Kabanata 16: Jake and I

264 5 0
                                    

"Kasi....gusto kita"

JOYCE POV

Ayan matapos kaming mamasyal sa mall pumunta kami agad dito sa isang fastfood. Nag-order agad si James ng kakainin namin. Maya-maya lang ay dumating din ang mga order namin.

"Alam mo di pa tayo masyadong magkakilala pero ang bait mo na sa akin" bigkas ko.

"Bakit masama ba?" Tanong naman niya.

"Hindi naman kaso sa kabaitan mong yan baka may ibang katumbas yan" biro kong sagot.

"Oo..gusto mong malaman?" Tanong pa rin niya.

"Ha? Talaga? Ano yun?" Sunod-sunod ko namang tanomg.

Tumahimik bigla siya at huminga muna siya ng malalim.

"Kasi....gusto kita" walang paligoy-ligoy na sabi niya.

Ako naman ang napatulala sa mga sinabi niya. Parang huminto ang pag-ikot ng mundo. Maya-maya bigla niyang inilalapit ang mukha niya sa akin. Oh no! Hahalikan ba niya ako. OMG! Nakakahiya...nasa public place pa nga kami. Ayan na malapit na siya.

Agad kong ipinikit ang mga mata ko pero napamulat din agad ako dahil bigla siyang napatawa. Ano naman ang nakakatawa? Agad akong nakaramdam ng hiya nung bigla niyang pinunasan ang gilid ng aking bibig ng tissue.

Napayuko na lang ako. Akala ko na kung hahalikan niya ako yun pala ay pupunasan niya yung sauce ng spagetti na nasa gilid ng bibig ko. Agad akong napailing.

"May problema ba?" Biglang tanong ni James sa akin.

Napatingin ako sa kanya at napailing din.
"Yung sinabi ko kanina na gusto kita..totoo yun" dagdag niyang sabi. Magsasalita sana ako pero pinutol niya ang mga sasabihin ko.

"Huwag kang mag-alala di mo naman agad sagutin ang sinabi ko ang gusto ko lang ay malaman mo kung ano ang nararamdaman ko para sayo" sabi niya.

Napayuko na lang ako. Wala akong masabi dahil di ko pa rin ma-absorb ang mga sinasabi niya. Nagyaya na lang ako na bumalik sa school baka kasi hinahanap na ako ni Vince.

Sumakay kami sa kotse ni James pabalik sa school. Walang imikan. Iniisip ko pa ang mga sinabi niya kanina. Oo..wala ka ng hahanapin pa kay James. Gwapo, mabait, mayaman at napaka-gentleman pero wala akong pagtingin sa kanya kung baga mutual friends lang ang dating niya sa akin.

Di ko namalayan na nakarating na pala kami sa school.

"Salamat" tipid kong sabi.

"Sana di magbabago ang pakikitungo mo sa akin dahil sa mga sinabi ko" sabi naman niya.

"Ano ka ba naman..di yun magbabago at saka pasalamat nga ako dahil nagtapat ka kung ano ang nararamdaman mo" sabi ko saka ngumiti sa kanya.

Bigla naman niya akong yinakap na ikinagulat ko.

"Sorry!" Maikli niyang paumanhin dahil sa ginawa niya. Ngumiti na lang ako at binuksan ang door saka lumabas sa kotse niya.

Naglalakad na ako papunta sa room namin pero iniisip ko yung nangyari sa kotse ni James. Nabigla ako sa pagyakap niya kanina pero parang normal lang yung feeling ko kanina. Wala akong ibang nararamdaman para sa kanya. Di tulad nung yinakap ko si...yung monster boss...hays...bat naiisip ko pa yun.
Pilit kong kinakapa sa puso ko kung may nararamdaman ako para kay James pero tulad din ang nararamdaman ko para kay Red. Mutual friends ang pagtingin ko para sa kanya.

"Uy saan ka galing?" Bungad ni Mitch nung makapasok ako sa room namin.

"Sa mall" tipid kung sagot saka umupo.

"Mall ba talaga?" Tanong pa niya.

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala" sagot ko.

"Ikaw ah...di ka man lang nagsama" singit naman ni Nerly.

"Pasensya na pero sinamahan ko lang siya para mamili" paliwanag ko.
Yun naman ang totoo. Sinamahan ko lang si James para mamili ng gagamitin niya sa humanities subject niya.

"Maniwala ka? Sabihin mo may kasama ka lang gwapo...nakalimot ka na" sabi naman ni Mitch. Medyo naiinis ako sa mga sinabi ni Mitch.

"Alam niyo di ko kayo pinipilit na paniwalaan ang mga sinasabi ko" inis kong sabi.

"Tignan mo pikon agad" patawa pang sabi ni Mitch. Inaasar ba niya ako? Buti pa si Nerly di masyadonng nagsasalita pero kung magsalita sagad naman sa buto.

"By the way alam mo ba na may naghahanap sayo?" Sambit ni Nerly.
Nagtaka ako sa sinabi niya. Sino naman ang maghahanap sa akin?

"Sino?" I asked.

"Si Vince" deretsang sagot niya.

"Hah? Bakit daw?" Maang kong tanong. Alam kong galit na yun sa akin dahil di ako nagpapaalam sa kanya. Oh no! Nakalimutan kung i-check ang phone ko.
Agad kong kinuha ang phone ko sa bag at tinignan and oh my! 50 miss calls and text na puro galing sa kanya. Di ko alam kung rereplayan ko pa ba siya.

"Well yan ang di namin masasagot" sabi ni Nerly. I just nod my head as a sign of response. Di na ako nagsalita at sinimulan nang pindutin ang keypad ng phone ko att itinext si Vince. Bahala na. Alam komg magmonster look na yun.

Makalipas ang ilang minuto...di pa rin nagtetext. Ano yun...gumaganti siya. Pero alam ko na kung nasaan siya kaya agad akong tumayo para umalis pero bigla akong hinarangan si Mia.

"Alam mo...don't say your lucky dahil hinahanap ka ni Vince" pahayag niya na may halong inis sa boses niya.

I just rolled my eyes at di ko siya pinansin. Linagpasan ko na lang siya pero bigla niyang hinila ang buhok ko kaya napa-aray ako.

Bigla akong napaharap sa kanya and I push her na dahilan para mapahandusay sa sahig. Nagtawanan ang mga kaklase ko at tumingin naman siya ng matalim sa akin.

"Don't try me" sabi ko. Kita kong nagulat sina Mitch at Nerly sa mga sinabi ko kay Mia.

"Sumosobra ka na at kung ganyan ka sa akin na makitungo...lalabanan kita. Di ako natatakot sayo" dagdag kong sabi saka umalis sa room namin.

Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung inaagrabyado nila ako. Oo, di lang ako nagsasalita at pinapatulan ang mga sinasabi nila sa akin pero napupuno rin ako.

VINCE POV

"ASAN KA?" Yan ang reply ng magaling kong P.A...buti naman kung naalala pa niyang magtext sa akin. Di ko alam kung magagalit o maiinis ako sa kanya kaya di ko na siya nireplyan. Bahala siyang maghanap sa akin.

"Pare, bakit parang naiinis ka diyan?" Brent asked.

"Wala" maikli kong sagot.

"Ganun? Eh parang naiinis ka nga. Kanina pa kasi nakatingin sa malayo" dagdag niyang pahayag. Kasalukuyan pa la kaming nagprapraktis ng banda namin.
Inirapan ko na lang siya kaya ayun tumahimik na. Maya-maya biglang bumukas ang pinto at inilulwal doon ang isang diyosa...joke...kundi yung matagal ko ng hinahanap at hinihintay na tao.

<<<>>>
A/N

Update done...

Do comment and vote...

Please share naman this story to your friends...

If you want to follow me just visit my profile.

Instagram: denze47
Twitter: SimplyDenze

Perfect Haters Perfect LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon