Kabanata 25: Tapatan

210 7 0
                                    

"Ano ba naman yan Vince? Di ka pa nakuntento na gawin mo akong alakay at ngayon isinangkot mo ako sa kasinungalin mo"

JOYCE POV

Agad akong pumunta sa white house ng skul kasi nagtext ang minamahal niyong prince charming. Kailangan na daw niya ang magandang alalay nito..at ako yun...hahaha...pagbigyan niyo na ako minsanan lang.

Naglalakad na ako. Iniwan ko na ang mga makukulit kung kaibigan dun sa park. Kung di ako nakapagtimpi ay ay baka masapak ko sila. Imagine kung ano-ano ang pinagsasabi nila.

Pagkarating ko dun ay di agad ako pumasok kasi may narinig akong nag-uusap at parang nagtatalo. Di ko sana intensiyon na makinig pero may nagtutulak sa akin na gawin yun.

Itinapat ko ang tainga ko sa pinto.

"Vince, I came back because of you" sabi ng boses babae. Ah so ito ata ang gf ni Vince na tinutukoy ni Mia.

Hinintay kung magsalita si Vince pero wala eh kaya nagsalita ulit yung gf na ata.

"Vince, Tell me, may mahal ka na bang iba? dahil ako ay mahal pa rin kita" dagdag na sabi ng babae.

Naguluhan ako dun sa sinabi ng babae. Kung gf ito ni Vince bakit ganun na lang ang sinasabi nito. Di kaya nagkahiwalay sila at gustong balikan ni girl si Vince? Hays...bat ko ba sila pakialaman...diyan na nga yung taong yan.

Napag-isipan kung aalis na dun ng bumukas ang pinto at lumabas si Vince. Nagulat siya at ganun din ako pero di ako nagpahalata. Syempre baka mamaya pepektusan niya ako.

Maya-maya sumunod naman yung gurl na kausap nito at mas nagulat ako dun kasi yung gurl na yun ang nakabangga ko. Of course! Na-shock rin siya.

Biglang akong inakbayan si Vince at nagulat ako sa sinabi niya.

"Jen, ito pala ang gf ko" sabi ni Vince.

"Siya?" Sabay turo sa akin na di makapaniwala sa sinabi ni Vince. Pati nga ako ay di makapaniwala. Di ko alam ang pinagsasabi ng mokong na to.

"Yup at mahal ko siya kaya tantanan mo na ako" sagot naman ni Vince Kay Jen ata ang pangalan.

Nakita ko ang pagkalungkot sa mukha ni Jen saka iniwan niya kami dun. Nung wala na siya ay tinanggal na ni Vince ang pagkakaakbay sa akin.

"Hoy, anong bang pinagsasabi mo?" Nainis kong tanong sa kanya kahit alam kung walang katotohanan ang pinagsasabi nito.

"Wag kang mag-alala di totoo yun kaya wag kang assuming" sagot nito. Wow! Sinabi niya yun ah.

"Che! Anong assuming ka diyan? my God! Baka ikaw ang nag-aassume jan ang iniisip mo. Tinatanong ko lang kung bakit sinabi mo yun sa Gf mo" bulyaw ko.

"Di ko siya gf...nanghahabol yun" agad niyang sagot.

"Aba itanggi pa. Alam mo di ako naniniwala sayo" pambabara ko.

"Totoo ang sinasabi ko. Lagi niya akong hinahabol. Nung nag-aral ako sa Japan sinundan niya ako at nung bumalik ulit ako dito ay bumalik siya" seryoso niyang pahayag. Kaya kahit ayaw kung maniwala ay parang may parte sa puso na gustong maniwala sa kanya.

"Kung ganun bakit mo siya iniiwasan. Mas mabuti na lang na ipagtapat mo sa kanya na ang totoo na di mo siya mahal o di mo siya gusto" nasambit ko na lang.

"Yung na nga palagi kung sinasabi sa kanya na ayaw ko sa kanya pero ayaw niya pa rin akong tatantanan" paliwanag niya.

"kung ganun bakit di pa rin tumitigil sayo?" Tanong ko na.

"Hangga't daw wala siyang nakikita na may gf ako o ipakilala sa kanya ay di niya ako tatantanan" sagot niya.

"So yun sinabi mo sa kanya na ako ang gf mo ganun?" Nainis ko nang tanong.

Tumango lang siya. Kaya mas nainis pa ako.

"Ano ba naman yan Vince? Di ka pa nakuntento na gawin mo akong alakay at ngayon isinangkot mo ako sa kasinungalin mo" napasigaw na ako sa inis.

Yumuko naman siya saka nagsalita.

"Please Joyce nakikiusap ako. Sumakay ka na lang sa sinabi just pretend na gf kita para lubayan niya ako ni Jenny" pakiusap niya.

"Ano ako tanga na agad susundin yan utos mo? kahit naman ikaw ang boss may karapatan din akong tumanggi. Paano kung malalaman niya na kunwari lang ang lahat? Paano kung guluhin niya ako?" Sigaw ko.

"Huwag kang mag-alala kasi ipagtanggol naman kita" pakiusap pa rin niya.

"Basta ayoko" tanggi ko pa rin. Ayaw kung isangkot ang sarili ko sa isang gulo na magpapahamak lang sa akin. Kahit sabihin niya na ipagtanggol ako niya ako hays...as if naman...

Nagulat na lang ako sa ginawa niya. Ang boss ko na si Vince Xavier na anak ng may-ari ng eskwelahan namin ay lumuhod na sa harap ko at nakikiusap sa akin.

"Please Joyce, can you be my pretend gf?" Ay ano to? May propose propose pa siya ah.

"Tumayo ka nga diyan" sita ko. Baka kasi may makakakita pa sa amin at pag-uusapan pa kami sa campus.

"Hangga't di mo sinasabi ang yes di ako tatayo dito at kung iiwan mo ako dito di pa rin kita lulubayan" sabi naman nito.

Kahit ayaw ko ay sinabi ko pa rin ang yes. Oo! Nagkasundo na ako na magkunwaring gf niya para daw lubayan yung babaeng harot na rin yun. Sinisisi ko nga ang babaeng yun kasi dinagdagan pa niya ang problema ko.

"Thank you Joyce. Kung matatapos to wag kang mag-alala kasi gagantimpalaan kita at tatanawin kung utang na loob" tuwang tuwa na bigkas nito saka napayakap pa siya sa akin.

...lab...dub...lab...dub...wag ka pintig ng puso...oh no! Bakit ang bilis ng pintig ng puso ko eh napayakap lang naman siya? Siguro nabigla lang ako kaya ganito.

"Aba kailangan pang yumakap?" Nasabi ko kasi di ako mapakali eh.

"Bakit anong masama dun? From now on masasanay ka na kasi I'm your boyfriend and expect na gagawin ko yan" sagot niya na nagpatahimik sa akin.

As if naman? wag akong kiligin diyan sa mga sinabi yan? Alam kung kunwari lang ang lahat at may hangganan. Magtitiis na lang ako.

########
Guys yan muna ang update ngayon...

Abangan ang mga susunod na kabanata...

Comment and vote na rin...

Salamat guys!

Perfect Haters Perfect LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon