pa sis. Eh kita na nga di ba? O kaninang umaga magkasakay kayo sa kotse niya at sabi mo ipinagtanggol ka niya " katwiran ni Nerly.
"Korektus...brutos...lutos...bugos" sang-ayon ni Mitch sabay nakipag-apir pa kay Nerly. Hays..inis ako sa dalawang to.. kung ano-ano naman ang iniisip.. sige ipapaliwanag ko nga sa kanila para magtigil sila.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters Perfect Lovers
Novela JuvenilMeet Joyce, ang babaeng tinaguriang baduy dahil sa style niya sa pananamit at higit sa lahat, she is NBSB. And she is wishing na magkaka-bf na siya pero and her destiny begins when she bump a man in the canteen of their campus who is Vince Xavier. ...