Cristy
"Yes, that's true! Simula nung wedding anniversary nila Mama at Papa, ay hindi na namin mahagilap ang kwintas. Madami ang naging bisita namin nun kaya I'm sure, isa sa kanila ang kumuha nun. Please lang.. kung sino man ang kumuha ng kwintas ni Papa, pakisauli naman po, I'll pay you! Sobrang importante lang kasi ang kwentas na yun."
Narinig kong sabi nung Mama ni Ryke sa balita. Tss. Binalita kasi ang pagkawala ng kwintas nila. Parang kwintas lang, pinabalita agad? Nakita ko din ang mag-asawang matanda na nakaupo at problemadong-problemado, Lalo na ang Lolo ni Ryke dahil nakahawak pa talaga siya sa sentido at noo niya.
Napatingin ako sa bagay na hawak ko.
"Ano naman kaya ang meron sayo at ganun sila kabahala?" Tanong ko sa kwintas na hawak ko. Oo, ako ang kumuha ng kwintas nila.
Flashback
Bwisit! Wala naman palang importanteng tinatago dito eh.
Luminga-linga ako sa kabuuan ng kwarto. Eto nalang kasi ang hindi ko pa napasukan.
At kanina pa ako naghahanap. Mababaliw ako nito!
"Tama na yan! Mukhang may pinaglaanan sila ng lugar na mapaglalagyan. Lumabas na kayo." Sabi ni madam L.
Napabuntong-hininga akong tinungo ang pinto. Napatingin ako sa bandang kanan ko ng may mapansin akong teddy bear na maliit.
Kapansin-pansin talaga siya dahil ito lang ang nag-iisang teddy bear na andito.
Nilapitan ko ito at sinuri. Wala namang kakaiba.
Hinawakan ko ito at inangat. Nang mapansin ko ang isang butones ay walang ano-anoy pinindot ko yun. Muntik pa akong mapatalon sa gulat ng magsalita ang teddy bear.
"Hello!" Yan ang sabi ng teddy bear at biglang kumilos ang kamay.
Mas lalo akong nagulat sa nakita ko. May parang bulsa sa kili-kili niya kaya pagkaangat sa kamay ay nakita ko agad ang isang kwintas. Walang pag-alinlangang kinuha ko yun.
End of Flashback
Isa lang naman tong simpleng kwintas.
Sinusuri ko pa ang kwintas dahil sa pendant nitong parang susi, na parang symbol ng infinity--na parang ewan.
Mamaya ko nalang muna to ibibigay Kay madam L. Baka sakaling may malaman sila tungkol sa kwintas nato.
****
Naglalakad ako ngayon papuntang batibot dahil dun ako hinihintay ng dalawa.
Habang naglalakad ako ng may tumawag sakin. Nilingon ko naman yun.
"Ahm.. yung sa wedding anniversary.." aniya na may pag-aalinlangan. Tss. Wag niya sabihing pinagbibintangan niya ako? "...w-wala ka bang napansin na may pumasok na ibang tao?"
Akala ko naman, pagbibintangan niya ako.
Umiling ako. "Wala naman akong napansin."
"Ah.. sige, salamat!" Aalis na sana siya pero kinabig ko siya.
"Bakit? Anong meron sa kwintas na yun?" Di ko napigilang itanong.
YOU ARE READING
You Belong To Me
Acak[COMPLETED & UNDER REVISION] "You're mine! You only belong to me!" I said to her. "What?" She snapped after hearing those words. "When I say you're mine, you're mine! And my mission is to make you fall for me... deeper. So be ready. . ." I smirked. ...