Chapter 23

67 5 0
                                    

Cristy

Ilang araw na ang nakalipas simula nung magtraining si Ryke dito. At sa araw na nakalipas, walang araw na hindi niya ako pinipeste!

Kapag hindi siya nagtetraining dahil sa pag-aaral niya, sa condo naman niya ako binibwisit!

Tss!

"The Central Police Station called us earlier. Sinabi nila na nahanap na nila ang headquarter ni Elfod. Puntahan natin sila dun since may sapat na tayong ebidensya laban sa kanila. Cristy, I will assign you and your team to this one. Understood?"

"Yes, madam!"


Lumabas kami ng silid nang lapitan ako ni Clark.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo? Pwede namang kami nalang ang pumunta dun." Aniya.


"Clark, ilang araw na ang nakalipas simula nung nabaril ako kaya sobrang maayos na ang pakiramdam mo. Ihanda mo nalang ang kakailanganin natin." Sabi ko.

Tumango naman siya. "Let's go. Nandun na sa labas sina Jevie at Lala." Aalis na kami ng may nagsalita.


"San kayo pupunta?" Aniya na paranh batang iiwanan ng ina.


"May pupuntahan lang kami." Sabi ko.


"Saan? Sama ako!" Pagkasabi niya nun, agad ko siyang tiningnan ng masama. Heto na naman ang ugali niyang yan!


"Vin, hindi ka pwede dun. Saka, nagtetraining ka diba?" Ani Clark.

"Tsk. Pwede naman siguro akong magbreak." Mula sa pagkasimangot, bigla siyang ngumisi. "O sige ganito nalang. May ipinabaon si mommy saking masarap na pagkain Cris at gusto niyang ibigay ko daw yun sayo. Kaya halika, sumama ka sakin." Aniya at hinawakan pa ang pulsuhan ko.


"No! Hindi siya sasama sayo dahil may pupuntahan pa kami, mas importante kesa sa iyo!" Hinawakan din ni Clark ang sa kabilang pulsuhan ko.

Hinila nilang pareho ang kamay ko na para bang isa akong lubid.


"Bitaw sabi eh!" Asik ni Ryke.


"Ikaw ang bumitaw!" Singhal naman ni Clark. "TSA! Kung makaasta ka parang kampante kang may gusto siya sayo! Hah! Asa ka boy!" Patuloy pa niya na nang-aasar.


Ngumisi naman si Ryke ng nakakaloko. "Hmm. Pano kung sabihin kong may gusto nga siya sakin?" Aniya na sumulyap-sulyap pa sakin.


"Ahahahaha! Si Cristy? Magkakagusto sayo? Assuming ka talaga eh no?" Ganti din ni Clark.


"Tsk, kung ganun... bakit iba ang narinig ko mula sa kanya? Imbes na 'hindi kita gusto' ay 'gusto kita' ang narinig ko mula sa kanya? Ngayon, sabihin mo sakin kung assuming ba ako?" He smirked.


Napatingin naman sakin si Clark na parang hindi makapaniwala.


"Anong gusto pinagsasabi mo?" Asik ko kay Ryke.

Sumimangot naman siya at ngumuso. "Bakit? Yun naman talaga ang sinabi mo ah! Sabi mo pa nga 'oo, kasali sa plano namin ang lumapit sayo pero--"


"P*ste! Dyan na nga kayo! Bahala kayo sa buhay niyo!" Hinawi ko ang kamay nilang dalawa at lumabas.


Ano bang trip ng tunggak na yun? At balak pang sabihin sa harapan ni Clark ang mga sinabi ko noon?


Feeling ko pinagpapawisan ako ng matindi. Ang init ng mukha ko.


Lumabas ako ng nakapaypay sa sarili.


You Belong To MeWhere stories live. Discover now