Chapter 9

68 5 0
                                    

Cristy

"May aasikasuhin ako sa labas. May bibisitahin pa akong kaibigan." Narinig kong sabi ni Vilardino.

"Sige, mag-iingat ka Dino." Anang asawa niya. Hinalikan siya ni Vilardino sa pisngi saka umalis.

Humigpit ang hawak ko sa bug na dala ko. Ngayon na ang pagkakataon.

"Bumaba muna tayo. Kakain tayo ng agahan." Narinig kong sabi ni tita. "Si Vin, tulog pa at si Cristy kaya wag muna nating istorbohin. Baka napagod ang dalawang yun sa byahe kahapon."

Nung may pumasok kasi kanina dito para gisingin ako, nagtulog-tulogan ako kaya akala nila tulog pa ako.

Nang mawala na sila ay saka ako dahan-dahang lumabas at tinungo ang kwarto ni Vilardino.

Naghanap ako ng saktong pagkakabitan ng bug. Tss. Wala namang masyadong gamit dito. Saan ko ba ikakabit to?

Kasalukuyan akong naghahanap ng may nakita akong malaking lampshade.

Nilapitan ko yun at sinilip. Dito nalang. In-on ko yung bug bago ikinabit. Pagkatapos, dahan-dahan akong naglakad palabas.

Malakas akong napabuntong-hininga ng magtagumpay ako. Nasa tapat na ako ng room ko ngayon.

Tiningnan ko ang room ni Ryke at nilapitan yun. Kakatok sana ako ng bumukas yun.

Nanlaki ang mata niyang nakatingin sakin. "Ang tagal mong gumising. Bumaba na tayo, nagugutom na ako." Pagkukunwari ko at umakto pa akong hinihimas ang tyan ko.

Balak ko talagang sumabay sa kanya para walang kaduda-duda ang kilos ko.

Napakurap-kurap naman siya. "Ano bang nangyayari sayo? Ang sabi ko bumaba na tayo!"

Biglang tumunog ang tyan ko ng hindi ko inaasahan. Salamat naman at tumayming!


Nakita ko ang pagpipigil ng ngiti niya. Tss. Problema nito?


Lumabas na siya kaya nagpatiuna ako sa pagpasok sa elevator. Tumikhim naman siya.


Ryke

"Sana ginising mo nalang ako kung nagugutom ka naman pala. Pwede ka namang pumasok." Napatigil ako ng maalalang hindi pala siya nakapaghapunan kagabi. Bat ko ba nakalimutan yun?


"Malay ko ba kung anong ayos mo sa loob? Baka nakahubad kang natulog eh di nakita ko?" Deretso niyang sabi. Napanganga ako.


"A-Ano? Hindi naman ako ganyan, tsk!"


"Mas mabuti ng naninigurado." Ngumiti naman siya. Damn this girl! Ano bang ginawa ng babaeng to sakin, para magkaganito ako?


Nang tumunog na ang elevator at bumukas ay agad siyang lumabas.


"Di man lang ako hinintay!" Nakasimangot akong sumunod at pumunta sa isang maliit na cottage at pumasok.


"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong agad ni Lola. "Yung Lolo niyo, umalis muna saglit kaya mamaya pa yun makakabalik. Kumain na kayo."

"Opo." Napatingin ako kay Cristy na umupo na't kumain. Yan ba ang gustong sabayin ako?

"Ano bang problema mo?" Tanong niya sakin ng makaupo ako sa tabi niya. Kami nalang kasing dalawa ang nandito. Ewan ko kung asan pumunta si Lola at si mommy, bigla nalang silang nawala.


You Belong To MeWhere stories live. Discover now