Ryke
Ahh! Ang sakit ng likod ko!
Napamulat ako ng maramdamang parang may nakayakap saking mahigpit. N-Nasan ako?..
Biglang nagflashback sakin ang nangyari kanina.
Flashback
"Bro, sorry kahapon ah!" Biglang hinging tawad sakin ni Brian.
Napabuntong-hininga akong sumagot. "Pasensya na din.. nasigawan pa kita."
"Yun! Bati na sila, yiiee!" Natawa nalang kami kay Albert.
Nandito kami ngayon sa Night Bar at pauwi na kami dahil hindi kami pwedeng magpagabi sabi ni mommy.
"Vin.." nagulat ako ng makita si Jena.
"Jena, anong ginagawa mo dito?" Nagulat talaga ako dahil bar to, at andito pa siya.
"N-Nakita niyo ba si Glenn?" Parang pagod na aniya.
Nilapitan ko siya. "Hindi. T-Teka.. ayos ka lang ba? Bakit ka andito?"
"Hinahanap ko kasi si Glenn." Aniya. "P-Palagi na kasi siyang pumupunta dito."
"Ano namang gagawin niya dito? Brian, Albert, nakita niyo ba si Glenn?" Tanong ko sa dalawa pero umiling lang sila.
Lumilingon-lingon pa kami, nagbabakasakaling makita namin.
"Ayun naman pala eh.." turo ni Albert sa bandang kanan. "..may kahalikang iba.."
Napatingin kami sa direksyong yun. "What the fvck?" Naiusal ko dahil sa ginawang paghalik ni Glenn sa ibang babae. "Jena, niloloko ka niya?" Napahagulgol si Jena habang nakatingin kina Glenn. "Jena, bat ka ba nagtitiis sa lalaking yun? Iwan mo na siya! Hindi ka nababagay sa gagong katulad niya!" Sigaw ko.
Umiling-iling siya. "H-Hindi ko kaya.. mahal ko siya, Vin." Aniya.
"Ano, magbubulagbulagan ka nalang dahil mahal mo siya?" Sigaw ko.
"Tsk. Bat ka pa lumalapit dito?" Biglang singhal ng nasa tabi ko kaya napalingon ako.
Kumulo ang dugo ko nang makita si Glenn.
"Tara na! Naglalandi ka pa!" Aniya at hinila ng marahas si Jena.
"Gago! Sa inyong dalawa, ikaw ang may kalandi!" Di ko napigilang sigaw sa kanya.
"Hah! Sino ka para sabihan akong gago!" Aniya.
Kinwelyuhan ko siya. "Gago ka naman talaga! Jena is a good person, bat mo nagawa to sa kanya?"
"Wala kang pakialam! Gagawin ko ang gusto ko! At ikaw, tumahimik ka dahil wala kang kinalaman samin! Wag mo sabihing... gusto mo pa siya!" Singhal niya.
"Ulol! Kaibigan ko din si Jena, at ikaw ginagago--" hindi natapos ang sasabihin ko dahil pumagitna ang dalawa.
"Tama na! Vin, tara na!" Hinila pa nila ako.
Nakita ko pang nginisihan ako ni Glenn.
YOU ARE READING
You Belong To Me
Random[COMPLETED & UNDER REVISION] "You're mine! You only belong to me!" I said to her. "What?" She snapped after hearing those words. "When I say you're mine, you're mine! And my mission is to make you fall for me... deeper. So be ready. . ." I smirked. ...