Cristy
Nang marinig ko ang mga salitang yun, agad akong bumalik sa Jughouse.
"Madam, sino ang kumidnap sa kanila? Wala bang nahagip ang CCTV?" Tanong ko agad.
"Wala. Dahil sa medyo malayo na sila kinidnap. Nalaman namin yun dahil kay Jackson at narinig din namin ang sigaw nilang dalawa. Yun nga lang, nang makapunta kami dun, hindi na namin sila naabotan." Paliwanag ni madam.
"Sh*t!" Napaupo ako habang nag-iisip ng gagawin. Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko yun.
From: Lala
Kung gusto mong makitang buhay ang mga kaibigan mo, pumunta ka sa address na ibibigay koㅡ ng mag-isa. Alam kong ikaw ang kumuha ng kwintas kaya dalhin mo yun. Kung hindi mo susundin ang gusto ko, patay silang dalawa. Naiintindihan mo?Hawak nga nila sila dahil ang cellphone ni Lala ang ginamit nila.
Tumayo ako at hindi nagpalaam na lumabas. Tinungo ko muna ang apartment ko para kunin ang kwintas. Hindi mo ko mabibilog Vilardino. Dadalhin ko lang ang kwintas pero hindi ibig sabihin nun, ibibigay ko sayo ng ganun nalang.
Nagbihis narin ako bago umalis.
Nang matanggap ko ang address na tinext sakin ay agad ko yung pinuntahan.
Deseli
Habang pauwi kami, napapreno ako bigla ng may humarang saming Van.
"What the hell?" Sigaw ni Jevie. "Who the fvck is that?" Tsk. May problema nga to.
Lumabas kami at tinungo yung van. Kinatok ko pa yung bintana.
"Labas! Kung sino ka mang tarantado ka, lumabas ka jan!" Sigaw na naman ni Jevie. "Ahhhh!" Napalingon ako sa kanya ng sumigaw siya.
"Jeviee! Ahhh!" Ako naman ang napatili ng may humila sakin at ipinasok sa Van.
Naramdaman ko ring umusad yung Van. Pinagpalo-palo at sinisiko-siko ko yung taong humawak sakin at napatigil ng marinig ang pamilyar na boses.
"A-Awww! Ouch! Aray! Tama na, Des! S-Sorry! Sorry na!" Tiningnan ko ang lalaking napangiwi habang himas ang katawan niya.
"Brian?" Nanlaki ang mata ko. Gosh! Grabe ang kaba ko pero sila lang pala? Tinampal ko ang dibdib niya. "Punyeta! Ano bang trip to?"
"Naalala kasi ni Vin nung nabanggit ni Jevie sa kanya noon ang birthday ni Cristy at ngayon yun. Gusto sana namin kayong sorpresahin. Sorry! Nagulat ba namin kayo?" Ani Brian.
"Malamang!" Singhal ni Jevie. "Alangan namang inaasahan na namin? Sarkastik na turan niya.
"Pasensya na.."
Napabuntong-hininga ako. "Hindi kami ang may birthday, kaya sana kinuntsaba niyo nalang kami." Napakamot sila sa batok. "Naiwan tuloy namin ang sasakyan dun!"
"Hindi namin iniwan yun. Si Vin ang nagdrive nang sasakyan niyo. Ayun oh!" Turo niya kaya napalingon kami. Nakasunod nga samin ang sasakyan namin.
Si Albert naman, tahimik lang habang nagdadrive. Anong nangyayari sa dalawang yan? Ang tahimik ata!
Huminto naman ang sasakyan. Nakita pa naming papalapit si Vin sa gawi namin at sumilip-silip saka ako tiningnan.
"Teka nga lang, asan ba si Cristy?" Aniya.
Napangiwi ako. "Nauna na yun samin. Baka andun na yun sa apartment." Sagot ko. "Puntahan nalang natin dun." Sumang-ayon sila sa sinabi ko.
YOU ARE READING
You Belong To Me
Random[COMPLETED & UNDER REVISION] "You're mine! You only belong to me!" I said to her. "What?" She snapped after hearing those words. "When I say you're mine, you're mine! And my mission is to make you fall for me... deeper. So be ready. . ." I smirked. ...