Chapter 2

106 4 0
                                    

Cristy

"Ahm.. hey I'm Vin!" Sabi ng isang lalaki sa harapan ko.

Bigla nalang niya akong nilapitan kanina.

"Pwede ba, hindi ako interesado sa ganyang mga ugali niyong mga lalaki!" Sabi ko nalang.

Tatalikod na sana ako ng hinawakan niya ang braso ko.

"Sorry.. m-may pabor kasi ako. Can you pretend na g-girlfriend ko? Isang araw lang naman!"

"At ako ang napili mong istorbohin?" Inis kong sambit.

"Ahm.. o-oo?" Patanong niyang sagot. Sinamaan ko siya ng tingin. "Sa Friday. Pramis, isang araw lang. Gusto na kasi makilala ng pamilya ko ang girlfriend ko, pero wala ako nun--"

"Eh di sabihin mong wala! Problema mo na yun! Nang-iistorbo pa eh!" Bwisit! Kailangan ko pang mahanap ang Vinn Ryke na yun.

Sinabihan kasi ako ni madam L na hangga't maaari, makita ko siya ng maaga para di ako mabigla.


"Busy akong tao, kaya maghanap ka ng iba!" Sabi ko at umalis na.

"Oh my god, is that Vinn Ryke?" Narinig kong bulong ng nakasalubong ko.

Naging alerto naman ang kilos ko at tumingin sa tiningnan nila.

Nagtaka naman ako dahil yung nangulit lang sakin ang nakita ko.

'Wait--d-dont tell me...'


Pilit Kong inalala ang mukha ng Vinn Ryke sa picture na binigay ni madam L.


Naglakad na siya papalayo kaya hinabol ko at kinalabit.

'Siya nga! P*ste! Ang bobo ko at hindi ko man lang siya namukhaan!'

"A-Anong pangalan mo?" Nagulat siya sa tanong ko.

"I told you it's vin--"

"Buong pangalan mo? At anong meron sa biyernes na sinasabi mo kanina?" Kumabog ang dibdib ko habang tinatanong ko yun.


"I am Vinn Ryke Alarde. Sa Friday.. it's 35th wedding anniversary of my grandparents. So, papayag ka na?"

Siya nga! Walang pag-alinlangang tumango ako. Nakita ko namang nagliwanag ang mukha niya.


"R-Really? Hooo! Thanks, Cris!"

Nginitian ko lang siya pero 'plastik' yun.

"How did you know my name?" Nagtataka kong tanong.

"Just heard it!" Sabi niya lang.

Tsk. Di na importante kung sa'n niya narinig.

"See you, then!"
Tumalikod na ako at ngumisi.


'Hmmm. Mukhang hindi na ako mahihirapang makapasok sa wedding anniversary na yan! Kakampi ko talaga si Tadhana, hahaha!'


****

"Nakita ko na siya.. si Vinn Ryke Alarde." Sabi ko sa dalawa at halatang nagulat sila. "And I'm going to their house ngayong biyernes, cause it's 35th wedding anniversary of his grandparents." Natawa ako ng halos lumuwa ang kanilang mata.

"S-Seryoso? Paano? Bakit?" Tanong ni jevie.


Nagkibit-balikat lang ako. "Hindi na importante yun, ang mahalaga.. makapasok na ako sa bahay nila at igugol ang araw na yun sa paghahanap ng mga tinago nila!"


You Belong To MeWhere stories live. Discover now