Ryke
"A-Are you okay?" Nahihiyang tanong ko kay Cristy. Pagkakita ko sa kanya kanina, nilapitan ko agad siya. "Yung pisngi mo.. ayos na ba?" Feeling ko.. ako ang dahilan ng pagkasugat ng pisngi niya.
"Ayos lang.." sagot niya na nakatingin lang sa harapan.
"Hoy, lalaki! Hindi mo ba ako pasasalamatan?" Napalingon ako sa likod ng marinig ko ang boses ni Jevie. "Baka naduwag ka kahapon kaya sinalba namin ang buhay mo?" Maangas niyang dating.
"Tsk. Ang ingay--tsaka anong 'mo'? Ako lang ba ang nandun ha? Tutulong nanga lang, nanunumbat pa! Sana hindi ka nalang tumulong, tss!" Singhal naman ni Albert sa kanya.
"Aba, aba! Tingnan mo tong lalaking to, walang utang na loob! Kung hindi kami dumating dun baka tigok ka na at pinaglalamayan ngayon!" Nakita ko namang nanigas si Albert sa kinatatayuan at napalunok pa.
"Geez!"
"Salamat nga pala kahapon, Des.." si Brian naman ang nagsalita.
Ngumiti naman si deseli. Di katulad to kay jevie na mabunganga. "Hmm. Wala yun. Maliit na bagay." Maliit na bagay daw?
"Shhrrrkkk! Mabuti pa si Deseli kesa sa iba JAN, ang lakas ng bunganga--parang manok na nagtitilaok eh tanghaling tapat!" Natawa naman ako sa reaksyon ni Jevie. Uh-oh! Wrong move Albert.
Halos umusok na ang ilong at tenga ni Jevie na namumula at nanlilisik ang mata niyang nakatingin ng pagkasama Kay Albert. "Ah, ganun ah!" Mabilis niyang tinakbo ang pagitan nila saka dinakma si Albert. Natawa na din silang Deseli at Brian.
"A-Arraayy! Aray, Jev! S-Sorry na---oucchhh! Joke lang yun!" Tumakbo si Albert at hinabol naman yun ni Jevie.
Hahaha! Nakakatuwa! Para silang mag-asawa na nag-aaway.
"Hoyyy! Itigil niyo na yan. Baka kayo magkatuluyan niyan, sige kayo!" Sigaw ni Brian sa kanila.
"No freaking way/Hell no!!" Sabay nilang sigaw.
"Kung siya lang din naman ang natitirang babae sa mundo, papatol nalang ako sa bakla kesa sa isang mabunganga no!" Animo'y nandidiring sabi ni Albert.
"Hah! Ako din naman. Papatol nalang din ako sa tomboy kesa sa duwag na walang muscle!" Sagot ni Jevie.
"A-anong? Woi, foul na yan ah! Tsk. Kahit ipakain ko pa sayo tong muscle ko eh." Ani Albert at pinakita niya pa ang muscle niyang maliit.
"Hahahhaha!" Tawa nilang lahat kaya padabog na umupo nalang si Albert.
Hinayaan ko nalang sila at tumingin ulit kay Cristy. Nagulat pa ako dahil nakatingin siya sakin.
"B-Bakit?" Kinakabahan kong tanong.
"Ano bang meron sa pamilya mo?" Parang napatigil siya at nagsalita ulit. "Yung kahapon, mga gangster yun kaya mag-iingat kayo." Parang hinaplos naman ang puso ko sa sinabi niya. "Anong ngingiti-ngiti mo jan?" Nakakunot noong tanong niya. Sh*t! Nakakahiya. Di ko man lang namalayan ang pagngiti ko.
"W-Wala!" Sabi ko agad.
"Yoow!" Sigaw sa kung saan kaya lumingon si Cristy dun.
Ba't andito yan?
Hindi ko alam pero naiinis ako agad pag nakita ang mukha nung lalaking nagligtas sa buhay ko kahapon. Tss. Nagkaroon tuloy ako ng utang na loob dito.
YOU ARE READING
You Belong To Me
Random[COMPLETED & UNDER REVISION] "You're mine! You only belong to me!" I said to her. "What?" She snapped after hearing those words. "When I say you're mine, you're mine! And my mission is to make you fall for me... deeper. So be ready. . ." I smirked. ...