Ryke
Nakangiti ako habang nagmamaneho pabalik sa condo. Sinulyap-sulyapan ko pa ang milk tea na binili ko sa delicious café kanina.
Today, I am now doing what I promised to myself yesterday. And that is to pursue Cristy kahit pa magalit pa siya at makulitan sakin hindi parin ako susuko hanggang sa tuluyan ko siyang makuhaㅡI mean, makuha ang loob niya para hindi na siya lumayo sakin.
Nang makarating ako sa building, agad akong pumasok. Excited na kasi ako. Sasakay na sana ako ng elevator nang makita ko siyang lumabas.
Mas lumapad ang ngiti ko. Tatawagin ko sana siya ng may nakita akong isang lalaking lumabas din sa pinaglabasan kanina ni Cristy.
Clark?
Sinundan ko lang sila ng tingin. Hindi nila ako napansin kaya nung makalayo sila sakin, dahan-dahan akong naglakad pasunod sa kanila.
"Alam mo bang ikaw ang paborito ni Shelea? Hindi siya nag-insayo kasi hinihintay ka niya." Rinig kong sabi ni Clark kay Cristy.
"Kaya nga pupunta ako dun. Alam ko namang kapag tinatamad ang mga batang yun, kokonsentihin niyo lang sila kaya dapat andun ako." Mariing sabi ni Cristy.
Hindi ako makarelate sa sinasabi nila pero patuloy lang ako sa pagsunod.
Yung milk tea na dala ko, tinapon ko nalang sa basurahang nandun.
Nang makita kong papasok na sila sa kotse, yumuko ako ng bahagya para hindi ako makita nila. Saka naman ako patagong yumukong naglakad papunta sa kotse ko.
Hinintay ko munang makaalis sila at pinalipas muna ang mga dalawang minuto bago ako sumunod.
Mabuti nalang at madali kong natatanaw ang kotseng sinasakyan nila pero syempre malayo ako sa kanila.
Hindi ko alam kung saan patungo ang kotse nila dahil hindi naman pamilyar sakin ang daang tinahak nila.
Mga ilang minuto rin ang lumipas hanggang sa lumiko sa isang daang makahoy ang kotse nila kaya sumunod din ako.
****
"Anong lugar to?" Nasambit ko sa sarili nang makitang huminto ang kotse nila sa isang malaking bahay o gusali ata yun. Maraming mga batang nagtetraining sa labasㅡsa field.
Mangha akong sinuyod ang buong lugar.
Nakita kong lumabas sina Cristy at Clark na agad namang sinalubong nina Jevie at Lala. Nag-usap pa sila habang naglakad papalapit sa mga batang nagte-training.
May isang babaeng lumapit sa kanila. Nakita ko na siya nung nakidnap kami.
Nagpark ako sa may kahoyan saka bumaba. Patago din akong naglakad habang nakatingin sa nakakamanghang tanawin sa harapan ko.
"Sino ka? Bat ka nakapasok dito?" Tila nakalimotan kong huminga sa sandaling yun ng may narinig akong isang boses na lalaki sa likuran ko. Napalunok pa ako. Oh God! I'm doomed!
Cristy
"Ate Cristyyyy!" Sigaw ni Shelea pagkakita niya sakin saka ako nilapitan at niyakap.
"Sinasabi nila sakin na hindi ka nagtetraining. Bakit?" Matigas kong sabi.
Ngumuso naman siya. "Eh kasi, ayoko sa kanila, ikaw ang gusto kong magturo sakin, Ate. Ang cool mo kasi eh! Gusto kong maging kagaya niyo." Aniya.
YOU ARE READING
You Belong To Me
Casuale[COMPLETED & UNDER REVISION] "You're mine! You only belong to me!" I said to her. "What?" She snapped after hearing those words. "When I say you're mine, you're mine! And my mission is to make you fall for me... deeper. So be ready. . ." I smirked. ...