Kabanata 6: Preparation to Baguio

568 8 0
                                    

"Alam mo, hindi ka lang filingero, bastos ka pa"

Joyce POV

...kru..kru...kru...wag ka tunog ng alarm clock yan...

"Uhmp" iminulat ko ang aking mata. Alas sais na nang umaga. Inat-inat. Nag-alarm pa ako para di ako malate na pumunta sa bahay ng Vince na yun. Kapag weekend kasi ay talagang tulog mantika ako kasi nga rest day pero ngayon...hayss...may istorbo na.

Bumangon ako at nagderetso sa banyo sa pagitan mng kwarto namin ni Tita Beth. Magmugmug, naghilamost at saka inayos ko ang aking buhok na parang walis na gulong-gulo ang postura. Joke lang.  Hayan tapos na bumalik muna ako sa kwarto. Inayos ang higaan ko.

Bumaba na ako. Nagfried rice na lang ako total marami pa ang kanin na natira kagabi. Nagprito ng itlog at hotdog at saka nagtimpla ng kape. Hayan tapos. Mauuna na akong kumain.. alam tulog pa si Tita. Mamaya ko na lang gisingin. Alam kong pagod din siya.

Matapos kung kumain ay inayos ko na sa lamesa ang pagkain. Hinugasan ang aking pinagkainan at nagderetso sa kwarto saka naligo sa banyo.

After 12345 years...natapos din akong nagkulong sa banyo syempre naligo. Palit agad ng damit pero teka, ano kaya ang isusuot ko? Hays...bakit parang conscious na ako sa panamamit ko ngayon?  Epekto ito ng mga pinagsasabi ng guro namin si Ms. Palma. Bahala na nga.

Sinuot ko ang medyo makapal ang tela na long sleeve. Take note baguio kaya ang pupuntahan namin. Malamig dun. At pinarisan ng pants pero yung medyo malawlaw. Ganyan talaga ako manamit.

Nagsalamin at inayos ko ang aking mukha. Pero napatigil ako ng makita ko ang mukha sa salamin. Ganito ba talaga ang mukha ko? plain? Kaya walang nagkakagusto sa akin? Ano ba tong iniisip ko...erase...erase...kinuha ko na lang ang powder at naglagay sa mukha. Okey na yan. Nagsuklay sa marapunzel na buhok...as if naman...c-cut nga ang style kaya...ano kaya kung iparebond ko...joke lang...epekto talaga ito ni Ms. Palma.

Huwag ko na nga pansinin at isipin ang mga yan. Wala naman magkakagusto sa akin at bawal pa daw sabi ni tita. And I believe that if you are natural is beautiful. Yan ang tagline ko sa aking sarili.

Ready na ako. But wait, I need to check my cargo. Kagabi pa ako nag-impake. Bale kinuha ko na lahat ang laman ng cabinet ko...kung maari sana buhatin ko na lang ang buong lamang ng kwarto...hehe.. joke langg...ano ako magtatanan at saka as if naman na kaya ko yung buhatin. Isa lang naman na maleta ang kinuha ko yung small size.

Ito lang naman ang laman:

-bra and underwear. 10 pairs for extra na yung iba. Alam kong di pwedeng maglaba dun. Hahaha...

-damit. 10 pairs. Kung makulang ako ng gagamitin pwes bibili na lang ako ng ukay-ukay dun. Dinig kong marami ang nagbebenta dun.

-toilettries. Shampoo, colgate, bathsoap at iba pa. Allergic ko kaya ang gamit ng mga mayayaman. Joke lang. For emergency purposes naman at para di na ako bibili pa kung nandun kami baka mamaya maligaw pa ako.

-personal kits. As if naman na meron eh powder, lotion at deodorant lang amjg gamit ko.

-shoes. Of kurs, alangan naman na magsandal ako pag mamasyal kami tas malamig pa dun.

-pamaypay. Bakai pagpawisan ako. joke lang syempre jacket ang kinuha ko. Ayaw kong mamatay ng lamig dun.

At kung ano-ano pa. Ayan ready na ako at kompleto na ang dadalhin ko. Lumabas na ako sa aking kwarto at sakto naman na lumabas din si tita sa kwarto niya at nagkatinginan kami. Bale magkaharap ang kwarto namin at tanging banyo lang ang pagitan namin.

Perfect Haters Perfect LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon