"Just get back. Ayos na ang gamit ko. And one thing more...huwag mo nga muna akong kausapin"
Joyce POV
Maaga pa sa alas singko ay nagising na ako. Well ginawa ko muna ang daily routines ko sa umaga. Naghilamos sa mukha kong kabayo. Joke lang. Sariling mukha, nilalait. Infairness may kagandahan din ako pero slight lang...jajaja saka nagsuklay sa malaalimbreng buhok. Joke din. Hays...ano ba yan...huwag ko na nga pagdiskatahan ang sarili ko. Makapag-ayos na nga at baka mamaya mega tawag na naman ang malahalimaw na boss ko. Alam niyo naman kung paano magalit yun.
Matapos ang ilang minuto ay naayos ko na ang gamit ko. Syempre fully pack na ako. Nakaligo at nakapag-ayos na din sa sarili. Teka? Bakit parang di ako tinawagan ng boss ko? Buti nga pero sabi niya maaga kaming luluwas ngayon. Puntahan ko na nga lang ang kwarto niya.
Kaya hayan andito na ako sa harap ng room niya. Hays....nakakanerbyos naman. Pero teka bakit naman ako nenerbyosin at matagal na rin na pinaglilinkuran ko tong lalake na to. Kaya in 1 2 3...
...tok...tok...tok...
Bumukas ang pinto at lumuwal ang napakagwapong nilalang di pala isang umaapoy at matatalim ang mata ng isang halimaw...di....joke lang...
Walang emosyon ang maipinta sa mukha ni Vince at nakasimangot ito. Tinignan niya ako ng what-the-look mode.
"Ah eh...aayusin ko lang ang gamit mo" nag-aalinlangan na wika ko. O di ba? Sabi ko nanenerbyos talaga kasi ako. Kahapon kasi ang seryoso niya.
"Bakit tinawag ba kita?" Seryosong tanong niya.
What did he say? Wow! Parang nasampal ako sa sinabi. Oo may punto siya pero this is not moral. May ganun na te?
"But I'm your P.A so its my duty to pack your things and it is my responsibility na pumunta na dito kahit di mo ipatawag dahil alam kung ipapaayos mo lang gamit mo" o di ba? Confident na sagot ko.
"Just get back. Ayos na ang gamit ko. And one thing more...huwag mo nga muna akong kausapin" seryosong sabi niya saka isinara ang pinto.
Wow lang ha! Imagine ayaw niya akong makausap then fine. Sayang din lang ang laway ko kung makipag-usap ako sa kanya. Bastos akala mo kung sino? Pero wait bakit parang ang kirot ng damdamin ko ng sabihin niyang huwag ko syang kausapin.
Makalipas ang isang oras, andito na kami sa harap ng hotel at sinasakay na lang namin ang mga gamit namin. Pansin ko talaga na di ako kinakausap si Vince at di niya ako pinapansin. As if naman na talagang pansinin niya ako. Hays...nakakainis....
Nauna na akong pumasok sa loob total sa likod na banda naman kami saka sumakay si Red. Maya-maya ay pinaandar na ni Greg ang sasakyan saka nagpatugtug.
"My joy, dagat ka ba?" Biglang tanong ni Red. Ano na naman ang pakulo ng lalakeng ito.
"Bakit?"
"Kasi ang lalim ng iniisip mo"
Naks....ang corny naman ng pick up lines nito. Di na lang ako umimik.
"My joy, bakit ang tahimik mo? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Red. Tinignan ko siya ng pabayaan-mo-ako look. Pero di pa rin tumigil. Kulit talaga ng mokong na ito.
"Oy, may ginawa ba kaming mali? Parang binagsakan ka ng langit sa mukha mo?" Makulit na tanong ni Red pero di ko pa rin siya pinatulan.
"My joy? Magsalita ka na naman oh"
BINABASA MO ANG
Perfect Haters Perfect Lovers
Fiksi RemajaMeet Joyce, ang babaeng tinaguriang baduy dahil sa style niya sa pananamit at higit sa lahat, she is NBSB. And she is wishing na magkaka-bf na siya pero and her destiny begins when she bump a man in the canteen of their campus who is Vince Xavier. ...