Chapter 16

56 5 0
                                    

Ryke

Nakangiti lang ako habang nakatingin kay Cristy sa isang tabi. Makakauwi na kasi ako ngayon sa bahay.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ang nangyari kahapon. Hindi ako makapaniwalang pumayag siya sa alok kong date kaya masaya ako. Nararamdaman ko Cristy, nararamdaman kong may gusto ka rin sakin. Baka hindi ka lang handa, kaya naiintindihan ko kung bakit hindi mo pa masabi sakin. Kitang-kita ko ngang sobrang nag-alala ka sakin kahapon. Hayy! Ang sarap sa feeling haha!


"Vinn Ryke, are you even listening?" Napakurap-kurap ako sa malakas na boses ni Mommy.

Napangiwi ako dahil sa katotohanang wala akong narinig kahit isang salita sa sinabi ni Mommy kanina.

"M-Mom.. of course, I am!"

"Ano ang sinabi ko kung ganun?" Napalunok ako.

"Y-You're happy kasi makakalabas na ako ngayon!" Kampante kong sagot.

"Tss!" Napalingon ako kay Cristy nang marinig yun. Nakita ko pang napailing siya.

"And you said you're listening!" Sabi ni Mom.

Nakanguso akong tumingin ulit kay Cristy na nakatingin din sakin. I mouthed at her 'kasalanan mo!' at natawa ako ng inirapan lang niya ako.

"Let's go!" Ani mommy kaya tumayo na kami. "Cristy, maraming salamat sa pagbabantay mo sa matigas na ulong to ha?"

"Mom!" Saway ko.

"Wala po yun, Tita. At tama po kayo, matigas nga po ang ulo ng anak niyo. Na sa sobrang tigas, ang sarap ng pukpukin." Sagot ni Cristy at ngumisi.

Sumimangot ako. "I can't believe this! Pinagtutulungan niyo ako!" Pagdadrama ko.

"Totoo naman kasi! Kahit nga si Cristy napansin yun! Tara na!" Lumabas kaming ospital. "Hija, sumabay ka na samin." Nakaramdam ako ng tuwa ng tanungin ni Mommy yun.


"Salamat nalang po. May pupuntahan pa po kasi ako eh!" Nang marinig ko ang sagot niya napalis agad ang ngiti ko.

"At sa'n ka naman pupunta." Bago pa siya sumagot, nagsalita ulit ako. "Oops! Wag na wag mo sasabihing dyan lang!"

"Sa apartment." Aniya.

"Tss. Sinungaling!"


"Ano ba, uuwi ka ba o hindi?" Banta pa niya. "Pumayag na nga ako diba? Kung mag-iinarte ka na naman, babawiin ko na ang sagot ko!"

"Unfair! Tss. Oo na! Deretso uwi ha?" Sabi ko.


"Tara na, anak." Pinapasok ako ni mommy sa kotse. "Una na kami sayo, hija!"


"Opo, ingat po!" Nang mapatingin siya sakin tinaasan niya ako ng kilay.



"Pssttt! Deretso uwi ha?" Paalala ko ulit. Mahirap na! Para pa namang higad ang Clark na yun.


"Oo na nga! Paulit-ulit!" Tila nababagot niya sagot. Naramdaman kong umusad na ang kotse.


Kahit malayo na, nakatingin parin ako sa gawi ni Cristy hanggang sa lumiko na kami.


Napabuntong-hininga akong umayos ng upo. Ayokong nahihiwalay sa kanya. Gusto pa ba tong nararamdaman ko? Sa tingin ko hindi na.


"Mahal ko na siya." Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ang puso ko. Malakas ang tibok nun na mas lalong nakapagkumpirma nang nararamdaman ko.


You Belong To MeWhere stories live. Discover now