Someone's POV
"Sir, Vilardino won't answer his phone but he messaged us. He said he wants to cut off the connections between you two. What do we have to do, sir?" Sabi ng kanang-kamay slash secretary ko.
Ginagalit mo talaga ako, Vilardino! Nakakuha ka lang ng malaking halaga'y iiwan mo nalang ako sa ere basta-basta! Pwes, hindi ako papayag. Pagkatapos ng ginawa ko para sayo, ito lang ang igagante mo? Pagkatapos mong lumapit sakin nung nagipit ka, ito lang ang gagawin mo? Hinding-hindi ko palalampasin ang lahat ng ito!
Ngumisi muna ako saka sinenyasan siya na lumapit. "Kill him or his grandson!" Bulong ko.
Third Person's PoV
"Ibigay mo kay Elfod ang 1/4 niyan at magpadala ka ng mensahe. Sabihin mo sa kanya na puputulin ko ang pagiging partner namin. I have to go!" Sabi ni Vilardino sa kanyang kanang kamay.
"Yes, sir."
Naglakad siya at pumasok sa kanyang kwarto. Pumasok siya sa kwarto niya para hindi matulog o magpahinga kundi ang aasikasuhin niya ang sekretong nandun.
Dumiretso siya sa kanyang walk-in closet saka may pinindot. Pagkatapos, bumukas ang hindi halatang pintoan na nandun saka siya pumasok.
Nang makapasok siya, kinuha niya sa bulsa ang kwintas na nakuha ng tauhan niya kay Cristy. "I told you, you can't drag me down!" Ngisi niyang turan.
Nasa kabilang kamay naman niya ang pulseras na kinuha niya kanina kay Vin. Pinagsama niya yun saka inilagay sa nakaukit na bato na may hugis in infinity.
Nakangisi parin siyang naghihintay sa pagbukas ng batong pintoan na nadun pero hindi yun nangyari. "What's happening? It's suppose to be open right now!" Gigil niyang usal at sinubukan ulit niyang ilagay ang infinity sa nakaukit pero wala paring nangyayari.
Kunot-noo niyang tiningnan ang kwintas. Sinusuri niya yun sa pagdududang baka may mali.
Hanggang sa may nakita siyang maliit na nakasulat na Jewelry Store Name sa pinakailalim nito. "Bullsh*t! Did she just fooled me? Oh fvck!" Sa sobrang galit niya sinipa pa niya ang pintoan. "Sinusubukan mo talaga ako, Cristy. Sige, maglaro tayo kung eto ang gusto mo!" Habol ang hininga niyang turan.
Cristy
"Cris, bili tayo ng milk tea sa Delicious Café. Nakakapagod kasing magturo sa mga trainees eh! Feeling ko, kailangan ko ng malamig na maiinom." Ani Jevie.
Oo, kami ang ini-assign ni madam na magtrain sa mga bagong trainees. At kasalukuyan kaming nagpapahinga.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Clark. Taka naman akong tumingin sa kanya. "Nakatulala ka eh."
"Pagod lang." Tumayo ako. Narinig kong bumuntong-hininga siya. "Tara, bili tayong milk tea." Sabi ko saka nagpatiuna. Sumunod naman sila.
"Ano kayang nangyayari kay Cristy? Nag-aalala na ako sa kanya. Hindi naman siya ganito. Naalala ko... nung una ko siyang nakitang nagkaganito ay nung namatay si Tito Cristoff." Rinig kong bulungan nila. Bulong na nga lang, rinig ko pa!
"Yeah, I'm worried too. Pero maybe, magiging okay lang siya. Wag lang natin siyang i-pressure at hayaan nalang natin siya. She's a strong woman after all." Rinig kong sabi ni Lala.
"Yeah..." boses naman ni Clark ang naririnig ko. Hinayaan ko nalang sila hanggang sa makarating sa café. "That's one of the reasons why I liked her."
YOU ARE READING
You Belong To Me
Random[COMPLETED & UNDER REVISION] "You're mine! You only belong to me!" I said to her. "What?" She snapped after hearing those words. "When I say you're mine, you're mine! And my mission is to make you fall for me... deeper. So be ready. . ." I smirked. ...